trail....

8 0 1
                                    

(July122016)












Deans POV





Kilala ko ang boses na iyon... Imposibleng magkamali ako...nag-inuman kami ng kapatid ko kagabi...



Lasing ako pero....totoong si Em-em ang tumawag sa cellphone ng kapatid ko...gusto kong makasiguro.... Hindi ko nman puedeng tanungin si Leanne...




''My head....''



Napalingon ako kay Leanne...kagigising niya lang...nakatulog na kami pareho sa study room ng bahay ko...kung hindi sa ingay ng tawag sa telepono niya...hindi ako maalimpungatan...



''Morning bro....'' Bati niya at tinapik ako sa balikat bago naupo...




Tahimik lang akong humihigop ng kape...hindi magagawa ni Leanne ang pagtaguan ako...lalo pa kung si Em-em...



''Bro...kung ayaw mong pumunta sa exhibit...si Tito Manolo na lang daw...''




Napatingin ako sa kanya...exhibit?




Iisa lang ba ang tinutukoy ni Em-em ng tumawag siya kagabi at ang tinatanong ni Leanne?




''Mahilig sa art si Em-em....''banggit ko...




Lumingon siya at ngumiti...''yeah.... I remember that....''




Pinagmamasdan ko siya habang kumakain kami ng agahan... huwag nman sanang magkatotoo ang hinala ko...




Tmunog ang phone niya ....tiningnan niya ang screen kung sino ang tumatawag... tumingin sa akin bago sinagot...




''Morning.... yes....''nag-iisip siya Sandali....''kung wala akong date...''tugon niya pagkuway...''I'll call you later....''natahimik siya ng ilang segundo at lumingon ulit sa akin....bago ibinaba ang phone...




''Sino yun?"tanong ko kahit kutob ko kilala ko ang tumawag...




''Kakilala ko...''tugon niya..''kuya....may tumawag ba sa akin kagabi?"



Kunot-noo niyang tanong.... Umiling ako...''I can't remember....lasing na rin ako kagabi...''I need to tell a lie...




''Ah....''tumango-tango siya...''mukhang napadami nga ang inom natin kagabi...''




''Sasabay ka ba sa akin papuntang opisina?"tanong ko...''kailangan kasi akong maaga pumasok ngayon...''




Umiling siya...''may dadaanan lang akong kaibigan.... susunod na rin ako after....''




Ano Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon