Napresent ko din ng maayos ang reports ko. 😂 May next month naman. 😁
God is really good.
~~
Mahigit isang buwan na magmula nang makipaghiwalay siya kay Jeremy. He's trying to reach out but she thinks she's not yet ready to accept him. Natatakot siyang mauulit na naman ang nangyari noong nakaraan. Tatanggapin niya ito tapos masasaktan na naman siya. It's just a cycle for them. And she doesn't want that cycle because she's always hurt in the end.
Her bump is already showing. Her friends know already. Sasabihin niya din naman kay Jeremy kapag handa na siya. Nasasaktan parin kasi siya kapag nakikita niya ito. It's not healthy for her and the baby. She should know her priorities first. And her baby is in the top list.
"Aalis kana, 'nak?" Anang mama niya nang madatnan siyang pababa ng hagdanan.
"Yes, Ma."
"Pakikamusta nalang ako sa kaibigan mong si Amanda, anak." Anito. Nakangiting tumango lang siya sa mama niya.
Humalik siya sa pisngi nito at lumabas na ng kanilang bahay. She's excited and happy to see Amanda and her baby. Nanganak na kasi ito kaninang madaling araw. It's a baby boy. Siguradong ang gwapo nito dahil ang gaganda ng lahi ng mga magulang nito. Ipinagdadasal nga niyang babae ang magiging anak niya. Gusto niya kasing may inaayusan siya.
Napapitlag siya nang may magsalita sa gilid niya. It was Jeremy looking so gorgeous in a casual clothes.
"You're going to the hospital?"
"Yes. What are you doing here? Wala kang trabaho?" Nakataas-kilay na saad niya habang pinapasadahan ito ng tingin. Alam niyang mahal parin niya ito ngunit ayaw naman niyang magmadali. She doesn't want to make the same mistakes. May tamang panahon naman kasi ang mga bagay-bagay.
"I'm the owner. Maaari akong hindi pumasok kung kinakailangan, baby." He smirked making her brows raised a little bit higher.
"Hambog." Bubulong-bulong na sambit niya sa mahinang boses habang nauna ng naglakad palabas ng gate ng kanilang bahay.
Nabigla pa siya nang hawakan nito ang siko niya at iginiya siya papasok sa sasakyan nitong nakaparada sa harap ng bahay nila. Inirapan niya ito bago pumasok sa sasakyan nito. Akala ata nito close na silang dalawa kung makaasta. May pahawak-hawak pang nalalaman. If I know, nangtatsansing lang ang loko. Tigang na siguro. Well, yun ang hindi niya sigurado.
"Your seatbelt, baby." Anito nang makapasok sa sasakyan nito.
Tahimik na kinabit niya iyon at hindi pinansin ang intensidad ng titig na iginagawad nito sa kanya. She knows she's being horny. Hormones, perhaps. Kaya nga iniiwasan niyang magkaroon sila ng physical contact ni Jeremy. Baka bumigay nalang siya bigla.
"I really missed you already,baby. I hope you'll forgive me already." Mahinang anas nito sa malungkot na boses bago pinaandar ang sasakyan.
Tahimik na sinusulyapan niya lang ito habang seryoso itong nagmamaneho. Napakagat -labi siya para pigilan ang luhang gusto na namang kumawala mula sa mga mata niya. Namimiss niya rin naman ito. Sobra-sobra pa nga ang pagkakamiss na nararamdaman niya para dito. Kaya siguro gusto niya itong yakapin ng mahigpit. But they're not yet okay. Konti nalang talaga, baby. Sana naman makapaghintay ka sa akin.Hindi naging madali ang lungkot at sakit na pinagdaanan niya kaya hindi din magiging madali ang magiging pagtanggap niyang muli dito. Time will come that she'll accept him again whole-heartedly. Tiwala lang.
"Don't go out yet, baby." Dali-Dali itong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto. Pinigil niya ang ngiting gustong kumawala sa kanyang bibig nang balingan siya nito ng tingin.
"Thank you." Aniya at nauna ng maglakad habang nakasunod lang naman ito sa kanyang likod. Feeling niya tuloy may bodyguard siya. Hindi siya sanay lalo na't nasa kanila ang atensyon ng mga nakakasalubong nilang mga tao. Hindi ata makapaniwala ang mga ito sa nakikita. Napairap siya sa hangin nang marinig ang mga binubulong-bulong ng mga ito. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo kung makaasta. Tss.
"Dito ka nga sa tabi ko,Jeremy." Inis na bulyaw niya nang balingan niya ito ng tingin sa likod. Dali -daling tumabi naman ito sa kanya ng nakangiti.
"Huwag ka ngang ngumiti diyan. Ibalik mo nga ang supladong pagmumukha mo!" Naiiritang saad niya dito at nagpatuloy sa paglalakad.
"Okay, baby." He smiled at her first before he made a poker-faced. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya nang buksan niya ang pinto ng kwarto ng kaibigan niya. Bumungad sa kanila ang nagtatawanang mga tao sa likod. Nakangiting dumiretso siya sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito.
"Kamusta ka, Amanda? Masakit ba?" Nakangiwing saad niya na umani ng tawanan sa loob ng kwarto. Wala naman atang nakakatawa sa itinanong niya.
"Ganyan talaga ang itatanong mo, Kriz?" Natatawang sabat naman ng kaibigan. Nasa tabi nito ang asawa nito at boss niyang si Jacob na kababakasan ng kasiyahan ang buong mukha.
Ganyan din kaya ang magiging hitsura ni Jeremy kapag nakapanganak na siya? Napailing siya sa naiisip. Ang tagal -tagal pa nun.
"Bakit? Wala namang masama sa itinanong ko ah!" Nakapout na sagot niya nang biglang mapatili siya nang makita ang anak ng mga ito.
"Oh my God! Ang gwapo -gwapo ng anak mo, Amanda!" Aniya at pinakatitigan ito ng mabuti habang hawak-hawak ito ng kaibigang si Elle. Nasa likod naman nito ang gwapong-gwapo parin na si Nathaniel. Siguro nagkabalikan na ang dalawa.
"You're too loud, Krizzia! Baka magising ang baby." Elle hissed at her. Nagkibit -balikat lang siya at pinakatitigan ng mabuti ang bata.
"Kamukha mo siya boss! Diba ang sabi nila kung sino ang kamukha siya ang mas nag-enjoy? " She blurted out too loud making them laughed. Well, aside from her boss na namumula ang mukha siguro dahil sa hiya at kay Jeremy na napapailing lang sa likod niya. Hindi nga niya alam kung bakit natatawa ang mga ito. Wala namang katawa-tawa sa sinabi niya. Umiyak tuloy si bebe boy.
"Ang ingay mo kasi! Yan tuloy nagising!" Anang Elle at inugoy-ugoy ang bata.
"Bagay sayo, Elle. Mukha ka ng nanay. " Nakangising saad niya dito. Tinitigan siya nito ng matalim kaya natahimik siya bigla at napaatras.
"Mas bagay sayo, Krizziang maingay!" Anito at ibinigay sa kanya ang bata. Nanlalaki ang matang napatanga lang siya habang nakatitig sa natutulog na namang baby.
"Abutin mo, Krizz. Magpractice ka ng humawak ng bata. Para hindi kana maging shunga kapag nakapanganak kana." Dire-diretsong saad nito na ikinasinghap nilang dalawa ni Amanda. Feeling nga niya mahihimatay siya sa binitiwang mga salita ng kaibigan niya. Bakit naging maingay ito bigla?
"Your mouth, Elle! Oh my God!" Anang Amanda sa malakas na boses.
"Don't tell me you're... you're pregnant, Krizzia?"
Napabaling ang kanyang tingin kay Jeremy na ngayon ay madilim ang hilatsa ng mukha. He looked sad, angry and betrayed. Hindi niya alam ang gagawin kaya napayuko nalang siya at mahinang napahikbi.
"Damn it!" Sigaw nito na ikinapitlag niya. Napahikbi siya ng malakas nang mapatitig sa galit na mukha nito. Tinitigan siya nito nang masakit bago ito padabog na lumabas ng kwarto.
I'm so sorry, Jeremy.
~~
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)
RomanceShe is always a nosy and a noisy kind of woman. She talks too much, behaves unlikely and laugh loudly. But meeting him rendered her speechless... Is it because of his undeniably good looks? Or His awesome sexy body?