Naiinis na tinapalan niya ng concealer ang namamagang mga mata. Kung bakit kasi iniyak-iyakan niya kagabi ang damuhong iyon. Ito tuloy ang napala niya. Nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata at feeling niya ilang kilong eyebags ang dala-dala niya.Nakakabanas.
Nakakairita.
Nakakabwisit.
Nakakaiyak.
Nilagyan niya lang ng pink lipstick ang labi niya para hindi naman masyadong pansinin. Nilugay niya ang mahabang buhok at tinitigan na naman ang mukha sa harap ng salamin. Naiiyak siya dahil sa hitsura niya. Tingin niya ay ang pangit-pangit na niya. Nakakapangit ang eyebags. Pramis mga ganda! Kaya wag kayong iiyak-iyak at aarte-arte kapag nabroken hearted kayo dahil siguradong papangit kayo gaya ko at super nakakaistress iyon.
Nagflats lang siya dahil tinatamad na naman siyang maghigh heeled shoes. Sadyang mataas na naman siya kaya hindi na iyon kailangan. Dinampot niya ang kanyang bag at dali-daling lumabas para magbantay ng sasakyan. Pasado alas siyete na ng umaga at siguradong male late siya sa trabaho kung tutunganga lang siya at tititigan ang pangit niyang mukha ngayon sa salamin.
Bahagyang nakayuko siya nang may humintong isang Bugatti Veyron sa harapan niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin upang mabungaran lamang ang lalaking naging dahilan ng pagiging pangit niya. Seryoso ang mukha nito habang papalapit sa kanya. Napaatras siya at naglakad palayo dito.Bakit ba kasi walang sasakyan kung kailan kailangang-kailangan niya? Paasa din eh noh? Gaya-gaya. Nainis siya lalo nang maglakad din ito at tumabi sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at tinitigan ito ng masakit.
"Pwede bang huwag mo akong sundan! Nakakainis kana ha?" Sigaw niya dito.
"Let's talk,baby." Mahinahon ngunit madilim ang mukha na saad nito. He's inches apart from her and he couldn't blame her heart for beating this loud.Mukhang may marathon pa sa loob eh.
"Talk your face!" Pabalang niyang sagot at inirapan ito. Nagsimula na naman siyang maglakad at nanalangin na may dumaan ng sasakyan.
"Krizzia!" He shouted her name. "I said let's talk!" Hinawakan nito ang braso niya at inilapit siya sa katawan nito.
Nagpumiglas siya dahil sa pagkakahawak nito. Siguradong lalandiin lang siya nito at siya na tanga ay bibigay nalang.
"Ayaw kitang kausapin,Mr. BuenaFlor!" May igting sa boses na saad niya."Bitawan mo ako at may trabaho pang naghihintay sa akin."
Imbes na bitawan siya ay niyakap siya nito ng mahigpit at hinagkan ang ulo niya. Kahit naiiyak sa naging akto nito ay pinigilan niya ang sarili. Dapat alam na niya kung saan siya lulugar sa buhay nito.
Sino nga lamang ba siya sa buhay ng isang Jeremy BuenaFlor?
Isang babaeng maingay, mahirap,makulit, tagahabol, walang hiya at babaeng kinakama nito. Wala siyang lugar sa buhay nito. Walang-wala kaya dapat lang na umiwas na siya habang maaga pa. Tigilan na niya ang kahibangan niya.
"Please.." Nakikiusap na saad niya.Naiiyak na tinitigan niya ito. "Tama na please. Ayoko na. Wala ka ng makukuha sa akin,Jeremy. Hindi kapa ba nagsasawa?" Mahina ang boses na sabi niya.
"No." He answered then carried her bridal style towards his car. Pinaupo siya nito sa harapan at pinasibad palayo ang sasakyan nito. Dahil nabigla ay hindi siya nakaimik habang nasa biyahe sila.Malayo-layo narin ang naging byahe nila nang mapansin niyang halos puno na ang dinadaanan nila. Kinakabahang nilingon niya ito habang nakatiim-bagang itong nagdadrive. Mabilis ang pagmamaneho nito at hindi man lang siya kinakausap magmula pa kanina.
"Nasaan tayo,Jeremy?" Nag-aalalang inilibot niya ang paningin sa dinadaanan nila. Maya-maya ay huminto sila sa bandang tagong lugar. May isang katamtamang laki ng bahay ang nakatirik sa gitna nun. Maganda pa ang pagkakayari at halatang pinaggastuhan.
"Kaninong bahay ito?" Dagdag niya at bumaba sa sasakyan kasunod nito.
"Mine." Seryosong sagot nito bago hinawakan ang kamay niya at pinapasok siya sa loob.
Namamanghang inilibot niya ang paningin sa loob ng bahay. Mas maganda pa pala ang loob niyon. It's made of pure wood. Kumikintab ang sahig at ilang mga muwebles. Halatang alagang-alaga ang mga ito. Napatingin siya sa bandang itaas na bahagi ng bahay. May second floor iyon at kahit hindi pa niya nakikita ay siguradong napakaganda din niyon.
Binaling niya ang tingin kay Jeremy na ngayon ay nakatitig na pala sa kanya. Nahihiya man sa klase ng tingin na iginagawad nito ay pilit niyang tinitigan ito pabalik.
"Bakit tayo nandito? Bakit mo ako dinala dito? May iba pa bang tao dito?" Sunod-sunod na tanong ang pinakawalan niya dito.
Imbes na sagutin siya ay lumakad ito papalapit sa kanya. Napaatras siya ngunit nabunggo na niya ang isang maliit na mesa sa gilid sa kakaatras niya. Dead end.
"Don't walk away from me,Krizzia. That would be futile." He enclosed his arms around her and cupped her face. "You can never escape from me. Hear that,baby?" His voice is so husky and she can smell danger with the way he hold her.
Tumayo siya ng maayos at tinitigan ito na puno ng determinasyon. She needs assurance. She badly needed it.
"I can Jeremy. I can do that." Taas-noong tinitigan pa niya ito kahit ang totoo ay kanina pa nangangatog ang mga tuhod niya dahil sa pagkakalapit nilang dalawa. Traidor ang puso niya kaya dapat gamitin niya ang isip niya. "What are we anyway? Kaya makakalayo ako sayo dahil walang tayo,Jeremy.Naiintindihan mo ang ibig kong sabihin diba?"
His face darkened at her answer. His jaw clenched as he hold her waist near him. He inched his face closer to her that made her catch her breath.
"Don't try me,Krizzia. I am a devil myself.I know what you are doing my dear sexy baby. You can never outsmart me. Not now. Not ever." He smirked at her and gave her a long punishing kiss. His kiss deepened as he draw circles at her back.She tried to struggle from his hold but he pinned her to the wall and continued giving her kisses from her lips,to her neck and even down to her cleavage.
"No-What are you doing,Jeremy?" Aniya habang hinihingal dahil sa ginagawa nito sa kanya.
Imbes na sagutin siya ay hinawakan nito ang dalawang binti niya at ikinawit sa beywang nito. Nanlalaki ang mata niya nang maramdaman niya ang kahandaan nito na bumubunggo sa harapan niya.
Oh my God!
Mukhang mapapagod na naman siya. Wala na. Siguradong bagsak na naman ang Bataan.
![](https://img.wattpad.com/cover/76403316-288-k50423.jpg)
BINABASA MO ANG
Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)
Storie d'amoreShe is always a nosy and a noisy kind of woman. She talks too much, behaves unlikely and laugh loudly. But meeting him rendered her speechless... Is it because of his undeniably good looks? Or His awesome sexy body?