Krizzia decided to go to the mall on her day off. Ayaw niya namang maiwan mag-isa sa bahay nila. Nakakatakot kaya! Feeling niya may mumu na nagmamasid sa kanya. That's just so creepy.She's busy wandering her eyes around when something caught her beautiful eyes.
Napakurap siya. Sumakit ata ang puso niya.
Ang hinayupak na gwapong lalaki ay may kalandian na namang bruhilda. Tsss. Maganda nga mukha namang prostitute. Sana naghubad nalang ito habang nagliliwaliw sa loob ng mall.
Kainis. Ang sakit sa mata. Makaalis na nga. Nasisira lang ang mood niya. Baka pumangit pa siya at itakwil siya ng mama niya kahit nag-iisang anak pa siya ng mga Aliora.
"Walang mas mura dito,Miss? Discount kaya?Student discount?" Aniya habang nakikipagtawaran sa saleslady ng isang boutique sa mall.
"Last na yan Ma'am eh. Mabili kasi. Saka hindi naman kayo mukhang student eh!" Sagot naman ng saleslady sa kanya.
"Student kaya ako." Naka pout niyang sabi. Utak at kilos student.Hehe.
"Sa tangkad niyong yan?"Mahaderang sagot pa ng saleslady na ikinataas ng kilay niya.
"Bakit? Kasalanan ko bang matangkad ako?" Pakikipag argumento niya sa saleslady.Kabanas! "Sana pala naging pandak ako para maka discount." Pabulong pa na sabi niya.
"Ano po iyon Ma'am?"
"Wala Miss. Masyadong mahal eh baka maubos ang savings ko. Ang ganda sana."
Akmang sasagot ang kaharap niyang saleslady nang manlaki ang natural na malalaki na nitong mga mata at namula ang mukha nito habang nakatitig sa likuran niya. Lilingon na rin sana siya nang manigas siya pagkarinig ng boses nito.
Double damn. Iniwasan na nga nagkuros pa ang landas nila. Destiny nga ba? O sadyang feeler lang siya?
"Just give her all that she wants,Miss." Anang baritonong boses malapit sa tenga niya.
Tumindig ata lahat ng balahibo niya. As in lahat. Walang halong biro.
Napakurap siya bago bumaling dito upang mapasinghap lamang nang mabungaran ang gwapong mukha nito.
Oh lala! Jeremy BuenaFlor in flesh and in jeans and a white T-shirt. Why so gwapo? Kainis!
Napalunok siya bago nagsalita sa seryosong boses kahit pa na ang gusto niyang gawin ay mangunyapit din sa braso nito. Kaya lang naalala niya ang babae kanina eh. Kaya wag nalang! Nahiya naman siya eh hindi naman sila close.
"Salamat nalang. Isa lang naman ang bibilhin ko." Ismid niya dito at tumalikod na para harapin ang saleslady na nakatulala pa rin sa kanila.
Napapitik siya sa harapan nito kaya natauhan ito at namumula ang mukhang bumalik sa katinuan. Sarap ingudngod sa semento eh. Pagnasaan ba naman ang future hubby niya.
"Yes Ma'am?"
"I'll get this dress."Sabay turo sa damit na kanina pa niya tinitingnan. "Hurry up, please?" Sarkastikong saad niya habang nakataas pa ang kilay dito.
Napatango nalang ito at napatalikod na.
"Why so rude huh, baby?" He said smirking.
"Baby your face." Nakairap na sabi niya at akmang lalayo na rito nang higitin siya nito at hapitin sa beywang.
Napasinghap siya. Oh em gee! Jeremy is so close to her! Naramdaman niya tuloy ang pagkalat ng init sa buong katawan niya. Pati ata mukha niya uminit din ng halikan nito ang leeg niya. Nanlalaki ang mata na ipinalibot niya ang tingin sa loob ng boutique. Syete! Nakanganga ang kaninang saleslady habang ang ibang kustomer ay titig na titig sa kanilang dalawa.
This is a fvcking PDA! Hindi siya handa! Maganda pa kaya siya? Feeling niya ang oily na ng face niya. Pati ata buhok niya ang gulo at buhaghag na.
"Get your hands off me." Mahinang anas niya at pilit kumawala sa pagkakahawak nito. Ngunit lalo lamang hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya. " Ano ba Jeremy? Nakakahiya oh!".
Tumaas ang kilay nito at tinitigan siya ng matiim.
"Are you saying you're being shy with me now?'
"This is PDA!" She exclaimed still in a lower voice. Nakakahiyang mag eskandalo sa mall kaya.Ayaw niya namang ma front page.
"So?" Kunot-noong anito at hinawakan na ang kamay niya ng mahigpit. Napa pout nalang siya.
"Don't pout your lips. I might kiss you here. I don't care about them baby.So be good."
"Ako pa ngayon ang may sala? Nananahimik ako dito eh!" Medyo mataas na ang boses na sabi niya. Ni hindi niya alintana ang pagbubulungan ng mga tao. Na kesyo may LQ sila. Na ang feeling niya. Pakialam ba nila? Sapakin niya pa silang lahat eh!
"Don't create a scene,baby. You don't wanna be in front of a tabloid, right?" He countered already pissed off.
"Ikaw kasi eh! Kainis."
"Now you're pissed with me."He sighed. "Give me your latest collection and send it to this address." Anito at ibinigay ang card nito sa saleslady bago siya hinatak palabas ng boutique.
"Sandali lang..Ang dress ko.." Aniya habang pilit kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nito.
"Don't worry about it baby. Come on. I'm famished."
"Pakialam ko?"
"Why are you being like that today?" Napahinto na ito sa gitna ng mall at seryosong nakatitig sa kanya.
Napalibot tuloy ang tingin niya upang mamasdan lamang ang nang-uusig na tingin ng mga tao. This is humiliating! May LQ ba sila?At sa gitna pa ng mall ha? Ang tanong nga lang, lovers ba sila para magkaroon ng LQ? EQ kaya? Enemies quarrel? Kahiya namang pakinggan.
Napayuko nalang siya dahil sa hiya sa naging asta niya.
"Sorry." Aniya. Hindi naman niya kasalanang nagalit at nagselos siya diba? Diba? Ang haliparot kasi ng babaeng iyon eh! Kung makita ko lang iyon makakatikim yun ng mag-asawang sampal.
He just sighed deeply then grabbed her hand and clasped their fingers together. She smiled. Now their HHWW. This feeling is awesome. A big grin showed on her face. Kasinglaki na siguro ng bibig ng paborito niyang Hollywood star ang bibig niya.
Ang saya niya.Ganito pala ang feeling noh?
Ang saya pala makipag holding hands sa isang bilyonaryo sa loob ng mall. Haha.
Siya ang nagwagi! Hahanapin niya nalang ang korona na dapat ay para sa kanya.
Sa wakas! Ang isang Krizzia Aliora ay nakipagholding hands sa isang Jeremy BuenaFlor in public.
Take note..IN PUBLIC!!
~~
Click the ☆ and hit comment.
Thank you!
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)
RomanceShe is always a nosy and a noisy kind of woman. She talks too much, behaves unlikely and laugh loudly. But meeting him rendered her speechless... Is it because of his undeniably good looks? Or His awesome sexy body?