(Past)
Nico's POV
Wala pa rin akong text na natanggap galing kay Raymundo for five days na, simula ng maging kami. Kahit isang text lang o di kaya'y call wala talaga. Nag-alala na ako sa kanya, gusto ko sana puntahan siya sa school niya di naman pwede baka kasi magalit yun. Pinuntahan ko siya sa apartment niya wala naman siya dun.Akala ko pag magkaroon ka ng nobyo, maging maganda na buhay mo, magiging inspired pero bakit ganito? Nalulungkot at nasasaktan ako.
Nasa hospital ako ngayon kasi duty koat Ka-shift ko ngayon si Rowena.
"Di pa rin nagparamdan si Raymundo sa'kin weng". Lungkot kung Sabi kay Rowena.
"Baka may problema yun, tri-ny mo bang tawagan Nic?"
"Hindi ko na mabilang pagtawag ko sa kanya, text ako ng text din pero wala talaga. Pero bakit di ko magawang magalit sa kanya weng? Ginawa na niya akong parang tanga.!"
"Hayaan mo muna siya Nic, baka kasi may problema yung tao. Ganito nalang Nic, wag mo muna siyang etext o tawagan." Suggestion ni Rowena sa akin
"Kung may problema siya sana sasabihan din niya ako.Dadamayan ko naman siya kahit ano pa problema niya. !"
"Ganyan talaga minsan Nic, may mga bagay bagay na i-sasarili nalang. Bigyan mo muna siya ng privacy. Alam kung di ka niloloko ng Raymundo mo, at may valid reason siya kung bakit hindi pa siya nagpaparamdam sa'yo. Magtiwala ka sa kanya Nic. Okay?" sabi ni Rowena sa akin habang nakangisi siya.
"Okay Weng, salamat. Di na ako maging nega ngayon. "
Pagkatapos naming mag usap ni rowena, inisikaso ko ang bagong dating na pasyenteng magpapaadmit. Sa tooto lang, wala akong gana magtrabaho ngayon sa kaiisip kung nasan, bakit, o kailan magpaparamdam ulit si Raymundo.
Pumunta ako muna sa canteen para mag lunch dahil tapos na akong maasikaso ang pasyente at tapos na din akong ma endorse ito. Di ko kasabay si Rowena kasi di pa siya tapos sa pasyente niya. Paglabas ko nang canteen, may napansin akong isang lalaking familiar sa akin kahit nakatalikod siya parang kilala ko siya. Naka black jacket siya tapos naka hoodie at may dalang back pack. Sinisilip silip ko siya at napansin kung umakyat siya sa second floor. Dahil curious ako at para masigurado ako kung tama ba ako sa kutob ko, sinundan ko din siyang umakyat na di niya ako napapansin. Nakarating kami sa fourth floor kung saan dito ang mga private/suite rooms. Grabe naman to siya, may elevator naman dito talaga sa hagdanan dumaan. Buti nalang at di niya ako nakita. Napansin kung lumapit muna siya sa Nurse's staion, kinausap ang isang nurse at pagkatapos ay dumerecho na sa isang room dito. Nang pagkaalis niya, pumunta muna ako sa Nurse's station at binati ang mga co-nurses doon. Kilala ko naman sila at kilala din nila ako.
Pasulyap sulyap ako kung sang room yung lalaki papasok. Nang nakita kung huminto na siya sa tapat ng pintuan ay may lumabas na babae at naalala ko ang mukha niya. Siya yung babaeng nagsisigaw sa mama ni Ramil noon, nung naadmit papa niya. Tinanggal ng lalaki ang kanyang hood at nabigla ako s aking nakita.
Si Raymundo! Di ako nagkakamali si Raymundo nga yun. Nagmano siya sa babae at nakita kung pumasok na sila sa loob ng kwarto. Dali dali kung pinuntahan ang pinto ng room para malaman ko kung anong room# sila. Maraming tanong sa aking isip kung anong ginagawa ni Raymundo dito, sino yung babae, kaanu-ano niya ang pasyente, magkilala ba sila ni ramil?
Dali dali akong bumalik sa Nurse's station at hiniram ko ang chart. Binasa ko ang patient's profile.
Nabasa ko ang pangalan ng pasyente. Raymundo Berdino Sr.
BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
RomantizmNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...
