Silence 4

81.9K 1.9K 30
                                    


Hindi na maipinta ang mukha niya ng araw na iyon. Kung bakit ba kasi na excite pa siyang magbasa ng newspaper kanina eh. Ang magandang ngiti na nakapaskil sana kaninang umaga sa kanyang labi ay nabura nang mabasa niya ang headline sa naturang newspaper.

Sino ba naman ang sasaya kung mabasa mo ito:

Billionaire Bachelor Jeremy BuenaFlor spotted kissing with socialite Alyana Contreras

Ang sakit lang sa bangs! Gupitin niya pa ang bangs nung babae eh. Kainis! Akala pa naman niya ay may improvement na sila ni Jeremy baby niya. Sinamahan pa naman siya nito sa birthday ng kakilala niya last week. Kaya pala hindi nagpakita ang gwapo, may kalandian na palang iba. Siya naman kasi assuming. Bwisit!

Bad trip tuloy siya buong maghapon. Ni hindi nga siya umiimik kahit inaaway na naman siya ng kaibigang si Elle. Wala talaga siyang ganang magsalita. Nakakapanghina ng buto ang nabasa niyang balita.

"Hey..what's the matter,Krizz?" Untag nito sa himalang nananahimik niyang diwa at bunganga.

"Wala." Walang gana niyang sagot at nangalumbaba nalang sa mesa niya. Bahala na kung mahuli at masesante man siya.

"Himala ata at natahimik ka?" She raised her brows at her. "Is this about the news that you read this morning?"

"Ewan ko sa iyo."

Natawa lang ito.

"You looked ugly. What's with the face? You're not even an item." Dagdag pa nito na lalong nagpasimangot ng mukha niya.

"Ang sungit mo na nga,ang bitter mo pa." Imbes na sagutin ito ay sabi nalang niya.

"I'm not bitter." Simpleng sagot nito at ibinalik ang tingin sa ginagawa.

"Sige..iwas kapa. Malalaman ko rin ang sikreto mo." Aniya bago pinilit na ibinalik ang pokus sa trabaho. Nagbago na ang isip niya. Ayaw na niyang masesante. Ang hirap kayang maghanap ng trabaho. Tamad pa naman siyang maglakad- lakad para makahanap ng trabaho. Nakakasakit ng paa kaya. Mahilig pa naman siyang magheels kahit may katangkaran siya. Pwede nga siyang magmodelo sa kung tutuusin. Kaya lang ay hindi pa kasi siya handa. Masyado pa siyang bata. Bata pa ba ang 24 years old? Funny. Feeling bata siguro pwede pa. More on isip bata pa pala. Hindi pa niya carry I flaunt ang kanyang uber sexy na body. Baka talbugan pa niya ang mga sikat na modelo at artista eh! Gaya nalang ng kaibigan niyang si Elle. Ang tagal rin kasi nitong nawala sa limelight. Ewan niya lang kung anong plano nito sa buhay maliban sa pagiging alila nila kay Jacob- malandi- Saavedra.

Never mind nalang nga ang malanding super hunk na lalaking iyon. Bahala ito. Akala nun kakausapin pa niya ito? Manigas lang ito. Asa siya.

Ako yata ang diyosang si Krizzia Aliora! Mamatay na ang malalandi at manloloko kahit gaano pa ito ka hot at gwapo!








"Krizzia anak..baba kana diyan at kakain na tayo." Sigaw ng mama niya mula sa baba. Nasa kwarto niya kasi siya at kasalukuyang nagdadrama na naman dahil naisip na naman niya ang nilalaman ng lintik na dyaryong iyon. Panira na nga ng araw, ngayon naman pati gabi niya ay sinisira na naman nito. Nakakairita na talaga. Hindi naman siya madaling mairita kaya nga nagtataka talaga siya kung bakit ganun ang nararamdaman niya.

"Sandali lang,Ma." Ganting sigaw niya sa kanyang mama at nanatiling nakahiga sa kanyang ever precious na kama. It's not so big. Kasya lang talaga siya. Mahal din kasing bumili ng kama. Hindi niya afford.

"Huwag kang magpakaprinsesa anak at bumaba na! Masama ang ipinaghihintay ang pagkain." Sigaw na naman nito mula sa ibaba.

Naman! Bakit pati mama niya nakakairita na? Nabubuang na ata siya. Never pa naman siyang nairita sa mama niya. Kaberks sila niyan eh! Ang papa kasi niya ay may pagka istrikto. Nag-iisang anak pa naman siya at babae kaya siguro ganun ito kahigpit sa kanya.

"Oo Ma..Bababa na." Sigaw niya at nakasimangot na bumangon mula sa mdramang pagkakahiga niya. Buseet.

Poker faced na humarap siya sa kanyang mga magulang nang maupo na siya. Ayaw naman niyang makipagplastikan dahil wala talaga siya sa mood. Kung ngingiti naman siya ay siguradong magmumukhang natatae lang siya. Eew.. That's gross.

"Bakit ganyan ang mukha mo, 'Nak?" Saad agad ng mama niya pagkaupo niya.

"May mali ba sa mukha ko,Ma?" Balik-tanong niya habang nakasimangot.

"Sumagot ka ng maayos Krizzia. Ayusin mo yang pagmumukha mo. Nasa harap tayo ng hapag kainan kaya umayos ka." Seryosong saad ng Papa niya bago kumain.

Napayuko siya. Medyo takot siya sa Papa niya. May pagkasuplado kasi ang bukas ng mukha nito. Kahit nakuha niya ang hitsura nito ay nakuha niya naman ang maaliwalas na bukas ng mukha ng mama niya.

"Sorry po." Napayuko siya at nag- umpisa na ring kumain. Mahirap nang masabon sa harap ng hapagkainan. Nakakahiya kaya yun.

"Okay kalang ba,Nak?" Anang mama niya para basagin ang katahimikan sa mesa nila.

Napaangat siya ng tingin mula sa kinakain. Napalunok siya bigla dahil nararamdaman niya ang pagtitig ng ama niya sa kanya. As if alam nito ang nararamdaman niya. Malakas kasing makaramdam at makabasa ng kilos ang ama niya. Kaya nga nahirapan siyang magsinungaling lalo na nung nasa kolehiyo palang siya.

"Oo naman,Ma. Bakit naman hindi?" At pilit na natawa para pagtakpan ang kabang nararamdaman.

"Sigurado ka?"

"Yep Ma. Siguradong- sigurado."

"Baka naman may nobyo kana
anak?" Masayang sabi pa ng mama niya. Awtomatik na lumingon siya sa kaniyang ama na seryoso nang nakatitig sa mukha niya.

Napalunok tuloy siya dahil sa pagkakatitig nito. Feeling niya bibitayin na siya kapag nagkamali siya sa isasagot niya.

"Anu na?" Excited pa na sabi ng mama niya. Di halatang nagmamadali ng magkaboyfriend siya noh?

"Wala,Ma. Ano kaba naman? Hehe." Tabingi ang ngiti na sabat niya.

"Paano naman yan magkakaboyfriend eh wala naman yang naipakilala sa atin?" Seryosong sabat ng ama niya. Kunot na kunot pa ang noo nito habang sumusubo ng kanin.

"Kaya nga Pa. Nagmamadali ata si Mama eh." Aniya at mahinang natawa.

"Akala ko meron na eh!" At nagpout pa ito na parang bata na ikinangiti ng ama niya. Sweet.

"Kung meron man ay dapat ipakilala mo sa amin prinsesa,okay?" Anang ama niya na nakangiti nang nakatingin sa kanya.

Napatango nalang siya at napangiti.

Yey! Sa wakas! Mukhang pinayagan na siyang magboyfriend ng Papa niya.

Si Jeremy nalang talaga ang problema niya.


Kumampi sana ang tadhana sa kanya. Ito na talaga ang lalaking hinihintay niya.

Peksman sa magandang mukha Niya.




Si Jeremy BuenaFlor lang ang para sa kanya.



~~

Click the ☆ and hit comment.

Thank you!

OiBhabie

Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon