(July82016)
Em-em POV
Last night was wonderful...
Sabi yun nang mga taong in love.. Ng mga colorful ang love life...ng mga nagmamahal ng pareho...
Sa kaso ko?
Ako lang ang in love... para sa akin colorful ang love... yun nga lang kung pareho kayo ng nararamdaman...
Yung nangyari kasi kagabi...dala lang ng lamig ng panahon... side effect ng lakas ng ulan at kulog kidlat...
Hindi man lang hinintay na sampalin ako ng sikat ng araw... nauna pa ang sampal ng katotohanan... hindi ako prepared... akala ko kasi...we're on the same side... ako lang ang dumiretso... siya lumiko...maganda kasi yung other way...
Nakaalis na si DJ... pero nakahiga pa rin ako sa kama...mangatog man ang tuhod ko sa ginawa nmin kagabi... mukhang ako lang ang hindi pa naka-moved on...
Nakakatamad bumangon....lintek kasing pakiramdam ko na to...akala mo iniwan ng ngmamahal.... Iniwan lang nman ng minamahal pagkatapos ng nangyari...
Agad kong pinalis ang luhang nglandas sa pisngi ko at bumangon... nakaraos na eh...tapos na...
Pinilit kong ibalik ang normal kong mood ng dumating kami dito pagbaba ko...Hindi ko hinanap si DJ... naka-score na yun...didistansya na ulit... Ganoon talaga...
''Hi Em...good morning....''masiglang bati ni Lee sa akin...
''Hi...good morning din...''ngumiti ako at kumaway...''hang over?"
Tumango siya...may dala kasi siyang gamot at isang baso ng tubig pag labas ng kusina kung saan nakasalubong ko siya...
''Nagugutom na ako...''haplos ko sa tiyan ko...''kumain ka na?"
Tumango siya..''nauna na ako kasi kailangan kong uminom ng gamot...''
Tumango lang ako at tumuloy na ako sa kusina... nakita ko si Lola at ngmano... kasalo niya si Tito Manolo..
''Good morning po...''bati ko...
''Maupo ka na...sabayan mo na kaming kumain...''alok ni Lola...
Ngumiti ako at umupo... Sinalinan ako ni Tito Manolo ng sinangag at iniabot nman ni Lola ang pritong daing na bangus...
Nagpasalamat ako at kumain na...ipinatong ng maid ang mug ng umuusok na kape sa tabi ng pinggan ko...
''Thank you...''ngumiti ako sa maid at itinuloy ang pagkain...
Paubos na ang pagkain ko ng maamoy ko ang pabango ni DJ... nilunok ko ang laman ng bibig ko at uminom ng kape...

BINABASA MO ANG
Ano Ba Tayo?
RomanceHe wasn't your...husband He wasn't your...bf... He wasn't even your....friend... MU........almost... Almost lang....