Silence 2

102K 2.5K 83
                                    


Mag-iisang oras na siyang nakatayo sa gilid ng kalsada at nananakit na ang binti niya sa kakatayo. Nag-aabang siya ng masasakyan at nahihirapan siya dahil rush hour.

Kung bakit kasi wala siyang sasakyan eh!Kainis naman. Hindi kasi siya nakasabay kay Elle dahil out of the way siya. Si Amanda naman ay nauna ng umuwi at mukhang nagmamadali eh. Alangan naman pigilan niya ito eh alam naman niyang problemado ito. Bwisit kasing Boss nila eh!Sobrang gago. Sana hindi ito katulad ng Jeremy niya. Hehe..assuming talaga siya. Hindi naman nito alam na pinagpapantasyahan niya ito eh.

Naputol lang ang pagmumuni muni niya nang may humintong Lamborghini Gallardo sa harap niya.

Goodness! Ang ganda naman! Bihira kalang makakakita ng isang Lamborghini sa Pilipinas. Ang mahal kaya nito. Tanging mayayaman lang talaga ang makakaafford nito.

Bumukas ang bintana ng sasakyan at nabungaran niya ang seryosong mukha ng isang Jeremy BuenaFlor.

"What are you still doing in here? Its late already." Kumunot ang noo nito at sinulyapan pa ang suot niya. Hinubad kasi niya ang blazer dahil kanina pa siya naiinitan.

"Ah eh.." Di niya alam ang sasabihin dahil sa sobrang kaba. A Jeremy BuenaFlor is talking to her in flesh. Gusto niyang magpapaypay ng kamay sa kanyang mukha dahil uminit bigla ang pakiramdam niya. " Umuwi na si Amanda kanina pa." Imbes ay sagot niya.

"I'm not asking about that. Get inside now lady or you want the guys to ogle you more?" May igting sa boses na saad nito.

Gusto man niyang umalma dahil sa sinabi nito ay di na niya ginawa dahil sa klase ng tingin na iginawad nito sa kanya. Napapasok na lang siya bigla sa kotse nito.

"Seatbelt " He tauntered.

Napatitig lang siya dito at napaawang ang bibig dahil sa ang lapit lang nito sa kanya at natititigan niya ang gwapong mukha nito.

"Should I say close your mouth again, Miss?" He smirked at her na nakapagpula ng mukha niya. Napaiwas nalang tuloy siya ng tingin at madaliang ikinabit ang seatbelt.

Napahawak nalang siya bigla sa gilid nang humarurot agad iyon paalis.

"Dahan-dahan nga." Aniya na napapabuntong hininga dahil sa kaba.

"Oops...so you don't like it fast,hmm?" May pagka husky na sabi nito na nakapagpataas ng balahibo niya. Ganito pala kahirap kapag nasa loob ka ng kotse at kasama ang taong gusto mo. Nakakasuffocate na nakakailang.

"Bakit? Sino ba naman ang may gusto ng mabilis?" Untag niya dito.

"I like it fast though." He smiled lopsidedly.

Bakit feeling niya iba ang ibig pakahulugan nito? O sadyang ang lawak lang talaga ng imahinasyon niya at nagiging green na ito?. Nakakahiya kung malaman nito ang iniisip niya. At kababae pa niyang tao.

"I think most men like to drive cars fast and you're one of them." Pilit pinapahinahon ang sarili at ang lakas ng kabog ng dibdib na sumulyap siya dito.

At saktong pagsulyap nito ay ang pagtitig din nito sa kanya. Pumula ang mukha niya sa hiya at pilit na nilabanan ang matiim nitong titig sa kanya.

"Yes baby..I like to drive fast especially when I'm with someone. That would be a great fun."

Nanigas siya dahil sa tawag nito sa kanya at sa intense ng pagkakasabi nito ng mga salitang iyon.

"Bakit biglang uminit?" Di niya napigilang ibulalas iyon at dagling napatakip ng bibig dahil sa sinabi.

"So you feel hot too baby? I thought I'm the only one experiencing that now." At nabigla siya nang inihinto nito ang sasakyan nito malapit sa isang French Resto.

"Bakit tayo huminto? Malayo pa ang bahay ko." Untag niya at humarap dito para lang makita ang pagnanasa sa mukha nito. Napalunok siya bigla.

"We must eat first baby...
At mahinang idinugtong." At baka iba pa ang makain ko."

At napahalakhak bago nauna na itong lumabas. Naiwan siyang naguguluhan. What? Anong iba ang makain ang ibig nitong sabihin?

Bumukas ang pinto sa side niya at lumabas na siya na parang wala sa sarili.

Nauna itong maglakad at nakasunod lamang siya dito. Akmang ngingitian niya ang waiter na bumati nang magsalita ito at napipi siya bigla.

"Don't smile at him." Madilim ang mukha na hinawakan nito ang kamay niya at iginiya na siya paupo.

Oh my God! Holding hands sila ng baby niya. And what's great is they're in public.Hehe. Ang kapal at kinareer niya talaga ang tawag niya dito. Ito din naman at baby ang tawag sa kanya. Gusto niya lang maging fair noh? Ika nga ng marami, " All is fair in love and war." Gusto niyang mapahagikgik dahil sa iniisip ngunit nang mapagmasdan niya ito nang maupo sila at nakatiim ang bagang nito ay napaayos nalang siya ng upo.

"Okay ka lang?" Aniya. Kanina ay okay naman ito a. Anong nangyari sa kanya?

"Don't ask." Supladong sagot nito.

Napa pout nalang siya. Ang suplado talaga. Buseet.

"Don't pout." He then said.

Her brows furrowed while looking at him.

"Bakit ang daming don't? May rules ba ang resto na ito?" Aniya at tinawag ang waiter at biglang tinanong. Namumulang lumapit ito. " May rules ba ang restaurant na ito na 'Don't smile, Don't ask, Don't pout and all Dont's gwapong waiter?"

Bago pa ito makasagot ay marahas na napatayo si Jeremy sa inuupuan nito na nakapagpalingon sa ibang diners. Napaatras at namutla tuloy ang waiter.

"Ui..magdahan dahan ka nga sa pagtayo. Nakakahiya sa ibang diners oh."Aniya na lalong ikinadilim ng ekspresyon nito.

Imbes na pansinin siya ay binalingan nito ang waiter.

"Get out of my sight." Mahina ang boses ngunit may diin na sabi nito. Napatalikod tuloy ang waiter na kanina pa namumutla at tuluyan na ngang umalis.

"Hala..napano ka?" Gulong-gulo na sabi niya. Wala talaga siyang maintindihan sa nangyayari.

Napabalik ito paupo at pinipilit nitong kinakalma ang sarili.

Napabaling siya ng tingin nang may marinig siyang mag-asawa na nagsalita di kalayuan sa table nila.

"Ganyang-ganyan ka din pag nagseselos nung kabataan pa natin honey no?" Tuwang-tuwa pa ang mukha nito na sinang-ayunan pa ng asawa nito.

Selos? Sinong nagseselos?

Goodness!Sila ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Sa kanila kasi nakatingin eh. Si Jeremy ba ang nagseselos?

Napatitig siya dito upang malaman lamang na matiim itong nakatitig sa kanya.

Syet! Si Jeremy nga ata ang nagseselos. Napangiti siya. Success! Mukhang pareho na sila ng nararamdaman.

Way to go Krizzia Aliora!

Maniwala ka ng Diyosa ka talaga at hindi nagsisinungaling ang mama niya.







~~

Click the ☆ and hit comment.

OiBhabie

Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon