Val's POV
Maagang-maaga ay gising na ako dahil kailangan kong maghanda para sa okasyon ng parents ko ngayon, ang kanilang Silver wedding. Paglabas ko sa kwarto ay may narinig akong ingay sa may sala at nang tiningnan ko ay dumating na pala ang aking mga kapatid na galing sa abroad. Sina Kuya Luke at Ate Nikki. Si kuya Luke ay isang veterinarian at si Ate Nikki ay isang Psyche Nurse. Ang mga parents ko ay both doctors. Si Dad ay IM ,si Mommy naman ay OB. Ang saya ng pamilya namin diba? Mapa-tao o mapa hayop man ay kaya kaya naming alagaan(hambug much lang?hehehe).
Agad agad akong bumaba sa hagdanan at sinalubong ang dalawa kung kapatid.
Kuya, Ate. Tawag ko sa kanila. At isa-isa ko silang niyakap.
Yup val, preparado na ba mamaya? Tanong ni ate sakin.
"Oo ate nik. Mga 6:30 pm yung dinner natin. Pero Ate pasalubong ko muna?
Ai nasa luggage ko pa. mamaya mo nalang kunin. Sagot ni ate sa akin.
Kuya luke, pasalubong mo din sa akin?
"binilhan kita nag bagong sapatos tol, pang basketball mo, sana magustuhan mo yun". Sagot naman ni kuya.
Basta kasya sa akin kuya, okay na yun. Thank you kuya.
"may girlfriend ka na ba ngayon tol?, tanong ni kuya sa akin.
"oo nga val, kung may girlfriend ka na, pwede mo siyang dalhin mamaya sa dinner." Sabat naman ni ate nikki.
"wala po akong girlfriend, may gusto ako pero nahihiya pa ako sabihin sa kanya." Sagot ko sa kanila.
Sus tol, bakit ka pa nahihiya? sa gwapong mong iyan, kahit siguro isang kindat mo lang, mapa OO mo na ang babaeng yun., sabi naman ni kuya Luke.
Nakangiti nalang ako sa kanila, at mabuti nalang nagsalita si Mommy.
"Ay wag nyu kulitin si Val, walang girlfriend yan dahil kung meron man, ako ang unang makakaalam. At mamaya na yang kwentuhan niyo, mag almusal muna tayo at para nadin makapagpahinga muna kayong dalawa Nikki at Luke. ALam kung pagod kayo sa biaje."
Ay wag niyo kami intindihin ma, okay na okay lang kami ni Luke. , sagot ni ate.At ma, Happy Silver Wedding sa inyu ni dad.
Sabay halik ni ate kay Mommy sa pisngi tapos kay daddy. At sumunod din kaming mag utol bumati at nag kiss sa pisngi nila mommy at daddy.
Wala pa kasi ang bunso namin dahil natutulog pa rin. Parang mantika yun kung matulog. Ang name naman niya ay Prince.
Magkasama na kaming pamilya sa table at magsimulang mag almusal. Napagdesisyon namin na magsisimba muna kami bago dederecho sa dinner date para ipagdiriwang ang silver wedding ng parents namin.
Biglang tumunog ang phone ko at nakita kung nag text si Nico sa akin.
"good morning ,congratulations sa parents mo val".
"thank you nic, excited na ako sa dinner namin mamaya. May duty ka ngayon noh?", reply ko sa kanya.
"oo val, sana hindi toxic ngayon."
"wag ibaliktad ang brief kase, hahaha", reply ko naman
"loko! Sige na, maliligo na ako."
"oi sama ako, gusto mo ako maglagay ng sabon at shampoo sayo ^_^", reply ko. Pero di na ako
nakatanggap ng response mula kay Nico. Siguro naligo na talaga yun.
BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
RomanceNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...
