Silence 31

71.6K 1.6K 16
                                    

Tawang-tawa si Krizzia habang nakikinig sa kwento ng kaibigang si Amanda. Hindi tuloy maiwasang mapatingin ng ibang tao sa table nila. Kiber ba niya.Party naman ito eh. Okay lang ang mag-ingay.

"Talaga,Amanda? Ginawa talaga ni boss yun? Hindi kapani-paniwala. Nakakahiya!" Natatawang tinampal niya ang kaibigan na humahagikgik na nakahilig sa asawa nito na ngayon ay nakasimangot na dahil sa ibinulgar ng kaibigan niya.

"Oo no! Ganyan niya ako kamahal! Gagawin niya ang lahat mapasaya lang ako. Right,sweetheart?" Anang Amanda na naglalambing na kay Jacob na ngayon ay namumula ang mukha. Ewan niya lang kung dahil ba sa hiya o inis nito. Ang cute nga tingnan. Lalo nga itong gumwapo.

"Huwag mo ng dagdagan pa ang kahihiyan ko,sweetheart." Jacob butted in unsmiling.

"Wala namang kahiya-hiya sa ginawa mo,sweetheart!" Apela ng kaibigan niya."Ang sweet kaya. Right,Kriz?" Kinikilig pa na saad nito sabay baling sa kanya ng tingin.

Natatawang sumang-ayon naman siya sa sinabi ng kaibigan. Nakakakilig naman talaga. Sayawan ka ba naman ng lalaking mahal mo ng nakatopless. Ang gwapo pa naman nito at ang ganda ng katawan. Kung siya iyon ay siguradong nangisay din siya sa kilig.

"The two of you are really hopeless. Ang ingay niyo pa rin." Komento ng kaibigang si Elle habang panaka-nakang umiinom ng white wine.

"Sus. At least kami maingay lang. Ikaw nga gumagawa ng ingay eh! Maldita mo kaya!" Saad ni Amanda.

Elle's face grimaced at her remarks.Nagkibit-balikat lang ito at ipinagpatuloy ang paglalasing na ginagawa. Patikim-tikim lang siya dahil isinumpa niyang ayaw na niyang maglasing dahil sa pesteng hangover na naranasan niya.

"Don't drink too much,okay?" Nakangiting bulong ni Josh sa kanya.Napatingala siya dito at napatango. Ang gwapo din talaga nito. Mukhang anghel ang bukas ng mukha. Ang swerte ng babaeng mamahalin nito. May magandang trabaho ito, gwapo at macho, mabait at may dimples na kaakit-akit tingnan.

"Bagay kayo." Nakangiting komento ni Amanda. "Pero huwag masyadong dikit ang mukha niyo at mukhang may papatay ng tao ngayong gabi. Baka masira ang party ni mama." Bulong ng kaibigan niya sa kanya.

Naguguluhang tiningnan niya ito. Ano bang pinagsasabi nito? Sino naman ang papatay? Wala naman sigurong nakapasok na murderer dito. Ang higpit kaya ng security nila. Kung pwede nga lang kapkapan siya kanina ginawa na nila.

Napailing nalang siya at biglang napangiwi nang mapansin niyang mukhang tinamaan na si Elle. Ang pula na ng buong mukha nito. Mukha itong nakakain ng sili dahil sa hitsura nito.Inalalayan niya ito nang bigla itong tumayo.

"I'll just go to the restroom." She slurred.Dinampot nito ang pouch na dala.

"Sasamahan na kita,Elle." Aniya at napatayo na rin.

"I'll be fine,Kriz. Mukha lang akong lasing but I'm not."

"Hayaan mo ng samahan ka ni Krizzia,Elle. Don't be a brat for once,okay?" Nakataas- kilay na saad ni Amanda.

"Fine!" Pagsang-ayon nalang nito at nauna ng maglakad. Umagapay siya sa paglalakad nito papuntang restroom.Nadaanan niya pa ang table nila Jeremy at ng kasama na naman nitong modelo na nagngangalang Alyana. Ang galing no? Naalala pa niya ang pangalan nito.Magaling kasi siyang magmemorya.Tandang-tanda pa rin nga niya ang araw na winasak nito ang puso niya.Demonyong lalaki talaga. Hindi lang sa negosyo kundi sa mga babae nito. Gaya nalang niya. Pinaasa ng malaki ng gago.Naging knight in shining armor pa niya.Feeling niya tuloy isa siyang prinsesa.Pansamantala lang naman pala.Palibhasa siya naman kasi isang dakilang tanga. Nadala sa hitsura at konting kasweetan nahulog na.

Napairap siya sa hangin at hindi pinansin ang madilim na mukha nito na nakatitig sa kanya. Mukhang kanina pa siya nito tinitingnan. Naiinggit ata sa damit niya. Kung makatingin parang aarburin pa nito ang damit niya na nilibre lang naman ng kaibigan niya. Binalewala niya ang pagguhit ng sakit sa dibdib niya nang hawakan ng imapaktitang babae ang mukha nito at bigla itong hinalikan sa labi na ikinatawa ng mga kasama nito sa mesa. Tss. Ang haharot. Sa labas pa talaga naghalikan. Bakit ba kasi nauso ang tinatawag na PDA?
Inis na nagmartsa siya palayo at sumunod sa likod ng kaibigan niya.

"I think I must go home already,Krizz.Sumasakit ang ulo ko." Anito pagkapasok agad nila sa restroom.Naghilamos ito ng buong mukha nito.There's no trace of make-up left on her pretty face. Elle is really gorgeous with or without make up on. Looks can really be deceiving talaga. Mukha lang itong anghel. Mas malala pa ata sa mga evil stepmother sa mga fairytales ang ugali nito. She's wicked and a certified top- notch brat.

"Mukha ka naman kasing mauubusan ng inumin kong makainom. Are you sure you're really okay,Elle?" May pag-aalalang saad niya. Pinagmasdan niya ang mukha nito na dagling sumimangot dahil sa sinabi niya.

"Don't worry about me,Krizz. I can manage." Malungkot ang mukhang sabi nito. Nagsimula na itong maglagay ng make-up. She think she's sober already.Madali lang naman kasi itong mahimasmasan kapag nalasing. Hindi gaya niya na lalong nagiging loka-loka kapag nakainom. Mahina kasi ang tolerance niya sa alcohol kaya hinay-hinay lang dapat ang pag-inom niya.

"Kaya ikaw,don't you ever show Jeremy the asshole that he's the only guy for you. Ang lapad ng karagatan at marami pang syokoy na naghihintay lang sa tabi-tabi para mapansin mo,Krizzia." Mahabang litanya nito sa seryosong boses.

"Yan din ba ang ginagawa mo,Elle?" Aniya habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. She looked stunning but her eyes looked sad.Malungkot naman talaga siya. Hindi naman madali ang pinagdaanan niya.Her first love turned to be a big heartbreak. Sumugal siya sa ngalan ng pag-ibig ngunit natalo lamang siya sa bandang huli. Umuwi siyang luhaan.Umuwi siyang walang pinanghawakan.

"Yeah. But damn..I don't know what to do anymore!" Frustrated na sabi nito. 
"I'm trying real hard Kriz. Ang hirap lang talagang pakawalan ng taong naging mahalagang parte ng buhay mo."

Malungkot na napangiti siya dahil sa tinuran ng kaibigan. They're on the same shoes. Letting go of someone who became a big part on their own lives.Mas malala lang talaga sa kanya dahil hindi naman talaga naging sila. Umasa lang siya.And looked where it got her? A fcking brokenhearted girl.

Who says letting go is easy?

It will never be.






~~

Click the ☆ and hit comment.

Please take time to read my other stories.

His Passion (Billionaire Bachelor Series
1)

Broken Hearts and Promises (Billionaire Bachelor Series 3)

I See You

Bittersweet Revenge

Thank you!

OiBhabie




Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon