(Past)
Nico's POV
Katabi kung nakaupo si Raymundo sa may bench, kinukumbinse akong matutung lumangoy.
""gusto mo halikan kita nic?" ang bulong ni Raymundo sa akin.
Nung hindi pa kami ni raymundo, binibiro niya akong gusto daw niya ako halikan. Sa mga time na yun hindi ko yun sineseryoso kasi alam kung biro lang yun at baka pang alaska lang yun sa kanya sa akin. Pero ngayong kami na, iba yung nararamdaman ko eh, mas lalu pa akong kinikilig at kung pwede lang sana maglaplapan kami sa halikan dito hanggang magsawa kami sa mga labi namin.
Nanglaki yung mga mata ko nung narinig ko ang sinabi ni raymundo sa akin. Lumingon ako sa kanya at parang na shock pa rin ako.
"Oh bakit ganyan reaksyon mo Nic?" ang tanong ni raymundo
Hindi ako makapagsalita kasi umaapaw yung pagka sorpresa at siguro parang excited akong mahalikan si raymundo for the first time.
Hoy! Ok ka lang ba? Parang nagulat ka ata sa sinabi ko Nic. Sabi ni raymundo
"ahh..ehh..an..ano..kasi', bulol kung sagot
Lumapit uli si Raymundo at bumulong uli sa akin.
"nobyo kita at nobyo mo ko kaya normal lang yun mag kiss tayo".
Tumingin ako uli kay Raymundo, at tiningnan ko lang din si rodel habang nagmamasid sa amin.
Balik uli akong tumingin kay raymundo.
"eh ano kasi mon, ang daming tao, nahihiya ako. hindi ka ba nahihiya?" tanong ko kay raymundo
Pero hindi sumagot si raymundo, ngumiti lang siya sa akin at bigla niya akong ni hug.
"okay. naiintindihan kita nic, pero basta mamaya, may kiss na ako ha?" sabi ni raymundo sa akin habang naka yakap parin siya sa akin.
"mmm." Di na ako sumagot pero tango-tango na lang ako.
Naputol yung sweet moments namin ni raymundo dahil kay rodel.
"Hoy! Langoy na tayo, mamaya na yang Bromance niyo! Sabi ni rodel
Tumayo na ako at dala dala ko ang pinahiram na swimming attire ni raymundo at nagbihis na ako sa banyo. Hindi sa nahihiya na Makita katawan ko sa madlang people, parang conservative lang ako sa mga panahong ito.
Lumabas na ako sa banyo pagkatapos kung magbihis. Nakasuot ako ng swimming shorts at naka sandong puti ako.
Lumapit ako uli kay raymundo na nakaupo pa rin sa may bench habang nag-uusap sila ni rodel.
Parehong engineering student sina raymundo at rodel, pero nasa electrical si rodel.
"Mon, pwede bang sa susunod mo nalang ako turuan? Parang hindi yata ako preparado ngayon."
Kumbinse ko kay raymundo
"tuturuan lang naman kita sa mga basics Nic atsaka dalawa kaming magtuturo sayo". Sagot ni
Raymundo
"OO nga Nic". Sabat naman ni Rodel
Wala na akong magawa kasi pinagtutulungan na ako ng dalawang gwapings kaya naman sumang-ayon
Nalang ako.
Mabuti nalang at kunti nalang yung madlang people ngayon sa pool, wala na kasi yung mga bata kanina
BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
RomanceNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...