Nico's POV
Paglabas ko ng gate ay nakita ko kaagad si Val, nakasandal sa kanyang sasakyan.
Ang gwapo gwapo niya sa suot niya, sa bagong gupit niya, ang linis ng kanyang mukha at ang kanyang nakakamatay na smile. Parang nagliliwanag si Val sa aking mga paningin, "Kim Bum", ikaw ba yan? Napaisip isip ko.
Hoy Nico!, sigaw ni Val sa akin, pero parang di ko siya narinig.
Natulala pa rin ako sa aking nakita.
Hoy Nico, okay ka lang ba? Sabi ni Val ulit.tulala pa rin ako, hinawakan niya ako sa balikat ko, at bigla akong natauhan sa aking sarili.
"annyeong haseyo", ang tangi kong nasabi.
Ha?, nalito si Val
"Sabi ko annyeong haseyo". Ulit kung sabi habang nakangisi.
Kailan ka pa naging Koreano nic, hahaha! May pa anyung anyung anu yun? Tawa ni val sa akin.
Hahaha, niloloko lang kita Val, ikaw nga yang parang Koreano eh. Sabi ko kay Val.
Loko! Hindi ako Koreano noh, Chinese ako. In short Chi-Noy, Chi-nito.. sagot naman ni Val sa akin.
Eh anong ginagawa mo dito Val? Gabi na ha? Tanong ko kay Val
Eto dinadalaw ka, na miss kita eh.!haha, sagot naman ni Val
"Baliw! Kumusta pala party niyo?"
Yun masaya, pero ngtatampo ako sa yo, I called you many times pero di mo naman sinasagot mga tawag ko. , lungkot niyang sabi
"Ha? Diba ng text ako sayo di ka namn nag reply".
Oo, ngtext ka nga pero once lang, late pa!. sagot naman ni Val sa akin.
"Eh Bakit nga ba?"
Kasi nga gusto ka Makita nila mommy and daddy kanina, alam mo bang sinabihan nila ako na invited ka sana, kaya tawag ng tawag ako sayo pero mukhang busy ka yata, di ko alam kung may pinagkaka-abalahan ka na na di ko alam. Sabi ni Val sa akin
"Talaga? Naku pasensya Val, nag SM kasi ako kanina eh, di ko kasi namalayan na tumatawag ka. Galit ba parents mo sa akin?"
Eh di naman sila galit, pero ang saya naman kanina, sayang nga wala ka. Makikita mo din sana sila Ate Nikki at Kuya Luke. Nakita mo din sana kung paano ako kumunta kanina, feeling ko nga parang nasa concert ako. Hahaha. Saysay ni val Sa akin
"Hambug much naman? Mabuti at naging successful ang celebration niyo. Hayaan mo makakabawi din ako sa parents mo. Binigay mo ba yung gift ko sa kanila?... At kailan ba aalis ate at kuya mo?"
Sa totoo lang maganda talaga ang boses ni Val kaboses niya si Charlie Puth at ang plus points, Val knows how to play guitar and piano, at yan ang mga katangian ang hinahanap ko sa isang lalaki. Sh*t!
Yup, thank you daw. 3 days lang siguro sila Ate Nikki at Kuya Luke dito, alam mo na yun sila, busy din sa work.sagot ni Val
"Okay. pero gabi na Val Ha? Hindi ka pa ba pagod? I mean dapat nagpahinga ka na ngayon."
Hindi ako makatulog eh, kaya andito ako ngayon kasi gusto ko sana yayain kitang gumimik . As in Now na! at subukan mong umayaw Nico, magtatampo na talaga ako Sayo. Tugon ni Val sakin.
" Ha? Okay okay. para makabawi ako sayo at hindi ka na magtampo. Pero teka teka lang Val bihis muna ako saglit."
Ay wag ka na magbihis Nic okay na yang suot mo.si Val
BINABASA MO ANG
You Will Be Loved
RomanceNaniniwala ka ba na true love really exists? Minsan naitanong natin sa ating mga sarili kung saan, kailan, paano mahahanap ang true love? Ang soulmate? Sa Hospital? Sa school ba? office? kalsada? mall? jeep? bus? eroplano? airport? beach? kung sa...
