Ilang chapters nalang tayo dito, guys! 😀
Sana nag-enjoy din kayo sa story ni Krizzia at Jeremy. 😘
Please read my other stories. 👀 📖
~~
"Amanda na maganda, I miss you!" Salubong niya sa kaibigan na mukhang manganganak na sa laki ng tiyan nito. Ilang buwan din kasi silang hindi nagkita ng kaibigan kaya namiss niya talaga ito.
"Ang taba -taba mo na, Amanda. Mukha kang butete." Nakangising dagdag niya na ikinasimangot nito.
"Tumaba karin naman, Krizziang maingay. Kung makapagsalita ka akala mo ang payat mo noh!" Ismid ng kaibigan at niyakap siya kahit hindi na siya nito gaanong mayakap dahil sa laki ng tiyan nito.
Her brows creased at her friends remarks. Is she really that fat? Even Elle told her that she's fat. Pero kung tinatanong niya si Jeremy kung mataba na siya palaging hindi naman ang sinasabi nito. Sinungaling talaga yang si Jeremy. Siguro naghahanap na ito ngayon ng mas sexy sa kanya. Subukan lang nito dahil siguradong makakatikim ito ng tadyak sa where it hurts most.
"Talaga? Tumaba na talaga ako?"
"Oo noh! Bakit hindi kana ba tumitingin sa salamin, Kriz?"
Nagkibit-balikat lang siya at sinimulang kainin ang cheesecake na kanina niya pa dala -dala. Kailangan na nga niyang bumili naman. Naubusan na kasi siya noon. O magpapabili nalang siguro siya kay Jeremy. Tinatamad nadin naman siyang umalis.
"Ilang buwan na ba iyang tiyan mo, Amanda?" Aniya sa kaibigan. Tinitigan niya ang malaki nitong tiyan habang nakangiwi. Siguro ang bigat -bigat na ng kaibigan niya. "Hindi ka ba nahihirapan dahil sa laki ng tiyan mo?"
"I'm on my eight months, Kriz. Next month na ako manganganak." Nakangiti na saad ng kaibigan. Halatang masaya talaga ito sa buhay may-asawa. Nakakainggit tuloy. Siya kaya,kailan? Mukhang wala atang plano si Jeremy na maging asawa siya. Palagi pa itong busy mga ilang linggo na. Feeling niya tuloy may bago na ito.
"Mahirap din kasi ang bigat na ng tiyan ko. But I'm so happy and excited to see my baby."
"Excited din kami ni Elle. Ninang kami ha?"
"Of course. Magbestfriends kaya tayong tatlo." Ngiti nito at kinuha ang isang cheesecake niya na ikinasimangot niya. Tinampal niya ang kamay nito na ikinabigla nito. "Bakit mo ginawa yun?"
"Akin yan eh! Konti nalang kaya ang natira para sakin."
"Oh my God! Kailan kapa naging madamot, Krizzia? Ang dami pang natira sayo oh!" Hindi makapaniwalang bulalas ng kaibigan niya habang natatawa. "May hindi ata sinasabi ang pinsan ko sa akin. Naka shoot na ata. Tss."
"Sino ang nakashoot? At saka kulang pa ang limang cheesecake na iyan sa akin noh!"
"Oo na. Damot mo! Hindi naman ako ganyan kadamot nung may laman na ang tiyan ko ah!"
"Hindi ako madamot, Amanda. Sadyang gutom lang talaga ako ngayon. At saka kung anu -ano ang mga pinagsasabi mo diyan! Hindi ko naman maintindihan." Kunot ang noong pinagpatuloy niya lang ang pagkain nang umupo sa tabi niya ang nakangising si Ella. Ang traidor talaga ng pagmumukha ng kaibigan niya. Mukhang wala itong gagawing maganda sa hilatsa ng pagmumukha nito. Sana nga naging kontrabida nalang ito sa pelikula.
"Hey, Amanda na mataba! Kamusta ang buhay may -asawa huh?" Anang Elle. Imbes na mapikon ay tinawanan lang ng kaibigan niya ang sinabi ni Elle. Siguro nasanay na itong tawagin na mataba kaya hindi man lang ito nainis.
"Hello Elle na brat at masungit!" Balik na ganti ni Amanda na nagpasama ng mukha ni Elle. Pikon talaga ang kaibigan niya. "Mag-asawa ka para malaman mo." Natatawang dugtong ni Amanda na nagpatawa sa kanya. Ang cool talaga ng soon to be sister- in-law niya.
"Why are you laughing, Krizzia? Hindi naman nakakatawa ang pag -aasawa ah!"
"I know, Elle. Nakakatuwa kasi ang hitsura mo."
"Tss. Ang taba mo talaga!" Biglang saad nito na ikinalaki ng mga mata niya.
"Hindi ako mataba, okay! Ikaw nga payat!" Nangangalaiting sigaw niya sa kaibigan.
"Hoy! Tone down your voice, guys. Nasa public place kaya tayo." Natatawang awat ni Amanda sa kanilang dalawa.
"Siya lang naman ang maingay, Amanda. Hindi ba nabingi si BuenaFlor sa kaingayan mo ha, Krizzia?" Elle tauntered chuckling.
"Hindi." Aniya at tinitigan ito ng masakit. "Si Nathaniel ba hindi naiinis sa pagiging brat at masungit mo?" Balik tanong niya na nagpausok ng ilong nito. Asar -talo talaga eh noh?
"Not a chance. Mas okay naman ang pagiging masungit kaysa sa pagiging maingay noh!" Hindi patatalong sabi nito sa kanya.
"Ewan ko sayo,Elle! Ang sama mo talaga!" Aniya at nilantakan nalang ang mga pagkaing nakahain sa harapan niya. Bigla ata siyang nagutom sa pakikipag-away sa kaibigan niya.
"Don't eat too much kasi, Kriz. Kaya ka tumataba eh!"
"Huwag mo kasing asarin si Krizzia,Elle.Ang bully mo talaga. Bakit ka ba hinayaan ni Nathaniel na pakalat -kalat?"
" He's busy. Ikaw nga rin hinayaan ni Jacob na nasa labas. Mukha ka pa namang butete."
"It's okay, Elle. Jacob is madly in love with me. Okay lang kahit mukha akong butete." Hindi niya alam kung paanong natatagalan ni Amanda ang mga pasaring ni Elle. Siya nga kanina pa napipikon. Kaya nga idinadaan niya nalang sa kain.
"Whatever. Eh di kayo na ang may lovelife!" Elle hissed before eating. She suddenly burped too loud for them to hear. Nakangising nagtaas lang siya ng mga kamay sa mga ito .
"May love life karin naman diba? Nakipaghalikan ka pa nga in public." Hindi maiwasang komento niya.
"So? Are you jealous? Just tell Jeremy to kiss you in public then."
Natatawang hinampas niya ito sa balikat. Tinitigan naman siya nito ng masakit na ikinangiti niya lang.
"Nagkiss nadin kaya kami in public. Hindi nga lang kasing porn ng halikan niyo ni Nathaniel. Medyo shy pa kasi kami." Ngiting -ngiti na saad niya.
"Bakit ang hahalay niyong dalawa ha?" Natatawang sabat ni Amanda na kanina pa palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Mamaya pati sexcapades niyo ishare niyo din ha!"
Dagling namula siya dahil sa sinabi ng kaibigan. Yun ang hindi niya sasabihin. Mamatay man lahat ng kuko niya sa paa. Top secret ang kalandian nila ng baby niya.
"Duh? Ikaw ang mahalay. I don't have sex scene kaya." Biglang saad ni Elle kung kaya't napatingin silang dalawa dito. Nagkatitigan sila ni Amanda. Kapwa nakanganga. Seryoso? Damn. Bakla ata si Nathaniel. Natiis ang kagandahan ng kaibigan niya eh.
~~
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)
RomanceShe is always a nosy and a noisy kind of woman. She talks too much, behaves unlikely and laugh loudly. But meeting him rendered her speechless... Is it because of his undeniably good looks? Or His awesome sexy body?