Ilang araw na akong puyat.Work, work,work....
Parang si Dora kasi ako.Travel ng travel. 🚗 🚌 👣
~~
"What?!" Napatakip siya ng bibig nang titigan siya ng masakit ng kaibigang si Elle. "Sigurado ka ba diyan?"
"I am. But you have to lower down your voice for now, got it?" Her brows raised while looking at her. Ang ever suplada niyang kaibigan talaga ay wala ng pag-asa na maging mabait. Hindi nga niya alam kung bakit hindi pa ito nadala ng pagkamaingay nilang dalawa ni Amanda. Ang cold talaga nito. Parang ang panahon lang ngayon.
"Sige.. I'll try to tone down my voice." Naka pout na sagot niya. "Kaya ba absent siya ngayong araw?"
Elle just shrugged her shoulders then go back to her seat. Sumunod naman siya dito at kinulit ito ng kinulit.
"Ano ba,Krizz? Wag ka ngang makulit!" Pilit nitong pinipigilan ang pagtaas ng boses habang pinandidilatan siya ng tingin.
"Oo na nga babalik na. Ang boring kasi doon eh!" Pagmamaktol niya at tumalikod niya. Kung nandito lang sana si Amanda ay may makukulit pa siya. Medyo mabait yun eh kahit sobrang yaman pala.
Amazing isn't it? Ni hindi niya nahalata na nanggaling ito sa maykayang pamilya dahil may pagkakalog din ito gaya niya. Mas malala lang siya. Nakakahiya nga lang ang pagiging malala niya. May pagkabaliw talaga siya eh. May pinagmanahan naman kasi. Ang ever Diyosa niyang mama.
Pagsapit ng uwian ay nagmamadaling inayos niya ang gamit. May mahalagang bagay pa kasi siyang aayusin.
"Mauuna na ako sa iyo, Elle sungit!"
Nakangiting kinawayan niya lang ito na lalong sumama ang timpla ng mukha dahil sa sinabi niya."Where are you headed to Krizzia? Why such in a hurry?" Umagapay ito sa kanya kahit hindi pa gaanong naayos ang dalang bag.
"May dadaluhan lang na birthday,friend. Medyo malayo kasi yun eh. Gagabihin pa talaga ako." Nakangiti niyang saad. "At pwede bang magsalita ka rin minsan ng tagalog. Palagi nalang akong nag no nosebleed sa iyo eh." At tatawa-tawang binelatan niya pa ito.
Napailing na lamang ito dahil sa inasta niya.
"Stop with your childest act, will you? You're no longer a kid. Act your age, Krizz."
"Whatever." Ngingiti-ngiti lang siya habang papasok sa elevator. Sanay na siyang tinatarayan nito.
"I can drop you by if you want." Maya-maya ay untag nito sa nananahimik niyang diwa.
Napabaling siya ng tingin dito. Hindi makapaniwala.
"So nag-offer ka talaga,masungit kong kaibigan? May himala yata ngayon at bumait ka."
"Just be thankful, will you?" Inis nang sabi nito bago naunang lumabas nang nasa ground floor na sila.
Umagapay siya sa mabilis na paglalakad nito.
"Thank you sa offer kaya lang out of the way eh at medyo may kalayuan talaga."
"You're going to commute then?"
"As usual. Poorita kasi ako Elle dear." She pouted at tumayo na sa gilid ng daan para magbantay ng sasakyan.
"OA ha!" Napailing ito bago tumabi sa kanya.
"You'll take a cab or public jeepney?" Pagpapatuloy nito. Nakataas pa ang kilay nito habang sinusunod ng tanaw ang mga dumadaang sasakyan.
"Public jeepney nalang siguro. Masyadong mahal kung magta taxi ako. Alam mo naman at nagtitipid ako."
Binalingan siya nito ng tingin.
"Will you be okay here then?"
''Siyempre naman. Ako pa."
''Ang yabang mo!" At natawa ito bago kumaway sa kanya. "You take care,okay?"
Kumaway na lang din siya pbalik at napapangiti na binaling ang tingin sa dumadaang mga sasakyan.
Mahigit isang oras na siyang naghihintay at akmang makikipagsiksikan sa sasakyang dumaan nang may magsalita sa likurang bahagi niya.
"Don't you dare try to ride on that thing, Krizzia!" A loud voice interrupted her from riding the public jeepney.
Napabaling siya ng tingin sa kanyang likuran kung kaya't naunahan na siya ng ibang mga pasahero.
Kainis.
Galit na binalingan niya naman ng tingin ang likuran niya nang mapatda siya nang makilala kung sino ito.
Ang lalaki lang naman na gwapong-gwapo na gustong-gusto niya ang nakatayo may kalayuan sa kinatatayuan niya. Naka suit and tie pa ito habang madilim ang mukha na nakatitig sa kanya. Ang galit niya ay biglang napalitan ng saya. Binigyan niya ito ng kanyang pinakamatamis na ngiti na kahit na sinong tao ay siguradong matutulala at mahahalina.
"Don't smile at me like that. Stay out of the road." Galit pa rin na sabi nito. Ni hindi man lang nito pinansin ang pagpapacute niya.
Nakakahiya.
Baka tabingi ang ngiti niya? O may dumi ang ngipin niya? Nakakahiya talaga kung ganoon. Napalis tuloy ang magandang ngiti niyang praktisadong-praktisado na niya.
Napairap nalang siya dito at binalik ang pansin sa pagbabantay ng sasakyan. Kaimbiyerna! Siguradong gabing-gabi na siyang makakarating sa pupuntahan niya.
Akmang papara na naman siya nang hawakan nito ang kamay niya at kinaladkad siya nito sa pinakamamahal nitong kotse.
"Ano ba?" Pagpupumiglas niya at pilit tinatakpan ang kilig na nararamdaman dahil sa pagdadaiti ng mga palad nila.
Ang swerte Niya! Isang Jeremy BuenaFlor ba naman ang kumakaladkad sa kanya.
"Don't test my patience woman." Nakaigting ang bagang na ipinasok siya nito sa kotse nito.
"Ba't ka galit? Inaano ba kita?"
"Are you sure you're going to ask me that?" Anito at pumasok na rin sa sasakyan nito.
"Ano nga? Nananahimik ako eh. Bakit mo ba ako kinaladkad? Late na nga ako." Aniya habang nakanguso.
"Look at yourself." Imbes ay sabi nito.
"Whats wrong with me then?" Aniya habang sinisipat ang kabuuan. Sa pagkaalala niya ay maayos naman ang mukha niya. Kaya nga natulala naman ang mga nakasalubong niya kanina eh.
Nakakatulala kaya ang kagandahan ng isang Krizzia Aliora.
Proven and tested pa iyan.
"O anu na? Wala kayang problema sa akin. Baka naman sayo meron."
"What did you just say?" Kunot-noong binalingan siya nito. Naniningkit pa ang mga mata.
"Eyes on the road mister," pigil niya dito nang matagalan ang pagtitig nito sa mukha niya.
"You behave then." He answered smirking.
She raised her brows at him.
"Behave kaya ako."
"Tsss."
Hindi na ito nagsalita pagkatapos.
"Sa tapat mo lang ako ibaba. Magta taxi nalang ako."
"No. I'll go with you. No questions. Just shut your mouth up." Anito bago pinaharurot ang kotse palayo.
She's worried though. Alam kaya nito ang pupuntahan niya at dire-diretso ito?
Ay Ewan..
Bahala na nga.
BINABASA MO ANG
Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)
RomanceShe is always a nosy and a noisy kind of woman. She talks too much, behaves unlikely and laugh loudly. But meeting him rendered her speechless... Is it because of his undeniably good looks? Or His awesome sexy body?