By Your Side

497 11 2
                                    

Hermine Jane POV

"Hi?" Bati ko na naging dahilan ng halos pagkahulog niya sa upuang inuupuan niya.

"Her-Hermine. Ikaw p-pala.. Bakit ka napunta dito?" Tensiyonado niyang tanong.

"Kasi... Pwede bang magpatulong?" Nakayuko kong tanong.

"Sure basta ba kaya ko. Ano ba yun?"

Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya! Seryoso ba siya? He will help me? Wah!!

"I need an escort!" -ako

"Ha? Escort? For what?" -siya

"Sa... Pa...geant?" -ako

"What? Why me? Bakit hindi ang asawa mo? And look, may pasa ako sa labi dahil sa ginawa niya kahapon." Hala! Paano na yan??

"Ehh.. Hindi siya pwede. Siya ang nanalo last year remember? At kung pwede man.. Ayoko sa kanya. Gusto ko... Ikaw..." Napalunok ako bigla. Shit! Parang mali ang sinabi ko ah!

I heard him chuckled

"Don't worry. If you want me to be your escort I will."

"Talaga?! Wow thank y--"

"In one condition" wait. What?!

"Teka! Ano yang condisyon na yan ha?!" Sabi ko at napatakip sa katawan ko!

"Hahaha! Ano ka ba Hermine! Hindi iyon ang gusto ko. Hindi ang bagay na iniisip mo! Hahaha kakabasa yan ng romance stories eh!"

"Eh ano nga iyon?"

"Simple lang...

Be by my side..."

By his side? Paano? Imposible ang gusto niya

"Vince.... You know that...."

"Yes I know you're married but remember? Hindi iyon alam ng iba. At hindi ka niya tituturing na asawa.." Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Tama naman kasi eh.

I heaved a sigh..

"Yun lng ba ang gusto mo?" He nodded.

"Ok then... I'll be.... By your side. I promise."

"I hope so Hermine. I hope so.."

Tumingin siya sa ibang direksyon at halatang nalulungkot siya. Teka? Bakit naman?

'Hay... Ano bang iniisip ko?' Sabi ko sa sarili at pinulot ang ice bag na nasa couch na inuupuan niya dito sa tambayan nila. Umupo ako sa tabi niya at dinampian ng ice bag ang pasa niya.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero wala na akong paki alam kaya nagpatuloy lang ako.

"Hermine..." Tawag niya at hinawakan ang kamay kong may hawak na ice bag.

"Know what? Kung gusto mong mawala yan agad, you still need to put some ice here para ma bilis gumaling at ng maging gwapo ang escort ko noh!"

Natawa kaming parehas sa sinabi ko. Ginulo niya ang buhok ko at tinignan ako sa mga mata ko.

"Don't go away from me no matter what hmm?" I nod at ng di nakapagpigil ay nayakap ko na siya.

"Thank you Vincent ha? Thank you for being there nung nag-away kami ni Myles sa Paris. Thank you sa pag sundo ha? Thank you rin for being by my side. Thank you Vince..." Sabi ko at siya namang paghigpit ng yakap niya.

"I'll do anything for you Hermine. Because...

I do really love you. Please Believe me."

'Sana ikaw nalang ang minahal ko Vince. Kung sanang pinag-aralan kitang mahalin noong mga panahong di ko pa kilala si Myles. Siguro masaya tayo ngayon...'

—————

A/N:Please leave a Comment for your reactions, also Vote and Support this! THANK YOU!

My Perverted Wife #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon