(July92016)
Em-em POV
Napangiti ako,sa wakas.... natapos ko na Ang last piece na iginuhit ko...
Lahat ng bagay na hindi ko nasabi o masasabi kay DJ ang mga larawang iginuhit ko ang magpapaliwanag...
Kahit pa masama ang loob ko hindi pa rin puedeng kalimutan na naging mabuti pa rin siya sa akin...
''She's fine... Yeah...''narinig kong boses ni Lee..
Nakatalikod siya sa pinto ng study room...si DJ ang kausap niya...after ng isama ako ni Mrs. Jordan sa opisina nila dito na nag-stay si Lee... nadagdagan ang mga nagbabantay sa akin...
''How's the wedding?"
Napahawak ako sa dibdib ko...wedding?
Tumawa si Lee...''that's good to hear... So uuwi na kayo?"tanong niya sa kausap...pinakinggan niya ang tugon sa kabilang linya...''yeah...talk to her...she's not doing good bro...ngkukulong sa kwarto niya...she barely eat her food... She misses you so much...''
Tinakpan ko ang bibig ko ng tumulo na ang luha ko...nagpakasal na si DJ....
Marahan akong humakbang paakyat sa kwarto ko...niyakap ko ang sarili ko at umiyak ng umiyak sa gilid ng kama...huli na ito...ibubuhos ko ng lahat...
''Em....hey...the dinner's ready...let's eat...''katok ni Lee sa pinto...
''Wala akong ...gana....''Mahina kong tugon...
Pinihit niya ang knob pero ni-lock ko ang pinto....''are you crying?... Open the door Em...''nag-aalala ang boses niya habang pinipihit pa rin ang doorknob...
''Go now Lee....kumain ka na..iwan mo muna ako..''taboy ko...hindi ko na nakontrol ang hikbi ko...
''He'll be home soon....''napakagat labi ako...iniisip niyang dahil kay DJ ako umiiyak...''you missed him so much?"
Tumango ako kahit hindi niya nakikita.... Pero umiling din dahil hindi ko na ulit makikita si DJ... Kailangan ko ng umalis...
''Tatawagan ko siya...pauuwiin ko siya bukas just stop crying ...okay?" Pakiusap ni Lee...
Hindi ako umimik... hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak ng umiyak kahit alam kong naririnig rin nila ako...
Hindi na rin niya nman ako aabutan....

BINABASA MO ANG
Ano Ba Tayo?
RomantiekHe wasn't your...husband He wasn't your...bf... He wasn't even your....friend... MU........almost... Almost lang....