Val's POV
Third set na ng game, at di ko inaasahan na magaling pala si Nico sa paglalaro ng beach volleyball. Akala ko kasi pa cute lang ang alam nito kaya nabigla ako sa kanyang kahusayan sa volleyball. Gusto ko talaga sana siya ang ka team-mate ko sa larong ito pero ng biglang nadesisyong siyang si Franz ang gusto niyang makasama. Aaminin ko parang nagseselos ako, kaya naman lalabanan ko si Nico at gagawin ko ang lahat para kami ang magiging panalo. Sa tototo lang , ayaw ko sa consequences ng laro, kung matatalo kasi kailangan naming humalik sa isang tao dito o di kaya'y maliligo sa dagat na nakahubad. Kung matatalo man kami, alam ko naman kung ano pipiliin ko, at yun ay ang humalik, pero ang problema ay kung sino naman? Hindi ko muna pro-problemahin yan, kailangan magisip ako ng strategy kung paano ko matatalo sila, lalung lalo na si Nico.
Nag serve si Nico, at ginamitan yang kakaibang strike kaya naman IN ang bola, at bigla silang nagyakapan ni Franz. Kita ko kung gaano kalaki ang ngisi ng unggoy na si Franz, abot langit o lagpas langit pa nga eh, kung makangisi parang wala ng bukas. Parang may anong tumusok sa aking puso ng makita kung nagyakapan silang dalawa. Nakakabwis*t talaga tong si Franz, dapat ako ang kayakap ni Nico, pero si Nico tuwang-tuwa naman. Kakainis!!!
Nang naka-isip na ako ng ideya , hindi ako sigurado sa ideyang ito pero wala namang masama kung i-tra-ry ko, baka sakali tama tong kutob ko, na ito ay magiging weakness ni Nico. Ready to serve na ulit si Nico, pero naisipan kung biglang hubarin ang upper shirt ko. Nakita ko ang biglang pagka iba ng mukha ni Nico nang makita niya akong nakahubad, parang na surprise ata siya,. Nakita na niya tong katawan ko noon pero parang napamangha pa siya ulit. Pag serve niya , sapul! Bokya ang pagserve niya. Effective ang strategy ko. Tama nga ako, weakness ni Nico ang makakita nang lalaking nakahubad. Patuloy ang paglalaro namin at na-uungusan na namin ang team nila Nico. Ewan ko nga ba, parang nakatitig nalang palagi si Nico sa akin, hindi na siya naka focus sa bola, di kaya'y gustong-gusto niya pagmasdan ang hot na hot kung katawan?(hambog talaga noh?hehe).
"Nic, ihanda mo na sarili mo ha? Last serve ko na ito!" pasigaw na sabi ko kay Nico
"Tira Na! maglilitanya pa eh!" pasigaw na sagot ni Nico
Pero parang di na gumagana ang strategy ko, bumalik na ulit ang palaban na Nico. Focus na ulit siya sa laro namin. Aba aba, humahabol ang dalawang unngoy sa amin, at kita kung nagyayakapan na naman sila ni Franz sa tuwing makakapuntos sila. Kakainis talaga! Pwede ako nalang yakapan mo Nic.Hays.sabi ng isip ko.
Rinig na rining na namin ang bawat hiyaw ng madlang people na nanonood sa aming laro. Iniisip ko lang kung paano kami mananalo nito ni Miguel.
"baka nasa amin ang huling halakhak Val, kaya wag maging confident jan! " sigaw ni Nico sa akin
Isang puntos nalang ang kailangan namin at dalawa kanila nico. kung hindi namin pagbubutihin ito, sigurado kami ang matatalo. Kailangan kung mag isip pa ng strategy.
"ows? Sigurado ka Nic? " sagot ko kay Nico
Lumapit ako kay Miguel at may ibinulong ako sa kanya at agad naman siyang sumang ayun sa akin.
Huh?!!!!!!!! Sagot ni Nico
Ready to serve na ulit si Nico sa bola.
"bro, gamitin na natin ang final technique natin!" sabi ko kay Miguel sabay apir
Katulad ko kanina, hindi na naman inasahan ni Nico ang paghubad ng upper shirt ni Miguel. Kaya tumambad sa kanya ang magandang hubog na katawan ni Miguel samahan pa ng kapogian niya na mas lalong nagpa hot sa kanya, at ang huling magpapahina kay Nico ay ang nakaumbok na harapan ni Miguel kasi nga naka trunks lang ito.
BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
RomanceNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...
