mother side

6 0 1
                                    

(July 142016)












''Coffee?"




Napalingon si Em-em sa nagsalita.... ang hapdi na ng mga mata niya...maya'tmaya kasi naiiyak siya tuwing masusulyapan si Dean...




''Thank you po....''tugon niya...





Tumango lang ang ginang ng kunin niya ang cup ng coffee...''hindi ka pa umuuwi.... kailangan mo ring makatulog ng maayos...''





Napatitig si Em-em sa ginang..napakahinahon nitong mgsalita kesa noong ipahiya siya sa opisina ni Dean...





''Pasensya na po....gusto ko po kasing next time na magising siya...andito ako...''tugon niya..




''Sabi ni Ravine... any time magigising na ulit siya...''dagdag ni Marga...




Tumango ang dalaga at humigop ng kape...si Leanne umuwi muna para tingnan ang bahay ni Dean... Si Manolo umuwi rin muna para sa ina...




''Alam mo....ang gusto ko lang nman...maayos ang buhay niya...''



Nilingon ni Em-em ang ginang at nakitang nakatingin ito sa nakahigang si Dean... malungkot ...





''Mayaman ang ina ni Leanne... kasing yaman ng Daddy ni Dean... Kami...average lang...kung hindi ko ipaglalaban ang karapatan ni Dean sa ama niya...baka hindi ko siya kayang buhayin...''kwento ni Marga...




Nakikinig lang si Em-em...





''Anak din ako sa labas ng Tatay nmin ni Manolo... Siya ang original na anak kaya close siya kay Mama... Manolo was ten ng mamatay si Papa... I was fifteen by then...hindi na ako umaasa sa sustento ni Mama... working student ng mgtapos ng highschool...pero hindi sapat ang pera ko for college...may factory na ng chocolate sina Mama nun...bago pa sila nag-asawa ni Papa...pero ma-pride ako...ayaw kung umasa sa kanila...''



Ano Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon