Hindi niya naman masisisi si Elle kung nadulas ito sa pagsasabing buntis siya. Maybe it was meant to happen already. Mahigit dalawang buwan narin naman niyang tinatago ang pagbubuntis niya kay Jeremy.
"I'm so sorry, Kriz. Hindi ko naman yun sinasadya. Promise!" Anito habang may pagsisising nakalarawan sa mukha nito. Gusto niya tuloy matawa dahil hindi talaga bagay dito ang magsorry. Nagsisisi nga pero nakataas parin ang kilay nito habang nakatingin sa kanya.
"I can't believed ikaw pa talaga ang nagbuking sa pagbubuntis ni Krizzia, Elle. Mas matatanggap pa siguro niya kung ako ang nagsiwalat. Jeremy is my cousin. Siguradong galit din yon sa akin." Natatawang pakli ni Amanda habang nakayakap sa asawa nito.
"That's why I'm sorry, Amanda. It was just a slip of the tongue."
"It's fine. Siguro panahon na talaga para malaman niya. I'll just talk to him." Awat niya sa sagutan ng dalawa.
"Beast mode iyon panigurado, Kriz. Mag-ingat ka. Mamaya maging kambal pa yang dinadala mo." Natatawang saad ni Amanda na ikinapula ng buong mukha niya. Sabay pa na napatikhim ang dalawang lalaki na kanina pa tahimik. Nakakahiya!
"Filter your mouth, Amanda! Parang hindi ka babae!" Babala dito ni Elle na namumula din ang buong mukha. Naiinitan siguro.
"Sus. Parang hindi kadin nabeastmode nitong si Nathaniel!"
"Amanda!" Sabay pa nilang sigaw ni Elle.
Ano ba naman itong mga pinagsasabi ni Amanda? Nanganak lang, naging bastos na ang bibig. Ganoon ba talaga iyon?
Napatakip lang ito sa bibig nito habang humahagikgik. Napailing nalang siya dahil sa hiya at hindi pagkapaniwala. Napansin pa niya na pilit kumakawala si Elle sa mahigpit na pagkakahawak ni Nate. Mukhang susugurin niya ata si Amanda. Warfreak talaga.
"Mauuna na ako, Amanda. Kailangan ko munang kausapin si Jeremy." Paalam niya maya -maya. "Congratulations sa inyong dalawa!" Nakangiting dagdag niya at humalik sa pisngi nito at ni Elle na nakasimangot parin.
"Mag-iingat ka, okay? Lalo na sa pinsan ko. Tandaan mo iyong sinabi ko kanina." Nanunudyo ang boses na sabi nito. Napailing lang siya at kumaway sa mga ito bago lumabas ng kwarto.
Naglalakad na siya sa pasilyo ng ospital nang makasalubong niya si Jeremy. Seryoso parin ang hitsura nito ngunit mukhang hindi na galit.
"Where are you going?" Kunot ang noong pinagmasdan siya nito. Nagtagal ang tingin nito sa tiyan niya kaya hindi mapakaling napalunok siya. He's making her uneasy with the way he stared at her. Nakakatuyo ng laway ang mga titig nito.
"Susundan ka sana."
"Why?" He asked.
"I want to talk to you."
He heaved a deep sigh and grabbed her hand. Napatingin siya tuloy dito. Puno na ng pagsuyo ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
"We'll talk later, Krizzia." Anito sa mahinang boses at itinabi siya dahil nakakasagabal sila sa mga dumadaang tao sa pasilyo ng ospital. "Are you hungry? Anong gusto mong kainin?"
Napangiti siya dahil sa sinabi nito. Ginutom siya tuloy bigla.
"I want cupcakes, please? Yung madami ha? Tapos ice cream. Yung cookies and cream. Bili kadin ng green mangoes. Dapat may bagoong." Parang batang napakapit siya sa braso nito habang iniisa-isa ang mga gusto niyang kainin. Natatakam na siya habang naiimagine na nasa harapan na niya ang mga gusto niyang kainin.
"Baka may gusto ka pang idagdag, baby. Don't be shy." Nakangiwing saad nito ngunit hindi na niya pinansin.
Napaisip siya at napapitik sa hangin. Ngiting-ngiti na tumingin siya dito.
"Pork barbecue pa pala, baby. I mix lang yung sauce, okay?" Napapalakpak siya nang tumango ito sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at nagsimula na silang maglakad palabas ng ospital. Nasira lang ang mood niya nang walang habas na pinagtitinginan si Jeremy ng mga babae at binabaeng staff ng ospital at pati nadin ng ibang taong nakakasalubong din nila. Napakapit siya tuloy ng mahigpit sa braso nito.
"Are you okay?" Binalingan siya nito ng may pag-aalalang nakaguhit sa buong mukha nito.
Tumango lang siya ngunit nananatili ang pagkainis sa kanyang mukha. Tinitigan niya ng masakit ang mga naghahagikgikang mga babae sa gilid nila. Inirapan lang siya ng mga ito at ipinagpatuloy ang lantarang paninitig kay Jeremy. Lalong uminit ang ulo niya nang bumaba ang titig ng mga ito sa harapang bahagi ng pantalon ni Jeremy.
Anong karapatan ng mga itong titigan ang pagmamay-ari na niya? Mga haliparot. Napatigil siya sa paglalakad at nilapitan ang mga ito na bahagyang natigilan nang tumayo siya sa harapan ng mga ito. Tss. Ang papandak naman pala. Ni hindi nga umabot ang mga ito sa baba niya. Nakasunod lang naman si Jeremy sa likod niya kaya siguro napasinghap ang mga ito.
"Baby, why are we here? Do you know them?" Napailing lang siya at hindi nilubayan ng titig ang mga babae.
"Hear that, girls? He's mine. So fcking back off!" May igting sa boses na saad niya. Ni hindi niya pinansin ang paghawak sa kanya ni Jeremy dahil sa nararamdaman niyang inis. "Anong karapatan niyong tingnan ang pagmamay-ari ko na?! He's going to be a father so find another guy to satisfy your lust, bitches!"
Bulyaw niya habang nangangalaiti sa galit. Nakanganga lang ang mga ito at napako sa kinatatayuan ng mga ito. Hindi ata makapaniwala sa mga sinabi niya. Mukha lang siyang mabait but she's not. Lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang mga mahal niya sa buhay."Hey, baby! Calm down. Don't stress yourself. It's bad for you and the baby. What's happening anyway?" Naguguluhang sambit ni Jeremy habang nakahawak sa pisngi niya. Napailing siya at hinawakan ang kamay nito ng mahigpit. Inirapan niya sa huling pagkakataon ang mga namumutlang babae bago kinaladkad si Jeremy palabas ng ospital.
Padabog na pumasok siya sa sasakyan nito at napahalukipkip. She breathe in and out to calm her nerves. Naiinis parin talaga siya. Bwisit! Ang dami talagang malalandi sa mundo.
"What happened out there, baby? Mag-ingat ka nga sa paggagalaw. Baka mapano ka."
Tinitigan niya ito ng masakit.
"Bakit kasi tinitingan nila ang hinaharap mo?! Wala silang karapatan, okay?" Galit na sigaw niya. "At bakit kasi bumubukol iyang harapan ng pantalon mo?" Dagdag niya sa namumulang mukha.
Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Napangisi ito at napahalakhak na ikinainis niya.
"Bakit ka natatawa? Walang nakakatawa sa sinabi ko, Jeremy?"
"Damn, baby! Seriously? Yun talaga ang rason kung bakit inaway mo sila?" Natatawang sabi nito. She pouted her lips. Hindi naman mababaw na rason yun diba?
"I'm sorry, baby. And this bulge in my crotch?" Itinuro pa nito ang nakahulmang pagkalalaki nito. Walang hiya talaga!
"I can't do anything about that. This is normal. You know that already, right?" He answered with a smirk on his lips.Napairap siya dito. Ang hambog talaga! Akala mo naman kalakihan ang ipinagmamalaki niya. Tss.
Napaiwas nalang siya ng tingin dahil sa sobrang hiya. Fine. Malaki naman talaga ang sa kanya. Pero hindi niyo na kailangang malaman. Top secret.
~~
Malandyutay na lalaki! 😂
Sino ang mga malalaki diyan? 🙌
Bawal ang sinungaling, 👌?**
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie

BINABASA MO ANG
Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)
RomanceShe is always a nosy and a noisy kind of woman. She talks too much, behaves unlikely and laugh loudly. But meeting him rendered her speechless... Is it because of his undeniably good looks? Or His awesome sexy body?