Chapter 10: Libre

56 2 3
                                    


Nico's POV

Matapos naming mag lunch ni Franz ay bumalik na ulit ako sa station at papaalis din si Franz pabalik sa school niya. Napaka ganda ng duty namin ngayon kasi walang pagkatoxic-toxic. Kung may naadmit man common health problems lang. Habang nag hihintay kami kung may pasyente ay nag usap muna kami ni Rowena.

Bakit ganun weng? Pilit ko ng kalimutan ang past pero parang nagbabalik na naman ang lahat? Tanong ka kay Rowena.

Anong ibig mong sabihin nic? Yung estudyante ba kanina? Tanong ni Rowena .

"Oo weng. Siya nga."

So? teka teka lang nic ha? Saan mo pala nakilala yun? Tanong ulit ni Rowena

"kanina sa jeep, kasabay ko siya. Tapos siya nagbayad nang pamasahe ko, tapos sinundan ako dito"

Ah ganda talaga mo te.hahaha. bakit ba ang mga gwapo type na din ang mga gwapo? si rowena

"Baliw! Climate change siguro.hehehe"

So anong problema sa kaniya? Si rowena

"naalala ko sa kanya si Raymundo".

Yung ex mong stupido? Eh magka-iba naman mukha nila ha? Mas gwapo nga lang si Raymundo doon, I mean gwapo din yung estudyante pero iba ang karisma ni Raymundo, at ang lakas ng kanyang sex appeal! Si rowena

"Parang pinamumukha mo naman sa akin yan weng na malaking kawalan sa akin si Raymundo. Aanhin ko ang pagkagwapo-gwapo kung kasing-itim ng uling ang budhi. Ang prinoproblema ko lang naman ay pareho si franz at si Raymundo nang kurso. Engineering lang naman!. Diba naging kami ni Raymundo, estudyante pa siya noon at engineering din. What if mangyari ito ulit? Ayoko nang masaktan ulit weng kung sa parehong apoy lang naman din. "

Bakit sigurado ka bang liligawan ka nun? Si Rowena

Natameme ako sa tanong ni Rowena.

"Ahh ewan ko, feel ko lang , baka kasi , di natin alam baka manligaw yun."

Sus Nic, wag assuming. Ano ba sinabi niya sayo? Ano nga ulit pangalan nun at ilang taon na? si Rowena

"Makipagkaibigan daw. Charlie Francis C. Lim, 23 years old na siya. Nag shift kasi ng kurso."

See! Makipagkaibigan lang pala yung tao, nag a-assume ka ng magiging manliligaw mo na siya. Naku nic, kung ako sayo, sabayan mo na lang yun. Baka siya pa ang sagot sa magiging lovelife mo. What if ipakilala ka niya sa mga friends niya, tapos may type ka, tapos type ka din, then perfect! May love life ka na. Isa siyang blessing para sayo nic., si Rowena

"perfect?! Kung makaperfect ka naman? Ayoko noh!. Sigurado mga kaibigan nun engineering students din. Wag na Weng ,na trauma na talaga ako sa kanila. Pwede ibang kurso naman."

Ang babaw ng rason mo nic, nang dahil lang sa pareho ang kurso, parang sinasara mo naman agad agad ang puso mo eh. Ano ka ba nic? Iba ang ex mo, at iba din yung ngayon., pag e-explain ni Rowena sa akin.

Fine. Eh di si Val!Pareho kayong nurse, hindi engineer. Siya na lang, tutal gusto mo siya at parang gusto ka din niya., si rowena

"Weng, paulit ulit na tayo ha? Nakakairita ka na? Diba sinabi ko na sayo noon pa, na si Val ay bestfriend ko lang at hanggang dun lang yun. "

Jan naman nagsisimula yan ha, kung kami nga ni Jared noon, diba ikaw yung naging tulay namin tapos naging close friends kami tapos naging kami. Mas maganda nga yun dahil kilala niyo na ang isa't isa. Sabi ni Rowena sa akin

You Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon