Chapter 15: Bubbles

59 3 2
                                        

Val's POV

Bumalik na ang sarili ko ng may biglang malakas na sumampal sa akin. Ang sakit! Sobra. Kahit isang sampal lang yun pero ang lakas lakas.parang hindi na nga yun sampal parang suntok na nga ata yun. Yung shock slap!

Narinig ko ang boses ni Nico na parang may kinakausap. "Ay lamok, pesteng lamok!" ang rinig ko sa kanya.

Ayaw kung ipaalam kay Nico na bumalik na ako sa aking sarili, kasi sinampal niya ako kaya't magdusa siya sa pag-alalay sa akin. (nyahaha!)

Parang dalawang tao ang nagbuhat sa akin, sa tingin ko si Nico ang isa at ang isa naman ay ang guard. Dahil rinig ko kasing tinawag ito ni Nico na Kuya Guard. Tapos may narinig akong isang boses ng babae at kilala ko ang boses na yun kay Ate Riza.

Silang dalawa na ang nag-alalay sa akin papunta ito siguro sa kwarto ni Nico, at narinig kung pinagtutukso siya ni ate Riza, na siya namang lihim kung pangiti-ngiti. Hindi naman nila ako mapapansin dahil bising-busy sila sa akin, at alam kung pagod na ito si Nico kaya malalagutan ako nito sa kanya bukas.

Nang maipasok na nila ako sa kwarto ay, ramdam kung hinubaran ako. Una ang sapatos ko at medjas, tapos sinunud ang aking suot na damit. Natatakot pero excited nga ako kung huhubaran ba din ako ng pants pero parang walang lakas na loob na hubaran ako. Rinig ko ulit na tinutukso ni Ate RIza si Nico, kung anong klasing tinapay daw ako? Siguro natutulala si Nico ng Makita niya ang magandang katawan ko. ^_^ Napangisi ako ulit kaya nagplano talaga ako kung paano ko maka-halikan itong Nico na to.

Rinig ko ulit boses ni Nico na pinapalabas na niya si Ate Riza, at tinugon pang ipa lock ang pinto. OMG! May balak nga ba talaga tong Nico sa akin?. Pero okay lang. Handang handa naman ang sarili ko eh, at kaya ko naman ibigay ang aking katawan para sa kaibigan ko, kung kay Nico lang naman. Why not, yummy din kaya siya.

Nang makahiga na ako sa kama, ang lambot ng kama infairness at mabango pa, pero ang daming malalaking unan, 4 na unan ng binilang ko ito. Dali dali kasing nagbihis si Nico at pumunta pa sa loob ng CR. Naisipan kung ipanghagis lahat ng unan niya sa sahig, kasi nga diba may plano ako.

Pagbalik niya, nakita niya na nasa sahig na lahat ng unan. Binalik niya naman ang unan at pinatong ulit ang ulo ko, tapos inilagay ang isa sa gilid ko. Ang sweet naman ng Nico ko, pero sorry may balak ako Nic! Nang humiga siya, inihagis ko ulit ang dalawang unan sa sahig. Akala ko pupulitin niya ulit pero parang hindi na. Yes!this is it, my plan works. Dahan dahan akong umusog sa kanya at pagkatapos ay ipinatong ko ang aking ulo sa unan niya at magkadikit na ngayon mga ulo namin.Pero biglang pina-usog ako ni Nico kasama ang unan kaya napalayo ako ulit sa kanya. Ngayon napansin kung ginamit na niya ang isang unan na natira at yun ang ipinatong niya sa kanyang ulo. Inihagis ko na naman ang unan ko, at siguro wala ng paki-alam si Nico sa akin. Dahan dahan ulit akong umusog papalapit kay Nico at ipinatong ko uli ang ulo ko sa unan niya. Yes! Perfect! di na niya ako ginalaw. Masaya ako dahil magkaharap na mga mukha namin.At dahan kung dinikit noo ko sa noo niya, tapos ang ilong ko sa ilong niya, at akmang lips to lips na sana, ng biglang tumalikod siya. Grrrr! Nabitin ako dun. Pero di ako susuko, ayaw kung matulog na hindi ko mahahalikan si Nico. Nang tumalikod na siya, niyakap ko siya, dahan dahan kung pinaglalakbay ang aking kamay at hanapin ang kamay niya para hawakan ito, at nagtagumpay naman ako. Pinatong ko ang leg ko sa leg niya kaya, super yakapan na kami ngayon,bahagyan kumawala si Nico sa pagkahawak sa akin pero naibalik ko naman agad ang pagkahawak sa kanya. Naging mas madiin ang aking pagyakap kay Nico, at dahan dahan kung pinaghahalikan ang mga batok niya.

Natakot ako bigla kasi nag change position si Nico at humarap sa akin, akala ko kasi susuntukin niya ako. Pero di ako akalain na susunggaban niya ako ng halik. Siyempre kung gusto niya ng gyera, eh di lalaban ako. Naghahalikan na kami ni Nico at naging maapoy pa ang halikan namin dahil talagang hinawakan pa niya ulo ko. Aba aba, uhaw na uhaw din palang mokong na ito.

You Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon