Nico's POV
(Present)
(Ding Dong, ding dong) tunog nang doorbell namin. Nasa labas nang bahay kasi si Val.
Pinagbuksan ng pinto ni mama si val nang gate.
Val: Good afternoon po Ma'am. Si nico po?
Mama: Oi Mr. Quan andito ka pala, halika pasok ka sa bahay. Nasa kwarto pa si Nico nagbibihis siguro yun.
Pumasok sina mama at val sa loob nang bahay.
Mama: umupo ka muna Mr. Quan, tatawagin ko lang si Nico.
------
Paakyat si mama sa hagdanan papunta sa room ko, at kumakatok.
Mama: Nico, anak. Andito na si Val. Nghihintay na siya sa baba.
Nico: okay ma, malapit na akong matapos.
Mama: bakit ba ang tagal mo jan ha? Susuutin mo ba gown ni Pia Wurztbach at ganun ka tagal magbihis?
Nico: malapit na nga ma.
Lumabas na ako ng kwarto ko at sabay ko nang bumaba si mama sa hagdanan. Kitang kita ko na nakaupo si Val sa couch namin.
Ang neat tingnan ni Val sa suot niya, para talaga siyang si Kim Bum eh. Bagay na bagay sa kanya yung suot. Korean style yung suot niya ngayon. Ngumiti siya sa akin at ang gwapo niyang tingnan. (Isipin niyo si Kim Bum ngumiti, ganun.hihi)
Nico: Oi val, kanina ka pa?
Val: kararating ko lang din nic.
Mama: saan nga lakad niyo ngayon? Bago kayo umalis mag lunch muna tayo. Lalong-lalo ka na Nico, di ka pa nga ng breakfast.
Nico: Opo ma. Val kumain ka din.
Val: Naku okay lang busog pa ako, kumain ka na muna nic. Dito lang ako manood na lang muna ako ng tv.
Mama: Sumabay ka na rin Mr. Quan.
Nico: Oo nga val, para matikman mo din luto ni Mama.
Nasa table na kami at kumakain kasama si Val.
Mama: Saan nga kayo pupunta?
Nico: Nagpapasama si Val sakin Ma.
Val: opo ma'am. Silver wedding kasi ng parents ko ngayong Sunday kaya gusto ko sana sila i-treat, maghahanap kami ng magandang restaurant o hotel para sa dinner namin.Pinasama ko si Nico, tutal naman kasi day off namin ngayon.
Nico: wala naman din akong gagawin dito sa bahay ma, kaya samahan ko na lang muna siya.
Mama: ang bait mo naman pala, MR. Quan. Gwapo na nga mabait at magalang pa sa Magulang. Sana ganyan din itong Nico ko. (sabay tingin sa kin)
Nico: bakit ba ma? Di ako mabait?
Mama: syempre mabait. Sana anak magkaroon ka ng partner na kasing bait ni Mr. Quan. (Ngumiti si Mama habang tinitingnan si Val.)
Ngumiti lang din si Val.
Nico: si mama talaga oh. Wala muna love life love life ngayon ma.
Mama: weeee? Sure ka anak? Paano kung itong si Mr. Quan manliligaw sayo? Ayaw ka parin?
Nico: Ma (nahihiya at namumula na ang mukha ko). Si mama talaga oh. Mama bff ko yan si Val at imposible yang pinagsasabi mo ma.
Mama: bakit imposible? Mr. Quan imposible ba?
BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
RomanceNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...