looked....

6 0 0
                                    

(July162016)











Kinakabahan man si Em-em... kailangang ituloy niya ang plano ni Ravine.... Tiningnan na siya ng driver ng taxi kasi hindi pa siya bumababa...




Nag-iipon pa siya ng lakas ng loob...





''Ma'am?..."




Nagtatakang tingin ng driver...napilitan tuloy bumaba ang dalaga.. kipkip ang isang envelope...



''Miss.Em-em... Pasensya na po...naibilin po kasing wag kayong papasukin...''




Bukod sa guard...agad ring lumapit si Max pinigilan siya...




''May kailangan lang akong ibigay sa nurse ni DJ...ipinaabot ni Dr. Ravine...''tugon ni Em-em...


''Ako na lang po ang mag-aabot...''pigil pa rin ni Max...



Tumanggi si Em-em at umiling....''kailangang ako raw ang magbigay sa nurse at hihintayin ko ring ma-fill up-an..''



''Pero kasi....''atubili pa rin ni Max..



''Hindi si DJ ang sadya ko...ipinakiusap lang sa akin ni doktora to'...''pakiusap pa rin niya...''kailangang ko lang talagang ibigay ito ng personal...''



Mataman siyang tiningnan ng bantay...



''Kahit dito na lang ako sa labas...pakisabi na lang sa nurse...hihintayin ko siya dito sandali..''giit niya...




Walang nagawa si Max kundi papasukin na rin si Em-em... Pinaghintay niya ito sa salas at tinawag ang nurse sa kwarto ni Dean...




''Sir...may bisita po sa baba...''



Napalingon si Dean kay Max...''sino?"




''Si....si....Miss. Em-em po...''sabay ngiwi niya...



''Bakit mo pinapasok... ibinilin ko na sainyo di ba?"medyo umalsang boses ni Dean..




''Sir...hindi nman po kayo ang ipinunta niya...''paliwanag ni Max at ikinuwento ang sadya ng dalaga...''nurse Anton..''tawag nito sa nurse...




Ano Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon