she smile...

10 0 1
                                    

(July112016)











Ginawang inspirasyon ni Em-em si Dean kahit pa wala ito sa tabi niya...gumawa siya ng magagandang larawan... Itinabi niya ang lungkot... kailangang maramdaman ng titingin sa gawa niya ang saya...



''Amazing.... your hands were gifted....''puri ng artist na isinama ng bumili ng iginuhit ni Em-em...


Ngumiti ang dalaga....''salamat po...''



''Kaunting hasa na lang...pwede ng maisama sa isa sa mga exhibit ko ang gawa mo...''


ngumiti at tumango lang ang dalaga..magandang balita yun para sa kanya at sa pangarap niya...



''May gathering kami ng ibang artist this weekend...if you can come...puede kang makakuha ng mga tips...then...you can meet other artist...''engganyo pa ni Carlos...



Lumingon si Em-em sa katiwala ng ampunan... ngumiti ito at tumango...



''Hindi po ba nakakahiya? ''Pag-aalangan ni Em-em...



Umiling ang longhair na binata...''no not at all...open ang gathering sa lahat ng future famous artist....I can say....yung iba sa mga baguhang artist sa pilipinas wasn't good as you....''


''Sumama ka na...kapag naging member ka na ng grupo nila...you can travel all around the world...right Carlos iho?" Lingon ng bumili ng iginuhit ni Em-em...


''Tama...puede kang maimbitahan sa mga exhibits sa iba't-ibang lugar... Local and international...''dagdag ni Carlos...



Natigilan si Em-em... siguradong mahal magpa-member sa grupo ng mga ito... hindi man siya pamilyar sa mga gawa ni Carlos... masasabi niyang... he's a known artist...hindi nman magkakaron ng kaibigan na basta basta ang regular magbigay ng donasyon sa ampunan... kwento pa nga ng katiwala ng ampunan...ito rin daw ang agad tumutulong kung may problema at sakit ang mga bata...



''I know what you're thinking.... don't worry about the membership fee...kaya mong bayaran yun...with your art....''tugon ni Carlos..



Ano Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon