"Krizzia, anak.." Tawag ng mama niya sa kanya pagkadating niya galing sa trabaho."Ano po iyon, Ma?" Aniya at humalik sa pisngi nito. Dumiretso siya sa living room at naupo doon.
"Pupunta kaming Bicol ng Papa mo. Isang linggo kami doon, 'nak. Magpipista na kasi." Anang mama niya na naupo na rin sa harapan niya.
"Sige, Ma. Hahabol nalang ako. I think I can make it by Friday night." Kiming ngiti niya. Taga Bicol kasi ang pamilya ng mama niya. Nakilala nito ang papa niya nang maasign ito doon. Ngunit pinili nilang manirahan sa Manila dahil doon talaga nakabase ang trabaho ng Papa niya. Kaya sa Manila na rin siya lumaki.
"Sige, 'nak. Tatapusin ko lang ang pagluto ko."
Napatango nalang siya at napapikit. Napabuntong-hininga siya. She seemed tired. Hindi naman busy sa office ngunit pagod siya. Ay ewan. Ganito siguro kapag brokenhearted.
Napailing nalang siya at napaakyat. Matutulog nalang muna siya.
Friday.
"Saan ka nga pupunta, Krizz?" Anang Ella habang palabas sila ng Saavedra Corporation.
"Bicol. Hahabol lang ako sa pista,Ella sungit." Aniya habang bitbit ang bag na may konting damit at ilang personal na gamit.
"You'll commute?"
"Siyempre."
"That's far. Anong oras ka na niyan makakarating?" Concern evident on her voice.
"Ano kaba!" Aniya at natawa. "Sanay akong magcommute Ella. "Napakaway nalang siya dito at sumakay na sa dumaang sasakyan. Mahirap na at baka lalo pa siyang gabihin.
Pagkababa niya ng sasakyan ay nilapitan niya agad ang kaibigan ni Krizzia. He knew her. She belongs to the elite family.
"Elle."
"BuenaFlor." Pormal din na bati nito pabalik.
"You're not with Krizzia? Did she went home already?"
"Sorry to burst your bubble lover boy but she already left. She went on a family gathering." Anito at tumalikod na at hindi man lang siya hinintay na magsalita.
Brat. Kaya siguro nag break sila ni Hernaez. A jerk and a brat.
Napailing nalang siya at bumalik na sa sasakyan niya. Kung bakit kasi ayaw ibigay ng pinsan niya ang numero nito eh.
Damn! I'll wait till Monday then.
Pagkatapak niya sa probinsya nila ay hindi niya maiwasang maging masaya at excited. It has been a while since she's been here. She missed her relatives.
Nakangiting dumiretso siya sa bahay ng tita niya. Nagkakasayahan ang mga pinsan niya sa labas habang nag-iinuman. Ni wala ngang nakapansin sa pagdating niya.
Akmang aatras na siya nang may mabunggo siya sa kanyang likuran. Nanlalaki ang matang napaharap siya dito.
"Oh my God! Sorry. Sorry talaga!" Aniya at napatingala dito. Oh lala! Delicioso. Ang pogi naman.
"Its okay, Miss?" Anito ng nakangiti,labas ang dimples sa pisngi. Shucks. Destiny. Pareho pa kaming may dimples.
"Krizzia." Pilit pinipigil ang kilig na sabi niya habang nakatingin dito.
"I'm Josh." Anito sabay inilahad ang kamay sa kanya.
Aabutin na sana niya ang kamay nito nang mapansin sila ng kanyang mga pinsan. Bad trip. Andun na eh! Aabutin na niya. Kainis.
BINABASA MO ANG
Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)
RomanceShe is always a nosy and a noisy kind of woman. She talks too much, behaves unlikely and laugh loudly. But meeting him rendered her speechless... Is it because of his undeniably good looks? Or His awesome sexy body?