Chapter 5: First Love

94 5 16
                                        

Nico's POV

(Past)

November 15th.

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito kasi ito ang araw na naging kami sa lalaking gustong-gusto ko na si Raymundo. Ganito pala ang feeling na magkaroon ka ng minamahal at alam mo din na mamahalin ka din niya. Ito yung feeling parang nasa cloud 9 ka tapos nakikita mo may mga fireworks na may iba't ibang kulay, Ay sus! Ang sarap ng feeling at naging mas makulay at maganda ang takbo ng Buhay mo. Ito yung feeling INSPIRED.

Hinatid ako papauwi ni Raymundo sa bahay namin pagkatapos naming lumabas.

Nico: Mon, salamat ha? Salamat talaga sa binigay mong chance sa'akin. Chance na mahalin kita at chance na mahalin mo din ako. Alam kung hindi ako perpekto pero I will give you the best love that I Can. (charrrrr may pa English pa ang gaga.) (sabay ngiti ko s a kanya.)

Raymundo: Salamat din nic, gagawin ko din ang lahat para sayo nic. I will make you happy sa makakaya ko.

Niyakap ako ni Raymundo at niyakap ko din siya. Hays. Totoo ba talaga to? Di ba ako nanaginip lang? kung nanaginip ako sana di na lang ako magising.

Nico: oh sige na mon, uwi ka na. May class ka pa bukas. Text text nalang.

Raymundo: sige nic. Goodnight.

Umalis na si Raymundo at pumasok na rin ako ng bahay. Walang kiss okay na yun sa akin, walang palitan nang I love you, okay lang yun sa'kin basta ang importante kami na. Nahihiya pa rin kasi kami sa isa't isa. Kaya walang pang ganun. Pero As in Kami Na. Yehey!!!

Narinig kung tumunog ang phone ko, nag text pala si Raymundo.

Raymundo: bahay na. tulog na ako, goodnight nic.

Nico: (kinikilig parin). Goodnight mon, boyfriend ko.

Ngising ngisi ako that time, tapos hug na hug ko yung pillow ko. Magiging masarap yung tulog ko ngayong gabi.

--------------------

(Kinabukasan)

Morning shift ako ngayon kaya maaga akong gumising. Nasa kusina din si Mama, kasi may duty din siya. Nakikita ko siyang nagluluto para sa breakfast namin.

Nico: Good morning ma. (ang laki laki ng smile ko sa kanya)

Mama: Good morning anak. Aba, bakit Malaki yang ngiti mo sa akin? Mmmmmmmm

Lumapit si mama sa akin at kinurot yung tagiliran ko.

Nico: maaaa, wag jan, may kiliti ako jan.

Mama: (kinurot niya ulit at kinurot nang kinurot). Kiliti talaga? Sure ka anak? O baka naman kinilig?

Nico: (ngisi ako ng ngisi sa tuwing kinukurot ni mama yung tagiliran ko, iba din kasi maglambing mama ko eh) ma, tigilin mo nga yan, talaga naman nakikiliti ako eh. Kilig kilig ka jan ma, di ko alam yang pinagsasaba mo ma ha? (namumula ako habang nakangisi pa rin)

Mama: eh ano yung kagabi? Kung makayakap parang tuko. Sarap niyo nga patugtugan ng 2 become 1.! (panunukso ni mama sakin)

Nico: Nakita mo kami kagabi ma?!!! (gulat at nahihiyang tanong)

Nakita pala kami ni Mama kagabi nang ihatid ako ni Raymundo ng bahay.

Mama: OO anak, kitang kita ko kayo habang nagyayakapan. Kaya sabihin mo sakin kung anong ibig sabihin nun? May bago nabang loveteam ang pilipinas?

Nico: hahaha. Kakatawa ka naman ma. Loveteam ka jan. Pero Ma, sige na nga kasi mama naman kita, at hindi ko kayang magsikreto sa inyu. Ahhhhh, oo ma. May boyfriend na po anak niyo.

Mama: Really?!!! (Gulat pero nakagiti). Wow anak, congratulations!. Im so happy and proud of you anak. Talagang lumabas ka na sa shell mo.

At bigla akong ni hug ni mama, mahigpit na hug. (At ang sarap ng feeling na tanggap ka ng mama mo, kahit ano pa kasarian mo.)

Nang biglang binatok ni mama ang ulo ko.

Nico: aray ma, ano yun?

Mama: kasi ang sama mo anak. Hindi mo pa nga pinakilala o pinakita yang boylet mo sakin , tapos ngayon sabihin mong boyfriend mo na. Ang landi mo anak.Paano pag pangit yan? Di ko gusto.

Nico: hahaha(tawa kokay mama). Naku ma, pag nakita mo yun, mamangha ka talaga sa kanyang kagwapuhan ma. Jake Cuenca kaya yun ma. I swear.

Mama: Ano ba pangalan niya?

Nico: Raymundo ma.

Mama: so Ray-ni?

Nico: Ray-ni? (confuse)

Mama: Oo ray-ni. Kung si kath and Daniel ay kathniel, james at Nadine ay jadine, then kayong dalwa Raymundo Nico ay Ray-ni.

Nico: ewwwww ma, ang baduy. Ray-ni? Ang pangit ma. Ray-ni? Parang ulan lang? parang di maganda ma, ulan ay parang luha. Ibig sabihin nun iiyak ako nang iiyak.

Mama: oo nga noh, palitan natin. Ni-ray? Nico-ray? Ray-nico? Co-ray?

Nico: (ng effort pa talaga mama ko, kaya love na love ko mama ko talaga).ma, tigilin mo na nga yan. Umalis na tayo ma, baka kasi ma late pa tayo.

Mama: I demand to meet him tonight Nicolai Alexander. I want to see your boyfriend Raymundo. Dito kayo mag dinner.!

Nico: Yes po.

------------------

Sabay na kami ni mama umalis nang bahay kasi parehong ospital lang yung pinagtratrabuhan namin.

Yup, you read it right. Same hospital. Chief Nurse yung mama ko. More than 20 years na in service si mama ko sa isang ospital dito sa cebu. Ang papa ko naman ay isang sundalo na designate sa Mindanao. Sa pagkakaalam ko nasa Davao sila ngayon. Paminsan minsan lang makauwi ang papa ko dito sa Cebu, siguro 4-5 times lang sa isang taon at mag i-istay nang one week lang. Kaya susulitin niya oras niya tuwing umuuwi siya dito.

Alam nang mama ko na may kakaiba sa kin. Supportive at proud siya sa kin. One time kasi nahuli niya ako ng mag SM kami noon, na nakatitig sa isang napakagwapong lalaki. Titig na titig lang ako sa kanya, tapos nakangiting walang pakialam, basta nakangiti lang. Di ko namalayang nakatingin na pala si Mama sa akin.

Mama: Anak? Bakla ka?

Nico: (nagulat) Ma? (tahimik Lang ako, ayaw ko sumagot na )

Mama: Nico, anak, kahit ano ka pa anak, tatanggapin kita ng buong-buo dahil anak kita at mahal na mahal kita, at pati kapatid mung si Ruth. Tatandaan mo yun palagi anak ha? Love na love ka ni Mama. Kung bakla ka anak, okay na okay yun sakin, wala akong problema doon, basta ang importante ay magtutulungan tayo para sa pamilya natin. Kayong tatlo si papa mo, si Ruth at ikaw ang mga kayamanan ko sa buhay. Kung andito lang yung Kuya mo. (biglang nalungkot mama ko ng maalala niya kuya ko.)Pero anak, promise mo sa akin ha, pag ngka boyfriend ka , ipakilala mo siya sa akin at siguraduhin mong gwapo ito kasinggwapo ni Lee Min Hoo.(nakangisi si Mama).

Wala akong nasabi ni Mama, hug ko na lang siya nang ni Hug, tapos di ko namalayan tumulo na pala ang mga luha ko. Alam niyo yung feeling na, tanggap ka na ng family mo. Yung sister ko alam din niya, ang prinoblema ko nalang ngayon ay si papa. Ayaw ko pa magladlad sa kanya, nakaKatakot. Kaya okay na sa akin na sila muna nakakaalam.

Nico: Salamat Ma, I love you Ma. Kung maka Lee min hoo ka naman jan ma. Imposible yun. Pwede bang si Daniel padilla ma. (ngiti ko sa kanya.)

Oo kilala ni mama si Lee Min Ho, kasi kinikilig siya doon.hahaha. Nanonood ng Korean drama series si Mama pag si Lee Min Ho yung bida. Kaya fanatic siya sa boys over flowers, feeling nga niya eh siya si Jan Dee.

-------------------------------------------------------

Thank you so much guys. What do you think of the story?

Free to comments, suggestions and reactions.

Ingat. Godbless: From: Mama

You Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon