Raymundo's POV
Naging madali ang pagbangon ko ngayong umaga kasi feeling inspired ako. Naalala ko ang mga
matatamis na mga mata at ang mga ngiting abot langit ni Nico. Ngayon lang ako nakaramdam nang
Ganito after sa break-up ng x-gf ko. Ewan ko nga ba, kung bakit bigo parati ang lovelife ko. Hindi naman
ako seloso at babaero. Binibigay ko naman lahat ng gusto sa lahat ng naging gfs ko pero bakit palaging
pinaglalaruan ng tadhana ang buhay pag ibig ko, dahil ba di pa ko fully matured? LDR ba?
Kaya napagdesisyonan kung umibig ng kapwa ko, di ko man alam ang kahahantungan nito, atleast I tried
at ma-experience ganitong uring pag-ibig. NAkita ko namn kung gaano ako kamahal ni Nico, at iba kasi
ang kaligayahan na naipadama niya sa'kin. Masayang masaya ako sa tuwing kasama ko siya, mapa gimik
man, mapa mall, basta iba yung ligaya ko pag anjan si Nico sa tabi ko. Pati nga ako nalilito, lalaki ako
pero bakit umiibig din ako sa kapwa ko? Hindi naman ako bakla? Bakla nga ba ako? otomatikomg Bakla
ba ang tawag dun? Pag ang straight na lalaki umibig sa lalaki? Bakla agad ba? Hays.
Pero ang mahalaga ngayon ay ang kasiyahan sa puso ko, yan naman ang importante eh.
Swerte ko nga sa kanya kasi ang bait bait ni Nico, magalang sa pamilya niya, walang bisyo,
maalagain sakin para nga akong pasyente niya minsan.
Hindi ako nagsisisi sa desisyon kung maging official kami ni Nico, at pangako kong aalagaan ko
ang relasyon namin.
Matapos kung maligo ay bumaba ako sa kusina namin para magluto ng breakfast ko. Pero nang pagbaba
Ay nagtaka akong bakit may breakfast na sa hapag kainan. Kaya di ko napansin na may tao pala sa likod
Ko at nanggulat. "baaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!
Sabay lingon sa likod.
Ma!!!!! Ang saya saya ko nung nakita at nandito si Mama sa bahay ko. Niyakap ko siya bigla kasi miss na
Miss ko na siya. "ma? Anong ginagawa niyo dito? Kailan lang kayo? Sino kasama mo ma? "
Mama: Paisa-isang tanong lang anak, mahina ang kalaban. Pero na miss kita, sobra sobra. Kumusta pala
Ang pogi kung anak? Ang pag-aaral? May girlfriend knb?
Nakangiti lang ako, kung alam lang ni mama na may boyfriend na ako at hindi girlfriend.
Mama: sige kumain ka muna anak, pinagluto na kita ng breakfast mo, pati nagtimpla ako ng gatas
Mo din. May dala din akong mga prutas, fresh pang Davao yan.
Taga Davao kasi kami, at paminsan minsan lang bumibisita si mama dito sakin sa Cebu. Abala din kasi
Siya sa negosyo niyang patahi-an dun.Kaya ako lang talaga dito mag-isa sa inu-upahang apartment.
"Ilang days po kayo dito ma? Dito nalang kayo muna, mga isang buwan para may magluto at maglaba
sa akin., patawang sabi ko ko sa kanya.
Mama: Ginawa pa akong maid.2 days lang ako dito anak at kailangan kung makipagkita sa papa mo.
Hiwalay na kasi sina mama at papa siguro noong 2 years old ako. Seaman ang papa ko. Pero nang

BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
RomansaNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...