a simple present...

8 1 0
                                        

(July62016)











Maligalig si Em-em sa bahay ni Dean... halos lahat ng gawain gustong pakialaman... nglalaba... nghahardinera...nanggugulo sa kusina... Pati paglilinis ng kotse.. Nakikijoin siya...


''Dahan dahan po....Manang Lucia....''

Nakangiwing sabi ng dalaga... nalaglag siya sa upuan ng piliting tumulong pagpunas ng sasakyan...

Naitukod niya ang siko at nagasgasan... Buti na lang at mababa lang kung hindi pihadong bali ang siko niya... baka lumabas pa ang buto...



''Lagot ako nito sa alaga ko...''mangiyak ngiyak na saad ni Lucia...''ang kulit mo nman kasi...''

''Secret lang ito... Malayo sa bituka... Mabubuhay pa ako ng matagal...''nakangiting sabi ng dalaga...


Nailing-iling na lang si Lucia...


Pagdating ng binata sinalubong niya agad ito ng ngiti abot sa tenga...para walang duda...


''Good evening...DJ...''kaway pa ni Em-em...


May kausap sa telepono si Dean at lumingon lang sa kanya ...walang ngiti... Walang kaway... dumiretso lang agad sa study room...


''Pagod si Sir....maraming trabaho ngayon...''


Sabi ni Max bit bit ang attaché case ni Dean at isinunod sa study room...naiwang nakatayo lang si Em-em sa daraanan...



Naghintay siya ng ilang minuto baka sakaling lumabas ito at yayain niya ng kumain... nagugutom na siya...



''Tara ng kumain...''dungaw niya sa study room...ni hindi ito lumingon... Laptop nman ang inatupag nito...''DJ....''


''Kumain ako sa labas...kumain ka na...''taboy nito...


Ilang sandali pang nanatili sa pinto si Em-em bago tuluyang pumasok at isinara ang pinto...


''Gusto mo ng masahe ?" Tanong niya...


Umiling si Dean...


''Coffee?"



Umiling ulit si Dean...



''Sex?". At kunwari tumingin tingin sa paligid ang dalaga...



''Thank you for your offer... may be next time...busy ako...''patay malisyang tugon ng binata...


Tumaas ang kilay ni Em-em...''joke lang yun...kung makatanggi ka nman jn...''sabay talikod at walk out...



Ano Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon