Chapter 23: Family Reunion

78 2 0
                                    


(PAST)

Raymundo's POV

More than a week din na confined si papa sa ospital, pero unting-unti naman nanumbalik ang kanyang lakas sa katawan. After ma ICU hindi pa nun siya makakapagsalita ng maayos, at palagi nalang itong natutulog at naka oxygen. Pero maganda naman ang serbisyo nang mga doctors at nurses dito sa hospital kaya gumagaling na si papa, at malaking pasasalamat ko din kay Nico dahil sa tuwing may free time siya dumadalaw pa talaga siya dito sa kwarto namin at inilagaan ang papa ko. Naging close na din niya si mama ko, nung una nasusungitan siya kay mama at natatakot makipag-usap, then fortunately maganda ang naging relasyon nila ni mama. Ginamitan siguro ng "in a nurse way" ni Nico si Mama. Naawa na nga ako kay Nico kasi kahit off duty na niya, nag volunteer siyang mag aalaga kay papa, kasi kami ni Ramil may mga pasok kasi sa school. Nung una inayawan ko siya, pero sabi niya "okay lang daw niyang pagsilbihan ang kanyang soon to be father-in-law.Charrrr." Hindi naman nagtatanong mga magulang ko kung bakit ganito ka helpful si Nico sa amin, basta ang pagkaka-alam nila ay matalik kung kaibigan si Nico.Ganun naman talaga diba? Nagtutulungan ang magkaibigan o magka-IBIGAN.

Nakauwi na kami ngayon sa apartment after ma discharge ni papa sa hospital. Oo, dahil sa pangyayari, for the first time in history of my life, buo ang pamilya ko ngayon dito sa apartment. Magkasama-sama kami ngayon ni mama, papa, ako at ang brother kung si Ramil . Request kasi ni papa yun na kung saan siya dapat daw kasama niya si Ramil. Si mama ang nagpasimuno na mag stay muna si papa sa apartment para mas maalagaan pa ng mabuti. Wala namang magawa si Tita Nelly, ayaw niya nga sana pumayag pero para sa ikatahimik ng lahat pumayag na din muna siya. Ang gulo ng pamilya ko noh? Sobrang complikado.hays. nang makauwi na kami dito sa apartment, balik normal na ang kilos ni papa, nakakalakad na siya, kaya na niyang kumain, nakakapag usap na ng maayos. At para makasigurado meron na talaga siyang maintenance na gamot. Paminsan minsan pumupunta si Nico dito s apartment at kinukuhanan niya ng blood pressure at blood sugar ang papa ko. Ang swerte ko talaga kay Nico, feel ko safe na safe ang family ko pagdating sa HEALTH. Nahihiya na nga daw si papa at mama sa kanya dahil daw para na daw siyang private nurse namin. Pero alam niyo naman ang baby Nico ko, ngumingiti lang yun at ang cute cute niya.

Makalipas pa ang ilang araw naging mas magaling na si papa. At paubos na din ang natitirang araw ng kanyang vacation leave dito. Seaman papa ko kaya naman may 1 month lang silang bakasyon dito. Nag-anyaya si papa ng dinner date.

"mga anak kumusta pag-aaral niyo?" tanong ni papa sa amin habang nakaupo kami sa may sala at nanonood ng tv. Katabi ko din si Ramil.

Tumingin kami kay papa at nakaupo na din siya.

"okay naman pa, mag e-exam na nga kami kasi malapit na ang Christmas vacation." Sagot ko kay Papa

"ikaw ram?" tanong ni papa kay Ramil

"okay din pa, busy din sa projects kasi katulad nila munio pa magbabakasyon na rin". Sagot ni Ramil. Munio o mon ang tawag nila sa akin, palayaw ko kasi.

"ah ganun ba mga anak, pagbubutihin niyo pag-aaral niyo ha? Okay naman sa akin na gumagala kayo . mga lalaki kayo at normal lang yung gigimik kayo minsan. Pero dapat uunahin niyo talaga ang pag-aaral kasi gusto ko at ng mama niyo na matutupad ang mga pangarap niyo sa buhay." Pangaral ni papa samin

Tango at ngiti lang ang ganting sagot namin kay papa.

"mon anak, tanong ko lang, may syota ka na ba?" biglang tanong ni papa sa akin

"papa naman oh, kanina pinapangaralan mo kami pero ngayon tinatanong kung may syota ba ako. Baka si Ramil pa, meron". Sagot at depensa ko kay papa. Sa totoo lang gusto ko lang itago muna ang relasyon namin ni Nico. Di kaya'y obvious na yung mga kinikilos namin ni Nico nitong mga huling araw? Kasi minsan nahuli ako ni papa niyakap ko si Nico, pero sabi ko namiss ko lang kaibigan ko. Grabe! Ang babaw ng rason ko, nataranta kasi ko that time. Buti nalang at parang naniwala naman si papa sa sagot ko.

You Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon