Silence 24

70.2K 1.3K 13
                                    

She couldn't contain the smile on her face as she witnessed her friend's wedding. She's truly happy for her. At last, she had her happily ever after.Amanda deserves it. She had gone through a lot of pains and heartaches. Saksi siya dun. Sila ng kaibigang si Elle.

Ang kanyang magandang ngiti ay biglang napawi nang magawi ang kanyang tingin kay Jeremy na tutok na tutok sa kasal ng pinsan nito. Nakahawak sa braso nito ang magandang babaeng kasama nito noong nakaraang araw sa mall. Ngiting-ngiti din ito habang kinakausap si Jeremy na tumatango-tango lang. He looked serious. Magkasalubong pa nga ang mga kilay nito.

Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga at ibinalik ang tingin sa harapan. They're sealing their marriage with a kiss already and she couldn't fathom her laugh when they kissed almost endlessly. Ang haharot!

Napailing lang siya at nauna ng maglakad kasabay ang kaibigang si Elle na kanina pa nakabusangot. Paano naman kasi may nakita na naman atang nakapagpairita ng araw nito.

Kinulbit niya ito bigla kaya't napaharap ito sa kanya habang kunot na kunot ang noo. Gusto niya tuloy matawa sa hitsura ng mukha nito. Mukha itong pinagbagsakan ng lahat ng problema ng mundo. Mukhang stressed pa ang bruha.

"Bakit?" Taas ang kilay na binalingan siya nito pagkatapos nitong huminto sa paglalakad.

"Ayusin mo ang mukha mo." Aniya habang pinandidilatan ito ng mga mata.

Lalo pa atang tumaas ang kilay nito dahil sa sinabi niya.

"Why should I do that? Maayos na naman ang hitsura ko. Ang hitsura mo ang ayusin mo. Nasa paligid lang ang ipinagpalit sayo." Anito at padabog na iniwan siyang nakanganga dahil sa sinabi nito.

Napakurap siya bigla at hindi niya maiwasang makaramdan ng kirot dahil sa binitawan nitong mga salita. Masakit. Nasasaktan siya dahil may katotohanan ang sinabi nito. Mapait na napangiti siya at ipinagpatuloy ang paglalakad para lamang masaksihan ang isang bagay na sana ay hindi na niya nakita. It was Jeremy with his girl kissing. Ni hindi nga mga ito alintana ang ibang tao na maaaring makakita sa mga ito.

Bakit ang malas niya?

Iniiwasan nga bakit pinagtitripan pa ata siya ng tadhana? Ang liit nga talaga ng mundo dahil kahit anuman ang iwas na gawin niya ay magkikita at magkikita pa rin sila.

Saglit na pumikit siya para pigilan ang namumuong mga luha sa kanyang mga mata. Natawa siya ng mahina nang pagmulat niya ng kanyang mga mata ay ang nakatitig na Jeremy ang nakasalubong ng paningin niya. Madilim na ang mukha nito at nakaigting ang panga habang yakap-yakap ang babae nitong hindi niya alam ang pangalan. Nag-iwas siya ng tingin at naglakad na naman palayo sa lalaking sinaktan siya at dinurog ang kawawa niyang puso.

Sa kakamadali niya ay muntikan pa siyang tumilapon kung hindi lamang sa mahigpit na pagsalo ng nakabungguan niya. Napasinghap siya dahil sa kaba sa posibleng kalalabasan kung natumba siya. Napaangat siya ng tingin sa taong maingat na nakahawak sa beywang niya.

The guy is handsome with his cute dimples. Nakangiti ito sa kanya ngunit nasasalamin niya rin ang pag-aalala sa mga mata nito. He looked familiar though.

"Thank you." Nahihiyang kumawala siya mula sa pagkakahawak dito at tiningala ito.

"No problem. Be careful next time, Krizzia. Baka mapingasan ang kagandahan mo kung hindi ka nag-iingat." Nakangiting saad nito sa kanya.

"You know me?" She stared at him wide-eyed, waiting for his answer.

"Of course. I'm Josh. I'm your cousin's friend. Remember at the fiesta?"

Napatango-tango siya nang maalala niya kung sino ito. Ito pala ang lalaking naging crush niya noong umuwi siya ng probinsiya.

Nakangiting tinitigan niya ito pabalik.

"Naalala na kita. Salamat pala sa pagsalo sakin. Nagmamadali kasi ako."

"It's okay." He smiled at her as he extended his hand for her.

Kunot-noong tinitigan niya ang nakalahad nitong mga kamay.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Hold my hand. I don't want you stumbling again with your own feet,Krizzia."

"Thank you, Josh. But I'll be okay. Ayaw ko namang matsismis tayong dalawa noh?" Natatawang pakli niya habang nauna ng maglakad palabas ng simbahan. Nakasunod lang ito sa likuran niya.

"Do you have your car with you,Krizz?" Anito habang nakaagapay na sa paglalakad niya.

"Wala. Wala naman akong sasakyan noh! Mahirap lang kaya ako." Natatawang sabi niya habang nakatingala dito. Hay! Ang gwapo din sana nito. Sayang lang at inlove pa siya sa isang g@go.

"Sabay nalang tayong pumunta sa reception. Yun ay kung okay lang sayo?"

"Talaga?" Nagniningning ang matang tumingin siya dito. "Iniwan na ata ako ng kasama ko eh. Makikisabay nalang siguro ako sayo." Si Elle dapat ang kasama niya kaya lang nauna na ata ito dahil hindi na niya makita ang sasakyan nito sa pinagparkingan nito kanina.

Binuksan nito ang kotse at iginiya siya papasok. Kiming nginitian niya ito at nagpasalamat dito. Tumango lang ito at pumuntang driver's seat.

"Wear your seatbelt, please." He said flashing his uber cute dimples as he drove away from the church.

Little mix's Love me or Leave me  is playing inside the car. Malungkot ang mukhang sinabayan niya ang kanta habang nakatitig sa labas ng sasakyan. Love me or leave me nga talaga ang nangyari sa buhay niya. Hindi niya ako kayang mahalin so iniwan niya nga talaga ako.

Bakit naman niya ako mamahalin kung walang-wala ako sa standards ng mga babaeng nagiging parte ng buhay niya?

Mapait na napangiti siya at mahigpit na kinuyom ang sariling mga kamao.

"Are you okay, Krizz?" Basag ni Josh sa pagmumuni-muni niya.

Napakurap-kurap siya at binigyan ito ng isang tipid na ngiti.

"Yes, I am. Mukha ba akong hindi okay?" Medyo natatawang pakli niya pabalik.

He stopped the car when they arrived in front of Blue Hotel. Doon kasi gaganapin ang reception ng kasal ng kaibigan niyang si Amanda at ng boss niyang si Jacob. Binigay lang nito ang susi sa valet at iginiya siya papasok ng hotel kung saan halos kasabayan lang nilang naglalakad si Jeremy at ang babaeng girlfriend ata nito.

Napairap siya sa hangin nang magtama ang mata nila ng babaeng kasama nito. Hindi din naman nagtagal ang pagtitig nito sa kanya dahil ibinaling nito iyon sa lalaking katabi niya. Napansin pa niya ang pagputla ng mukha nito bago nagbaba agad ng tingin.

Kunot noong tinitigan niya naman ang kasama niya na ngayon ay madilim ang mukha na nakatitig sa likod ng babae.

Magkakilala ba ang dalawa?

She just shrugged her shoulders. It doesn't concern her anyway. Nagsimula na siyang maglakad habang nakahawak sa braso nito. Tinatamad siyang mag-isip. Puno na ang utak niya at feeling niya maya-maya ay lalabas na lahat ng nasa isip niya na isang tao lang naman ang laman.

Bwisit! Bakit ba kasi ang hirap magmove-on?

Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon