CHAPTER 12

58 2 2
                                    

Andy's Pov 

Bestfriend?


Ilang linggo na ang nakalipas hindi pa rin ako kinakausap ni Matthew ng maayos. Nakakainis kasi hindi ako sanay na ganito sya saakin. Dati kahit busy sya may oras pa rin sya saakin.


Sino ba ako para humingi ng oras nya? At mag demand?


Bestfriend ka nya kaya may karapatan ka.


Mula bata kayo magkasama na kayo sa hirap o ginhawa.


Kasalukuyan akong nakikipagtalo sa konsensya ko.


"Class Dismissed."


Hindi pa ako nalabas ng classroom dahil sa tinatamad pa ako at wala rin naman akong makakasama. Hawak ko lang ang phone ko at pinagiisipan kung tatawagan ba si Matthew o hindi. Kanina pa ako nandito


10 minutes .. 20 minutes ...


"Tawagan mo, kung tatawagan mo." Nagulat ako sa nagsalita galing sa likod ko siguro hindi ko na namalayan na bumalik sya dahil sa may naiwan syang libro.

"Ask. Before it's too late." Huli nya pang sinambit at naiwan lang akong tulala ano na? sign na na yon? hindi naman siguro masamang tumawag sa bestfriend diba?


Calling Mathematics..


Nakailang ring na pero hindi nya pa rin sinasagot hanggang sa namatay. Sana pala hindi ko nalang sya tinawagan. Edi sana hindi ako ang nasaktan dahil sa hindi nya naman sinagot.Busy lang yon Andy, alam mo na mvp sya sa basketball team.


Pumunta akong gym at nagbabakasali na makita sya kahit sandali. Hinahanap ng mata ko si Matthew pero hindi ko mahagilap nasaan ba yon? Wala namang nagpapractice na basketball team dito dahil puro cheerleaders ang nandito.


Hanggang sa nahagip ng mata ko si Matthew na may tatlong cheerleaders na kasama. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko hanggang sa nagdatingan na ang ka team nya at ginamit ko ang lakas ko upang malabas ng gym bago nya pa makita.


Hindi ko alam ang iisipin ko. Hindi na ako makapagisip ng tama. Hindi nya ako kinakausap at busy syang makipagusap sa ibang babae, siguro nagsawa na sya sa pagmumuka ko kaya naghanap na ng iba. Nasanay ako na sya ang lagi kong kasama kaya hindi ko lubusang maisipin na nagawa nya akong ipagpalit sa bagong kakakilala nya lang.


Ako kababata nya lahat ng buong pagkatao nya alam ko at ganon din naman sya saakin. Nakakalungkot lang isipin na pinagpalit nya yung friendship namin sa kung sinong babae lang.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now