Silence 23

67K 1.4K 75
                                    

It's been a week since their so called "break-up" and she's been trying hard to move on from the sudden heartache that he caused her. Walang gabi ata na hindi siya umiyak. Sobrang sakit ang naranasan niya ngunit kinaya niya. Iniiwasan niya nga lang na magkita sila. Ni hindi siya gaanong sumasama kapag iniimbita siya ng kaibigang si Amanda dahil alam niyang may posibilidad na magkita sila. Ngunit hindi niya alam at nagbibiro pa ata si pareng destiny at pinagtitripan siya. Nasa mall siya at hindi niya inaasahang makakasalubong pa niya ito. Masakit sa mata ngunit mas masakit sa puso ang makitang may nakalambiting iba sa braso nitong noon ay hawak-hawak niya.

Mapait na napangiti si Krizzia. Bakit ito nakapagmove on agad? Eh siya? Halatang lugmok parin sa sakit na idinulot nito. Napailing siya at taas-noong tinitigan ito nang aksidenteng nagtama ang kanilang mga mata. His eyes turned dark and cold as he stared at her. He looked dangerously handsome in his coat and tie. He looked every inch of a businessman. Parang ngayon lang talaga niya natanggap na  hindi nga  talaga sila bagay. They're worlds apart. He shouted power, wealth and elegance while she got nothing.

Napasulyap siya sa babaeng katabi nito. She knew her. She's a socialite. Ang ganda pa nito. Ang puti-puti at ang kinis-kinis. Halatang nanggaling sa isang mayamang pamilya. Bagay na bagay silang dalawa.

Saglit na sinulyapan niya ito para lamang makitang madilim ang mukha nito habang pinapasadahan ng tingin ang kaniyang kaanyuan. Napatingin din tuloy siya sa kanyang sarili. She's wearing  a maong short and a grey knitted sweater. Nakalugay lang din ang buhok niya at naka flats pa siya. Ni wala nga siyang make-up dahil nagmamadali siya. She looked simple compared to his new girl but who cares? Maganda din naman siya sabi ng mama niya. At saka ang totoong maganda, walang make-up make-up.

Napaiwas tuloy siya ng tingin nang nanlilisik na ang mga mata nito sa kakatingin sa kanya. Ayaw siguro nitong makita siya kung kaya ganun ito kasakit makatingin sa kanya. As if ang pangit-pangit niya. Pinatulan nga siya nito eh.Napabuntong-hininga siya at nagmamadaling nilagpasan ang mga ito. She's done with him. Pagod na siya. Ipinakita lang nitong hindi ito karapat-dapat sa pagmamahal niya. Na hindi siya nagkamaling tapusin ang kung anumang meron sila.

Akmang dadamputin na niya ang isang cookies and cream flavored ice cream nang tumunog ang cellphone niya. Kunot noong kinuha niya iyon sa kanyang bulsa. It was a missed call from him. Sinundan nito iyon ng isang mensahe na nagpalaki ng kanyang mga mata.

Go home now! Change what you're wearing if you don't want me to drag you out of there!

Ang gago lang! Anong karapatan nitong pakialaman ang pananamit niya? Antipatiko! Manigas kang manloloko ka!

Napairap lang siya sa hangin at tinuloy ang pagdampot ng kanyang paboritong ice cream.

Palabas na siya ng mall nang biglang may humablot sa braso niya. Galit na nilingon niya ang may gawa niyon upang masilayan lamang ang nagbabagang mga mata ni Jeremy.

"Bitawan mo nga ako!" Aniya habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nito.

"I told you to go home and change your clothes, right? Why are you still here,  Krizzia?" Nangangalaiting sigaw nito na nakapagpalingon sa ibang tao na nasa palibot lang nila. Ang hilig talaga nitong gumawa ng eksena.

"Pakialam mo ba ha? Buhay at katawan ko to so wala kang magagawa kung anuman ang gawin at isuot ko!" Pagtatalak niya habang hinahampas ito dahil lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya at nasasaktan na siya.

"Don't test my patience, Krizzia! You won't like me when I'm angry." He hissed as he dragged her towards the carpark.

Naniningkit ang matang nagpumiglas pa rin siya mula dito at parang batang nagkukumawag.

"I don't like you na naman talaga!" She shouted that made him stood on his own feet. His brows creased and his muscles tensed at her words.

"Don't say that!" His voice held warning as he inched closer towards her.

"Huwag mo akong lalapitan, Jeremy! Diyan ka lang!" Aniya habang nakaturo pa dito habang umaatras. Hindi dapat ito makalapit sa kanya dahil siguradong titiklop na naman siya. She had enough of him. Ayaw na niyang maging mahina.
Sasaktan lang siya nito.

Imbes na sundin ang sinabi niya ay pahaklit na hinawakan siya nito at sa isang iglap ay magkalapat na ang kanilang mga labi. Nakaawang ang kanyang bibig dahil sa pagkabigla kung kaya't naipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya. He's kissing her harshly as if punishing her. His grip tightened on her waist as he deepened the kiss.

Napakurap siya nang mapagtantong kanina pa sila pinagpipiyestahan ng mga nanonood. Dali-daling itinulak niya si Jeremy habang napailing-iling. She couldn't believed they just kissed in a broad daylight with many people around them. It would be a big scandal on his part.

"Baby.."

Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya. Mapait na ngumiti siya at napailing na nagpatigil sa paghakbang nito. He tried to reach her but she moved away from him. This is their end game. And she knew, she lost.

"Don't." Mahina ang boses na saad niya. "Hanggang diyan kalang, Jeremy. Stay away from me. What we have has ended already so spare me from whatever game you are playing, please? Ayaw ko na talaga! I'm done loving you." Napakagat siya sa kanyang labi para pigilan ang emosyong nagsisimula na namang mabuhay sa loob niya. She missed him.Yes, she still does. She's still in love with him but it doesn't matter anymore. She fcking ended it and he freaking accepted it.

His face turned dark and serious. His eyes became a shade darker than its usual color. He didn't say a word and just walked away from her. He walked away from her just as how she wanted it to be. Ginusto niya ngunit hindi niya napigilan ang dahan-dahang pagkapunit na naman ng sugatang puso niya. Ang sakit-sakit parin ng puso niya. She felt numb all of a sudden. Her tears just kept falling from her eyes. Ni wala siyang marinig at makita sa paligid niya. Tanging ang pagtalikod lang ng lalaking mahal ang nakikita niya.

Ang tuluyang pagkawala nito sa buhay niya.

She think she needed to move on.

Again.

And this time, it's for real.









Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon