Chapter 24: Acceptance

85 4 0
                                        


(PAST)

Nico's POV

After ma discharged ang papa ni Raymundo ng hospital ay nag volunteer akong bisitahin siya sa apartment nila kasama ang mama niya.Hindi sa nagpapalakas ako sa mga magulang ni Raymundo sa kadahilanang boyfriend ko siya ay kundi gusto kung makilala pa ang pamilya ni Raymundo. Nung una, natatakot ako sa mama niya dahil strikta talaga ito, pero inisip ko na lang na lahat ng ito'y challenges sa buhay ko. At sa awa ng Diyos, naging maganda ang relasyon ng mama niya sa akin. Naging mabait, generous at talkative na siya sa akin. Kaya heto ako ngayon sa kanilang apartment kasama ko ang family ni raymundo.

Maaga akong bumisita dito sa apartment nila Raymundo, at nadatnan ko silang nag almusal. Na surprise naman sila sa aking pagdalaw. Si ate Rizza lang kasi ang kasama ko ngayon sa bahay dahil umuwi ng probinsiya si mama at day off ko naman ngayon.

Nasabi kasi noon ng mama ni Raymundo na gusto daw niyang magsimba. Kaya nagdesisyun akong samahan ang mama niya.

"Good morning po sa inyo". Bati ko sa kanila

"Oy Nic, ". Ang sabi lang ni Raymundo sa akin

Sinalubong ako ni Raymundo na may ngiti at nag wink pa siya sa akin, at pagkatapos pinaupo niya ako kasama nila dito sa may dining table. (walang sweet hug na naganap kasi alam niyo naman andito family niya, hehehe)

"Oh iho, kumain ka na ba?" tanong ng mama niya

"opo tita, tapos na" sagot ko sa kanya

"naparito ka nic?" tanong ni Raymundo sa akin

"diba nag text na ako sayo na pupunta ako dito sa inyo" sabi ko kay Raymundo

Pero Tumingin ako sa mama ni Raymundo at sinabing " Tita,sama po tayong magsimba". Imbita ko sa mama niya

"ay oo, Linggo pala ngayon.oh sige iho, magsimba tayo." Sagot ng mama niya

"bakit kayo lang?", sambat ni raymundo sa amin

"wag ka ng sumama mon'. sagot ko kay raymundo

"oo anak kami nalang, bantayan niyo nalang ang papa niyo dito sa bahay". Sagot ng mama niya

"ay napaka unfair naman nun, gusto ko sumama eh!' sagot ni raymundo habang tumingin siya sa akin

Ngumiti ako kay Raymundo at para bang nabasa niya na pumayag nalang siyang wag na siyang sumama sa amin

"oh sige na nga. Kayo nalang. Basta pasalubong ha?" request ni raymundo sa amin

Pagkatapos nilang mag almusal ay pinahinga ko muna ang papa ni Raymundo para makuhaan ko siya ng blood pressure. (Hindi kasi accurate pag mag BP ka after eating, kaya dapat 30 minutes before or after meal) at ni remind ko siya sa kanyang home medicines, habang abala sina raymundo at ramil naman sa pagligpit sa kanilang kinainan. Ang mama nila naman ay maliligo na at para makapagprepare na din sa paglabas namin. Habang naghihintay ay nandito muna ako sa may sala nila nanood ng tv kasama ang papa nila. Pareho lang kaming tahimik. Lumapit si Raymundo sa akin at binigyan niya ako ng basong tubig.

"baka kasi nauuhaw ka". Ang biglang sabi niya sabay abot sa baso

(napaka gentleman talaga ng boyfriend ko noh?hehehe)

Tumingin ako sa kanya at kinuha ko ang baso .

"Salamat mon", sabi ko

"bakit ayaw mo akong isama?" tanong niya tapos nag pa-cute pa sa akin

You Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon