(July72016)
Em-ems POV
Mahal ko na ata si DJ....kahit anong pigil ko sa damdamin ko...wala akong choice kundi ang mahulog na sa kanya ng sobra...
''Ang mga apo ko....ang gu-guwapo....''
Kami lang ata ni Lee ang napangiti sa bungad ni Lola Ising..... tumango lang at nagmano si DJ sa Lola nila...ganun din si Lee...
''Ang aming magandang Lola....kumuzta?" Magiliw na tanong ni Lee...
Ngumiti ang matanda at napalingon sa akin...para akong batang napahawak sa laylayan ng shirt ni DJ... mukha nman siyang mabait... kaya lang tiningnan niya ako...from head to toe....nakaka-concious...
''Mabuti ako...apo...''tugon nito kay Lee...''sino nman ang magandang babaing kasama niyo?" At ngumiti sa akin...
Kahit palagi ko nman naririnig yun...na maganda ako...may mga taong alam kong once na nagsabi ng compliment... totoo...totoong-totoo...
Lumingon si Lee sa kuya niya....
''Ahm... Lola...si Em-em.... Em-em... Lola nmin...''simpleng pakilala ni DJ...
''Hello...iha....''at nagmano ako...''kaawaan ka ng diyos... Gf ka ba ni Dean?"
Hindi ko alam tatango ba ako...assumera nman ako nun...baka mamya isipin ni DJ nangunguna ako sa listahan ng mga asumera...
''Just call her Em-em Lola... Nothing more nothing less...''tugon ni DJ...
Nakita kong kumunot ang noo ni Lee...kunsabagay... Tama nman yung sinabi ni DJ... Hindi niya nman ako asawa... hindi niya gf.... kahit kaibigan nga hindi niya idinikit sa pangalan ko...
Hindi pa siguro umaabot dun ang qualification ko...bagsak... Ganun...
Kinalma ko na lang ang sarili ko...hindi nman puedeng ika-stress ko iyon...wala nman akong ''k''
''Mamya... mamingwit tayo Em....''biglang agaw ni Lee sa atensiyon ko...ngumiti ako sa kanya....he knew when I need a back up...
''Isasama ko siya sa chocolate factory....''saad ni DJ...
''Join na rin ako....naku...may paborito ako nung bata pa ako sa mga produkto ni Lola...ipapatikim ko saiyo...''may kalabit at kindat pa sa akin si Lee..

BINABASA MO ANG
Ano Ba Tayo?
RomanceHe wasn't your...husband He wasn't your...bf... He wasn't even your....friend... MU........almost... Almost lang....