Chapter 26: W.D.

50 3 5
                                    



(RATED SPG) Ang susunod na chapter ay may temang sexual. Kung ayaw niyo po ng bed scenes ng parehong kasarian ay malaya po kayong wag basahin ang chapter na ito.



(PRESENT)



VAL'S POV



"need a helping hand val"? yan ang sabi ni Nico sa akin na sinamahan pa ng ibang ngiti niya.

Parang natulala at tinamaan ako ng biglaang libog sa sinabi ni Nico.

"hahahaha. Baliw ka Nic". Ang sagot ko kay Nico.

"wag na Nic kaya ko mag-isa mag all by myself noh! ... palusot ko na lang kay Nico

Inikutan lang niya ako ng mga mata niya at umalis na sa pagkasandal sa bintana ng sasakyan ko.

"uwi ka na Val, at salamat sa paghatid".

Kumaway na sa akin si Nico para magpa-alam at tuluyan ng pumasok sa gate nila.

Sinimula ko ng paandarin din ang sasakyan ko at para makauwi na sa bahay. Di ko parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Nico sa akin.

Alam kung inasar lang ako ni Nico nun pero may kakaiba sa kanyang sinabi eh. Paano kaya kung pinatulan ko si Nico? yung sinabi niya sa akin?

Teka teka teka. Erase erase erase Val. Ano ba yang isiisip mo? Nico is your friend. Bakit mo pinag-iisipan ng ganyan kaibigan mo? Hays.

--------

Nakauwi na ako ng bahay, derecho sa room ko at nagbihis para makatulog na. pagod na din kasi katawan ko dahil sa pagka busy-busy sa araw na ito.

Bago ako natulog, chineck ko muna fon ko at nakita kung nagtext si Nico sa akin.

Hala bigla akong nag smile at parang kinilig ako. Syempre si Baby Nico ko na ito eh.

"Val tulog na wag na mag all by myself.hahahaha" Ang text ni Nico sa akin

"ano naman sayo kung mag all by myself ako?" ngiting reply ko kay Nico

"sabi ko nga sayo kanina diba tulungan na kita". Reply niya

Naku Val gi-ni-good time ka lang ng baby Nico mo.

"at bakit mo ako gusto tulungan? sus nic. Pinapantansya mo ko noh? Aminin na kasi na may gusto ka sa akin!hahaha!' ang reply ko sa kanya

Habang naghihintay ako sa reply ni Nico di ko mapigilang ngumiti. SIya lang ba alam mang –asar?

"in your dreams BOY LIBOG!" reply ni Nico.

Capital letters pa talaga yung boy libog! Langya..hahaha

"Umamin ka na kasi Nic na pinagpantasyahan mo katawan ko. Hahaha" reply ko kay Nico

"crush mo ko nic Noh?" sunod kung reply kay Nico

"may gusto ka kasi sa akin, aminin na!hahaha". sunod sunod kung text kay Nico

Wala na akong nakuhang response kay Nico. hala na-asar ko siguro yun. Naghihintay pa rin akong response kay Nico pero wala na talaga.

Naka-tulog na siguro baby Nico ko o di kaya'y ayaw na niya sagutin mga tanong ko.

"tulog ka na Nicolai?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon