Nico's POV
Nabigla ako sa aking nakita nang makapasok na kami sa loob ng cottage na pinareserved nila Franz.
Bukod sa maraming tao ay napansin ko ang tarpaulin na nakasabit sa harapan.
"Happy Birthday Charlie Francis"
"sinasabi ko na nga ba, birthday mo nga Mr. Kulit", sabi ko kay Franz at sabay hampas sa kanyang likod
"ah hehe. Wala ba akong gift?" sagot ni Franz
"Nah! Di ko naman alam na birthday mo, at kasalanan mo naman din, wala kang pasabi", sagot ko kay Franz
"siyempre noh, required ba na ipagsigawan at ipag alam ko na birthday ko ngayon?" sagot naman ni Franz
"OA ka. Sorry ka wala kang gift".
"Birthday Kiss nalang pwede?" sagot ni Franz habang pina pout lips niya
"Baliw! Hahaha". Tawa ko kay Franz
"Happy birthday Franz", bati ko nalang kay Franz
Tumingin ako kay Val na tahimik lang na nakikinig sa amin pero pansin kung iba makatingin si Val kay Franz, yung mukhang nagseselos. Ang gwapo talaga ni Val. Kinikilig ako sa kanya. Sh*T.. hahaha
"Happy Birthday Pre". Bati din ni Val
"Thank you sa inyo mga bro". sabi ni Franz
Pumasok na kaming tatlo sa loob ng cottage. Pinakilala kami ni Franz sa mga magulang niya.
"Ma, Pa, mga kaibigan ko". Pakilala ni Franz
"Oh tuloy kayo, kumain na ba kayo mga iho, Franz pakainin mo na sila". Tanong ng Mama ni Franz
"Hello Po", sabay bati namin ni Val sa magulang ni Franz
"Nic, Val, upo muna kayo kuha lang ako ng pinggan niyo." Sabi ni Franz
Habang nakaupo kami ni Val, siyempre pag bago ka, hindi talaga mawala yung interview portion.Tango tango lang kami ni Val, sa mga tanong ng Mama at papa Niya. Nalaman namin isang accountant ang Mama Ni franz at ang papa niya ay isang businessman. Nakuha ni Franz ang kanyang pagka chinito siyempre sa papa niya kasi isang Filipino- Chinese ito.
"wag kayo mahiya mga iho, kain lang ng kayo jan ha", sabi ng Mama ni Franz
Kumakain na kami ngayon at dahil hindi ako nakapag almusal at medjo late na din ang lunch ko kaya eto gutom na ako. Totoo nga ang sinabi ni Franz, ang daming food. Hindi ko napansin ang dami dami kung kinakain. Kuha dito, kuha doon, basta lamon lang ako ng lamon.
"Mr. takaw ka na pala ngayon". Biglang sabi ni Val
Magkatabi parin kasi kami dito sa cottage. Iniwan muna kami ni Franz kasi naglalaro sila ng beach volleyball.
"Huh!!!?" O_o??? confuse kung response kay Val habang nakasubsub sa bunganga ko ang spaghetti
"dahan-dahan ka nga, para ka namang mauubusan ng pagkain". Sabi ni val
Pagkatapos kung malunok ang spaghetti. " gutom ako eh alam mo naman wala pang laman tong sikmura ko".
"ah gutom ka ba? Ito oh! Paisang isang linipat ni Val ang kanyang food sa plate ko.
"hoy hoy Val, ano ba yan. Kainin mo nga yang kinuha mo. Ano ako nanay mo? Tagaubos ng tira?" reklamo ko kay Val
"sabi mo kasi gutom ka. Kaya yan. ikaw na mag ubos. ^_^", ngiti niyang sabi
BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
RomanceNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...
