(PRESENT)
Sabado
Nico's POV
Pauwi na ako ngayon galing sa duty. Night shift ako kaya heto antok na antok ako ngayong sumasakay ng jeep. (Kaya ayoko talaga mag night shift, hate ko ang puyatan.hehehe)Gusto kung labanan ang aking antok kasi nakakahiya kung makatulog ako dito sa jeep. Kaya ang ginawa ko ay nag headset nalang ako at nakikinig sa favorite playlist ko. Gagamitin ko sana kotse namin pero wala, dinala kasi ni Mama nagpunta siya ng probinsiya para bisitihin niya si Lola, ang mama niya. May motor naman ako pero minsan ko lang din gamitin. Mas gustuhin ko na lang sumakasy ng jeep para makatipid. (medjo may pagkakuripot talaga ako pagdating sa mga pamamasahe thing.hahaha)
Pero ramdam ko talaga na antok na antok na ako, toxic kasi ang naging duty ko. Meron kasing STAT (emergency) OR at OB case (placenta previa) ito, menorde edad ang pasyente, masyadong mababa ang blood pressure, wala pang pera ang pamilya, primigravida ( unang pagbubuntis), at sa akin pa na assigned, kaya hays na stress ako.
Habang nakikinig ako sa music ko ng biglang tumawag si Franz.
Hello Nic, good morning., bati ni Franz sa akin
"Oh hi Mr. Kulit, good morning." Bati ko naman sa kanya. "ang aga mo ha?"
Oo eh, naalala mo yung sinabi ko sayo last time? Yung sa swimming? Sagot ni Franz
"Ah oo, ngayon ba yun? "
Oo Nic, ngayon yun. Pwede ka ba? Sige na please...please..please Nic. Sama ka na ha? Promise maraming food. Imbita ni Franz sa akin
"Papauwi pa kasi ako ngayon Franz galing sa duty, at antok na antok pa ako eh, anong oras ba?"
"Kaya pala matamlay boses mo walang ka ene-energy.......... pero Punta ka na lang later, lunch pa naman din eh. Sige na Nic. Kung gusto mo susunduin pa kita sa inyo. Sagot ni franz
"okay franz. Pero bakit ba may outing ngayon? Hmmmm birthday mo noh? Tanong ko kay franz
hahaha, hindi noh. Ano susunduin kita sa inyo Nic?
" Ahsus. Baka birthday mo eh. Pag birthday mo ngayon siguraduin mo lang may lechon!"
ai demanding ka Nic? Kung gusto mo ako nalang litsunin mo? Haha
"ai ayoko di ka naman masarap. Masarap pa ang lechon sayo."
Nahiya at namula ang mukha ko ng ma realize kung nasa jeep pa pala ako, at malamang narinig ng mga pasahero ang sinasabi ko. #awkward overload
"ai franz, pwede ko bang isama kaibigan ko? Sabay nalang kami." Request ko kay Franz
okay lang naman, susunduin ko kayong dalawa sa bahay niyo Nic?
"ai wag na Franz, may car naman din siya. Saan pala ang outing?
sinabi ni Franz kung saan kami mag swi-swimming. At nalaman kung beach resort ito. Alam ko naman ang lugar kasi nakapunta na ako dun minsan.
"Oh sige, ikaw bahala. Basta aasahan kita mamaya My loves Nico ha?
"Baliw. My loves ka jan.!
"Haha. Love you!
Natapos ang conversation namin ni Franz, na ikangiti ko naman lalo na sa huling sinabi niya. Makulit talaga ang mokong ito.
Nang makarating na ako ng bahay, si ate riza lang ang kasama ko ngayon dito kasi nga wala si mama.
Pagkatapos magbihis ay humiga na ako sa aking kama, katabi ang aking apat na unan.
BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
RomanceNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...