(Past)
Nico's POV
Nakasakay na ako ngayon sa motor ni Raymundo at nag Back hug ang ginawa ko. Nilalanghap ko amoy ng katawan niya, ang bango bango tapos yung amoy lalaki talaga.
"Bakit di mo sinabi sa akin mon?" panimulang tanong ko sa kanya.
Pero parang hindi niya ako narinig kaya wala akong nakuhang sagot sa kanya.
Hinayaan ko na lang siya kung saan niya ako dadalhin. Pero parang napalitan yung lungkot kung nararamdaman nang Makita ko muli ang aking boyfriend. May pagkairita parin ako sa kanya pero medjo kunti nalang. Iba talaga basta mahal mo ang isang tao.
Palibot libot lang kami sa metro Cebu, wala akong idea kung saan ako dadalhin ni Raymundo. Sa tuwing nagtatanong ako sa kanya, hindi naman siya sumasagot. Feeling ko tuloy multo ako dito eh!
Makalipas ang halos 3 oras na palibot libot lang, isama na jan ang traffic, akala kung saan kami, pero sa isang eskwelahan lang pala ako dadalhin. Isang eskwelahan kung saan merong oval at swimming pool.
Pagkatapos mag park niya bumaba na kami sa motor niya.
Pumasok kaming sabay sa may entrance, pero napapansin kung tahimik parin si Raymundo. Kinakalabit ko tagiliran niya, walang ka reak-reaksyon ang mokong. Titingnan lang ako tapos mona lisa smile lang.!
Palubog na ang araw ng makarating kami sa lugar dito kaya medjo madilim na.
May nakikita parin akong nag ja-jogging, may nag zu-zumba, nagprapraktis ng sayaw, basta ang daming tao. Pero kadalasan ay mga estudyante.
Nakita ko ang swimming pool at may idea na ako kung anong gagawin namin ni Raymundo ngayon.
Oh No Mon! biglang sabi ko sa kanya.
Walang sagot, pero nag iba na ang ngisi niya. Malaking ngiti na ang response niya sa akin.
Isang swimmer si Raymundo sa school nila, at dito sila minsan nagprapraktis sa pool na ito.
Mon? ano ba? Alam mo naman diba na di ako marunong lumangoy? Pa inosenteng sabi ko kay Raymundo.
Tango tango lang siya sa akin, at di parin siya nagsasalita.
Hoy ano ba Mon! Naririnig mo ba ako? Sagutin mo naman ako oh! Iritang sabi ko sa kanya. Pero Ngiti nalang talaga response niya sa akin. Pasalamat lang talaga siya kasi ang gwapo gwapo niya, Bagong gupit kasi tapos ang ganda ng awra niya ngayon.
Di ko alam, nagiging pipi ka na Mon. ay di nga lang pala pipi, bingi na din! Sabi ko sa kanya ulit
Pumasok na kami sa may pool at tiningnan ko lang si Raymundo. Siyempre hindi kami nag iisa dito kasi marami ding naliligo, halu-halo nga eh, may mga bata't matanda, babae't lalaki. Malakas kasi ang sex appeal ni Raymundo kaya naman pinagtitingnan kaming dalawa ng mga tao. Hindi ko naman hawak kamay ni Raymundo at nakasunod lang ako sa kanya. Siguro tinitingnan din nila ako kasi naka duty uniform pa ako.
Pinaupo niya muna ako sa may bench dito.
Nic, bihis lang muna ako. Umupo ka na lang muna jan ha? Sabi ni Raymundo
Infairness nagsalita na rin ang mokong after 48 hours.
"Ha? So sinama mo lang ako para paupuin dito habang manonood lang akong lumalangoy ka?"
Di na naman ako sinagot ni Raymundo, ngumiti lang siya sa akin, tapos pumasok na sa may banyo.
Nang paglabas ni Raymundo sa banyo, Sh*T! Napanganga ako.
BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
RomansaNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...
