Krizzia wanted to congratulate herself for looking so great with her red dress.Masyadong bukas ang harapan ng kanyang damit na nagpapakita ng kanyang balat. May mahabang slit sa gilid iyon na nagpapakita din ng kanyang mahabang binti. Ang kanyang mahabang buhok ay pinagupitan niya at bahagyang kinulot. She looked sexy and stunning and she couldn't help but be proud of herself. She's now every inched of a lady. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil nagmumukha na siyang may sinasabi sa lipunan dahil sa kanyang hitsura.
She pouted her uber red lips in front of the mirror and smiled at herself. In fairness,nagmukha na naman siyang tao.
Pinasadahan niya pa ng isang tingin ang kanyang kabuuan bago dinampot ang kanyang pouch at bumaba na. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdanan. Her stare caught his smile and his cute dimples. Napangiti siya nang mabungaran ang gwapong mukha ni Josh. He's in his black tuxedo with his tousled hair. Inabot nito sa kanya ang dala nitong bulaklak habang nakangiti na nakatitig sa kanya.
"You looked gorgeous,Krizz.Wow!" Namamanghang usal nito habang pinapasadahan siya ng tingin.
"Thank you!" Ngiti niya at inabot ang binigay nitong bulaklak. "You don't look bad yourself,Josh."
"Ang swerte ko namang maging date mo ngayong gabi." His boyish grin showed."Tss. Magsisisi talaga itong pinakawalan kapa niya." Dagdag nito at hinawakan ang kamay niya.
"Shall we?"
"Magpapaalam lang ako kay Mama." Aniya at naglakad patungong kusina.Nakatalikod ang mama niya habang busy sa pagluluto.
"Ma,aalis na po kami."
Nilingon siya nito at awang ang bibig na pinasadahan siya ng tingin.
"Bah! Ang seksi mo,nak!" Siyang-siya na saad nito. "Mag-ingat ka doon sa party.Alam mo na, madaming gago dun!" Natatawang dugtong nito na ikinatawa din niya. Ang mama niya talaga palabiro.
"Oo,Ma. Hindi na ako bata noh? Kaya ko ang sarili ko."
"Hindi ko naman siya pababayaan,Tita." Anang Josh na katabi na niya. He's flashing his uber-cute smile at her mother. What a charming guy!
"Maraming salamat,hijo. Mag-iingat kayo sa biyahe." Kiming ngumiti ito at niyakap siya. "Mag-enjoy ka doon ha?" Bulong nito at kumalas na mula sa pagkakayakap sa kanya. Tumango siya at naglakad na sila palabas ng bahay nila.
She heaved a deep sigh when they're on their way towards the Lopez' place. Doon kasi gaganapin ang birthday party ng mama ni Amanda. It's already past seven in the evening when they arrived at the place. Nahirapan pa ngang magpark si Josh dahil marami na ang mga sasakyan na nakahilera sa labasan ng mga ito.
"Are you ready?" Anito at ikinawit ang isang kamay niya sa braso nito. Kiming ngumiti lang siya at tumango. Hindi niya maiwasang kabahan at mamangha nang makapasok na sila. Ang ganda-ganda ng pagkakaayos sa bakuran ng mga Lopez. Ang sosyal ng dating.Halatang pinaghandaan dahil sa ganda ng pagkakaayos nito. Nabaling ang kanyang tingin sa bandang gilid nang may tumawag ng pangalan niya.
It was Amanda in a flowing blue dress.Hindi pa tuloy halata ang baby bump nito dahil sa suot nito. Ngiting-ngiti ito habang nakaagapay ang boss niya na asawa na nito. Nakakainggit tingnan ang mga ito. Bagay na bagay sa isa't isa. And they looked really in love with each other.
"Whoah Kriz! You looked stunning,dear!" Anito at humalik sa pisngi niya. "Ilang linggo lang akong nawala grabe na ang ipinagbago mo. Ang ganda-ganda at sexy mo ngayon babaita!" Natatawang dugtong nito at bahagyang sinulyapan ang kasama niya. Tumaas ang kilay nito at ngumisi sa kanya bago bumulong.
"So,may karibal na pala ang pinsan ko sa iyo. Nice."Napangiwi siya at pabirong tinampal ito sa kamay.
"This is Josh,by the way." Aniya at binalingan ang tahimik na binata. "Josh,si Amanda,bestfriend ko. And si Jacob,asawa niya at boss ko sa trabaho." Pagpapakilala niya sa mga ito.
"Hi Amanda! You looked beautiful!" Puri nito sa kaibigan niya na nakangiti na.
"You don't have to tell her that. I always tell her she's beautiful anyway." Pasupladong sabat ng boss niya na ikinatawa lang ng kaibigan niya. Wala parin itong ipinagbago. Suplado parin.
"Don't mind him,Josh. Masama talaga ang ugali niyan."
Pati siya ay hindi na rin napigilan ang pagtawa niya dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Namiss niya tuloy ito bigla. Nag-asawa lang ito mukhang nakalimutan na silang dalawa ni Elle.
"I know." Sagot ni Josh na ikinalaki ng mga mata niya.
Oh my God!
Sumang-ayon talaga ito sa kaibigan niya? Naghahanap ata ito ng away. Ngunit imbes na mag-amok ay ngumisi lang ang boss nila.
"Good thing that you know it, Architect Dominguez. You should know your place." Jacob smirked and snaked his arms on her bestfriend's waist. Naiinggit na naman tuloy siya.
"Of course, Mr. Saavedra. That's why I'm here, right?" Patutsada naman ng katabi niya. Magkakilala ata ang dalawa.Mukhang magpapatayan na eh. Seloso talaga ang boss niya.
Akmang magsasalita siya nang mamataan niya si Elle na papalapit habang madilim na naman ang hilatsa ng pagmumukha. Nagmumukha na naman tuloy itong kampon ng kadiliman dahil sa suot nitong isang hakab na hakab na itim na dress. Pinapangatawanan ata nito ang pagiging modelo.
"I've been searching for you two. Iba pa tuloy ang nakita ko." Ismid nito at binalewala si Jacob at si Josh na nasa kabilaan nilang dalawa ng kaibigan niya.Niyakap nito silang dalawa ni Amanda na ikinangiti niya. May problema na naman ang maldita.
"Are you okay, Elle?" Anang Amanda na naguguluhan pa ata dahil sa inakto ng kaibigan nila.
"Of course! Why would I not be?" She countered with brows knotted. "And why are you here,Architect Dominguez?" Baling nito sa katabi niya.
"Hi Elle! Looking so gorgeous as ever,huh!" Nginitian nito ang kaibigan niya na napaismid lang dito.
"I know that already, Architect. Your charm won't affect me. But I hope my friend can see that. May pagka slow pa naman yan."
Natawa lang naman ito sa tinuran ng kaibigan niya bago siya binalingan at nginitian. Napangiti nalang tuloy siya kahit hindi niya alam kung bakit nginingitian siya nito. Nakakatawa siguro ang hitsura niya.
At bakit magkakilala ang mga ito?
Siya lang ata ang parang tangang hindi makagets ng pinag-uusapan ng mga ito.
"Tss. Speaking of the devil, here they comes. Pa importante pa ang mga pota." Elle announced as she stared at the entrance with a couple looking so regal and perfect beside each other.
Pinagkumpulan agad ang mga ito ng media. Daig pa ang mga artista eh. Nag-iwas nalang siya ng tingin at kiming nginitian ang katabi niyang si Josh na titig na titig sa kanya. Seryoso na ang mukha nito habang nakalahad ang isang kamay sa kanya. Nakangiting inabot niya naman iyon.
Bahala na.
BINABASA MO ANG
Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)
RomanceShe is always a nosy and a noisy kind of woman. She talks too much, behaves unlikely and laugh loudly. But meeting him rendered her speechless... Is it because of his undeniably good looks? Or His awesome sexy body?