Silence 16

70.5K 1.5K 46
                                    

Nakangiting nakatitig siya kay Jeremy na seryoso lamang ang mukha habang may itina type sa laptop nito nang biglang mag-angat ito ng tingin. Nanlalaki ang mata na nag-iwas siya ng tingin at ipinokus nalang iyon sa palabas na pinapanood. He chuckled at her reaction that made her face red all over.

Kalma kalang heart! Aniya at pilit na pinapakiramdaman ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Bakit kasi ayaw mong kumalma? Mamaya matuluyan pa ako. Parang tanga na kausap niya sa sarili.

She pouted and hugged the pillow in front of her and focus on the movie that she's watching.

"What?!"

Napaupo siya ng maayos nang marinig ang galit na boses ni Jeremy. Nag-aalalang nilingon niya ito habang seryoso ang mukha nito at nakaigting ang panga.

He hissed at someone in the line before he dropped the call.

"Get dressed. Hurry." Anger dripping on his voice.

Kahit nalilito ay dali-dali siyang pumasok  ng kwarto kasunod nito at nagbihis. She opted to wear a dress and flats and went to him.

"Anong nangyari?" Aniya habang naglalakad sila patungong sasakyan nito..

His face grim but she could see the fear and worry on his eyes.

"Amanda is in the hospital." He  answered.

"Bakit? May nangyari bang masama sa kaibigan ko?" Nag-aalalang saad niya habang mahigpit na napakapit sa dashboard nang biglang pinaharurot nito ang sasakyan.

"Lizzy attempted to kill her." His muscles clenched and his knuckles turned white as he gripped the steering wheel.

Nag-aalala man para sa kaibigan ay hindi niya rin maiwasang kabahan dahil sa bilis ng pagmamaneho nito.

"Pwede mo bang bagalan ang pagmamaneho mo,baby?"

"Just hold tight on the dashboard, Krizzia. You know we are in a hurry." Binalingan siya nito sandali at patuloy sa mabilis na pagmamaneho.

"If you won't slow down,I'm sure sa ospital din ang diretso natin,Jeremy!" Malakas ang boses na sabat niya. Feeling niya magkakaheart attack siya dahil sa bilis ng pagmamaneho nito. "I know that you worry too much because of Amanda,I'm worried too. She's my friend but you're making me scared right now." Naiiyak na sabi niya at ibinaling ang tingin sa labas.

Narinig pa niya ang malalim na paghugot nito ng paghinga bago binagalan ang pagdadrive.

"I'm sorry." Mahina ang boses na saad nito na tinanguan niya lang.

Nasasaktan siya. Hindi niya alam ngunit nagseselos siya sa pinapakita nitong pag-aalala sa kaibigan niya. Alam niyang mahal nito si Amanda. Magpinsan ang dalawa kaya natural lamang iyon. Bakit siya nasasaktan at nagseselos sa kaibigan niya? Masama ba siyang kaibigan dahil sa nararamdaman niya?

Napapikit siya ng mariin para pigilan ang paghikbi. Ayaw niyang dumagdag sa alahanin nito. Her jealousy won't be his concern for now.

Dali-dali itong lumabas pagkapark nito ng sasakyan. Ni hindi man lang siya nito hinintay. Saglit siyang natulala at napangiti ng mapait bago ito sinundan papasok sa ospital.

Nang makapasok sa room na okupado ni Amanda ay isang tipid na ngiti ang ibinigay niya dito.  Napalunok siya bago nag-aalalang nilapitan ang nakahigang kaibigan.

"Waa! Anong ginawa sa iyo ng babaeng iyon? Makakalbo ko iyon kapag nakita ko!" Aniya habang nag-aalala na nakatitig dito. Si Lizzy malandi pala ang dahilan kung bakit naospital ang kaibigan niya. Buntis pa naman ito. Ang sama talaga ng babaeng iyon.

Napaatras siya sa bandang likod nang lumapit si Jeremy sa pinsan nito. Kita sa mukha nito ang pag-aalala at galit. Nagkasagutan pa nga ito at ang boss niyang si Jacob.

Tarantang lumapit siya sa mga ito nang mapagtanto niyang napipikon na rin ang boss niya.

"Jeremy,halika na!" Aniya at pilit hinila ito ngunit pumiksi lang ito sa pagkakahawak niya. Galit na binalingan siya nito ng tingin. Agad siyang namutla dahil sa binitiwan nitong mga salita.

"Don't touch me! You're irritating. Kanina kapa sa kotse. Just mind yourself,will you? I won't go with you. Who are you anyway?" He said as he threw her a daggered look.

Napailing siya at namumutlang napaatras bago dali-daling lumabas sa kwarto. Tumakbo siya habang pilit pinipigilan ang nag-uunahang pagtulo ng kanyang luha. Pinalis niya ito at diretsong lumabas sa ospital. Binalewala niya ang tingin ng mga nakakasalubong niya. Pagtataka at awa ang nakasalamin sa mukha ng mga ito. Tama ang mga ito dahil nakakaawa talaga siya. Magmahal ba naman ako ng lalaking walang pakialam sa akin? Sino nga naman ba ako? Babaeng parausan? Babaeng maingay at tatanga-tanga na nainlove sa kanya? Tss.

Mapait na napailing siya at dali-daling pinara ang taxi na dumaan. Sumakay siya agad at nagpahatid sa bahay nila. Pagkarating niya ay dumiretso siya sa kaniyang kwarto  at doon ay impit na humagulgol ng iyak. Binuhos niya ang lahat ng sakit na idinulot ng mga salita nito. Ng mga salita nitong unti-unting pumapatay sa kanya.

Bumaluktot siya sa pagkakahiga. Niyakap ang sarili na parang maiibsan nito ang sakit at lungkot na kanyang nararamdaman. Hindi niya alam na ganito pala kapag brokenhearted. Ang sakit sa heart. Buong katawan pa ata niya ang masakit.

Ni hindi niya pinansin ang sunod-sunod na tawag ni Jeremy. Napaismid siya. Manigas kang lalaki ka! Ikaw lang ba ang lalaki sa mundo? Neknek mo!

Irritating pala ako? Pwes irritating ka rin! Buset kang lalaki ka!












50 missed calls
20 messages

Napairap siya sa hangin pagkakita niya sa kanyang cellphone pagkagising niya. Masakit pa rin ang puso niya at galit pa rin siya dito.

Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesita at binasa isa-isa ang mga mensahe nito.

Where are you?

Baby?

Damn! Answer the phone!

I'm worried.

Worried your ass! Napaismid siya bago itinext si Elle.

Siya:

Party later? At The Rave. See you at 10.

Elle sungit:

Are you okay?  Don't mind,Jeremy. He's a first class a-hole just like someone I knew.

Siya:

I will be. And who's that someone? Someone like your ex? Haha. Meet you later.

Xoxo.

Natawa siya sa palitan nila ng text ng kaibigan niya. Malditang babae. A-hole daw si Jeremy. Bitter din yun eh! Brokenhearted din gaya niya. Mga lalaki kasi pa fall. Tapos hindi ka naman sasaluhin. Eh di wow. Ang galing!

Hmmp. Makikita niya talaga. Akala niya siya lang ang gwapo sa mundo? Ano siya sinuswerte?

She charged her phone. Na lowbat sa kakatawag ng g@go. Akala niya mababawasan ang pagkagago niya sa pagtawag-tawag sa akin? Hmmp. Napairap siya sa hangin.

Bahala ka sa buhay mo,Jeremy BuenaFlor! Byebye na muna sa pagsinta ko sayo.










Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon