Napahilot siya sa kanyang sentido nang lalong sumakit ang kanyang ulo. Letseng hangover! Panira ng umaga!
Napatayo siya at dumiretso sa pantry. She needed coffee. Napasulyap pa siya sa bakanteng pwesto ng kaibigan. Tss. Absent ang maldita. Siguradong mas malala ang hangover na nararamdaman nito kaysa sa kanya. Halos laklakin ba naman nito ang lahat ng inorder nilang inumin.
Tinatamad na bumalik siya sa kanyang upuan at parang wala sa sariling napatitig sa kawalan. Napabuntong-hininga siya ng malalim. Hindi talaga effective ang paglalasing kapag ikaw ay brokenhearted. Hinding-hindi na siya uulit kung ganito lang naman ang kahihinatnan niya. Parang binibiyak ang ulo niya sa sakit na kanyang nararamdaman. Mukhang masusuka pa nga siya.
Kumuha siya ng isang form at dali-daling sinulatan ito. Mag li leave nalang siya mamayang hapon. Napatingala siya sa orasan na nakasabit sa pader. It's quarter to twelve already. Konting tiis nalang.
Pagpatak ng alas-dose ay tumayo siya at agad na tumalilis. Pinasa niya lang sa HR ang leave form at dali-daling umalis. Say no to alcohol na dapat talaga ang motto niya.
"O? Bakit umuwi ka,nak? Wala ka ng pasok?" Bungad ng mama niya nang pagbuksan siya ng pinto. Napailing-iling lang siya at pumasok agad.
"I'm on leave,Ma. Masama ang pakiramdam ko." Nakangiwing napahilot na naman siya sa kanyang sentido at naupo pabagsak sa kanilang sofa.
"Sino ba naman kasing nagsabi sa iyo na magpakalasing ka? Yan tuloy. Wala talagang mabuting maidudulot ang alak,anak kong maganda." Panenermon nito sa kanya na lalong nagpakislot sa ugat niya sa sentido.
"Ma,huwag mo na akong sermunan,please? Lalong sumasakit ang ulo ko eh!" Aniya habang nakapikit na.
"Aba't! Swerte mo nga at wala ang papa mo dito! Siguradong magkakaroon ka ng curfew ng wala sa oras." Ismid nito at tumalikod na papuntang kusina.
"Kumain ka muna para makainom ka ng gamot." Sigaw nito mula sa kusina.
Napabuntong-hininga siya at tumayo na para dumiretso sa hapag. Nagugutom na rin naman siya. Hindi pa naman siya nakapagbreakfast kanina dahil wala siyang gana.
"Kumain ka ng marami,Krizzia.Mukhang pumayat ka." Hindi napigilang komento nito nang magsimula na siyang kumain.
"Ma,naman! Sexy to noh! Hindi ako pumayat!" Sabat niya habang busy sa pagnguya sa kanyang paboritong pagkain.
"Payat parin ang sexy,anak. Kaya damihan mo pa ang pagkain.Gusto ng mga lalaki ang may mapipisil sila. Hindi yung puro buto-buto."
Natatawang umalma siya dahil sa sinabi nito.
"May mapipisil naman siya sa akin,
Ma. Malaki pa." Ngisi ko dito na ikinalaki ng mga mata nito."Aysus Krizzia! Huwag ka nga! Sumbong kita sa Papa mo."
Natatawang binelatan niya lang ito at tinapos na ang pagkain. Dinampot niya ang gamot at diretsong ininom.Napatayo siya. Nasobra naman ata siya sa kabusugan. Mukhang lumalaki na ang tiyan niya. Kailangan na rin ata niyang mag-ehersisyo.
"Aakyat na muna ako,Ma." Aniya dito at naglakad na pagkatapos siya nitong tanguan.
Isa-isa niyang hinubad ang kanyang mga damit sa katawan. Pasimpleng hinagod niya iyon ng tingin. Sa tingin niya ang sexy parin naman niya. Magandang-maganda pa. Kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit ipinagpalit siya ni Jeremy doon sa babaeng iyon. Tss. Siguro dahil hindi siya nabibilang sa lipunang kanilang ginagalawan.
Bahala na nga. Hindi lang naman ito ang lalaki sa mundo. Makakahanap din siya ng lalaking tatanggapin at mamahalin siya ng buong-buo.
Yung walang labis at walang kulang.
Yung lalaking hinding-hindi siya lolokohin.
Yung lalaking may paninindigan.
Naalimpungatan siya nang malakas na tumunog ang cellphone niya na nakalapag sa sidetable. It was Elle calling.
"Hello." Aniya sa mahinang boses habang humihikab.
Napatili ito mula sa kabilang linya na sumira ata sa eardrums niya.
"Huwag ka ngang sumigaw,Elle. Bakit ba?"
"Let's buy a dress tomorrow,Krizz.Amanda is already back with her husband and they'll throw a party for her mother's birthday."
"Nagleave na ako kanina eh! At saka wala akong pera,Elle! Nagtitipid na ako para sa future ko!" Sabat naman niya dito.
"Eh di magleave kana naman! Come on,I'll pay for your dress. Utang mo nalang muna sa akin." Natatawang saad nito.Yung tunog maldita,okay? "You gotta looked extra gorgeous tomorrow,dear. I heard Jeremy's gonna bring that bitch! No way I'm gonna let them throw you a pity look." Malditang tungayaw nito mula sa kabilang linya na ikinangiwi niya.Wala talagang preno ang bibig nito kapag nagsasalita.
"At saka why save for your future? Wala ka namang boyfriend!"
"Oo na manahimik kalang diyan!" Sigaw niya pabalik dito. Ang sama-sama nitong kaibigan. Ipangalandakan daw ba na wala siyang boyfriend. As if eto may boyfriend. Pareho lang din naman sila eh!
"Great." Nagpapalakpak pa ito sa kabilang linya habang tuwang-tuwa. "I'll pick you up tomorrow in your house. Eight in the morning. Sharp. Don't make me wait. I hate waiting. Okay? Babush."
Saad nito at agad siyang pinatayan ng linya. She just rolled her eyes. Kita mo nalang? Parang walang pinag-aralan talaga ang kaibigan niya. Binabaan ba naman siya ng cellphone.Pababa na siya ng hagdan nang maulinigan niyang may nag-uusap sa sala nila. Kunot-noong nilapitan niya iyon.
"Hi!" He greeted her with his dimples showing. Inabot nito ang bouquet ng bulaklak na dala nito sa kanya.
Napatanga siya dahil sa ginawa nito. Bakit naligaw ata ito sa bahay nila?
"Ahm,hi?" Nakangiwi pa atang sabi niya. Pinandilatan siya ng kanyang mama kaya inayos niya ang kanyang pagngiti.
"I won't stay that long,Krizz. I just wanna invite you for tomorrow night. It's Mrs. Lopez birthday and I want you to be my date if it's okay with you." Nakangiti na pahayag nito sa kanya.
"Wala ka bang girlfriend na aayain?" Aniya imbes na sagutin ang paanyaya nito. Nabigla talaga siya sa dahilan ng pagpunta nito.
Natawa pa ito bago siya sinagot, his dimples showing.
"I don't have,Krizzia. Hindi naman kita aayain kung meron man. Wala namang magagalit diba?"
Meron. Si Jeremy. Possesive yun eh. Baka makapatay kapag may ibang humawak ng kamay niya. Kontra ng puso niya. Kaya lang wala ng sila eh.Sabat naman ng bwisit na isip niya.
Kiming ngumiti siya dito. Wala naman sigurong masama kung pumayag siya. Kaibigan naman ito ng pinsan niya.
"Okay." Pagpayag niya na ikinangiti nito.
"Thank you. Shall I pick you up tomorrow for your dress?"
Napailing lang siya at napangiti dito.
"I'm with my friend tomorrow. Magkasama kaming maghahanap ng damit."
"Okay. So,I'll pick you up by seven tomorrow night?"
Tumango lang siya dito. Nakangiting nagpaalam ito sa kanya at sa mama niya. Ngiting-ngiti ang mama niya nang silang dalawa nalang ang naiwan.
"Yan anak,may bago kanang magiging boylet." Natatawang pakli nito na ikinasimangot niya.
"Ma naman! Hindi naman ako naghahanap ng boyfriend!"
"Sus. Mag move on kana kasi!" Anito at nagmartsa palayo sa kanya.
Napabuntong-hininga siya. Naiwang naguguluhan. Ang hirap-hirap. Masakit parin talaga ang puso niya ngunit kailangan na nga talaga niyang pakawalan ang nararamdaman niya kay Jeremy.
She deserved to be happy. And maybe,Jeremy is not destined to be her happiness. He might be her first love but there's still a true love,right?
![](https://img.wattpad.com/cover/76403316-288-k50423.jpg)
BINABASA MO ANG
Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)
Storie d'amoreShe is always a nosy and a noisy kind of woman. She talks too much, behaves unlikely and laugh loudly. But meeting him rendered her speechless... Is it because of his undeniably good looks? Or His awesome sexy body?