CHAPTER 15

73 2 2
                                    

Sam's Pov

Perya


May kasama ako makulit ngayon na naglalakad patungong parking lot kung saan naka park ang kotse ko.


"Love, tara na't mag perya." Pangungulit nya habang hawak hawak ang braso ko. Mula kaninang umaga inaaya nya na ako perya ngayon nangungulit pa rin sya.

"Pilitin mo ko." Bigla nya akong binitawan at binilisan ang lakad. Ang pikon talaga nito. 

"Bahala ka nga!!" Sigaw pa nya.

"Love naman hindi mabiro." Inakbayan ko sya at humawak naman sya sa bewang ko.

"Ayain ko rin sila Alex. Ikaw namn ayain mo sila Andrei." 


Kaya tinext namin sila at sinabi na magkita-kita sa perya.


"Cotton candy!!" Sigaw nung bata pagbaba namin ng kotse. 


Kaya sinundan ko sya at bumili.  Tuwang tuwa sya kahit na amazona ang isang 'to may pagka isip bata naman syang side na mas lalo kinahuhulugan ko.


Nag group call kami para magkakitaan.

On the call: Andrei, Alexander, Andy, Amanda at Alexander.

Amanda: Saan kayo? Nandito na ako.

Andy: Wait Amanda, hintayin mo ko kakapark ko lang.
Alex: Teka medyo traffic hintayin nyo ki.
Nandito kami sa malapit sa may cotton candy.
Alexander: Pre dito na ako sa likod nyo.
Andrei: Kasama ko na sila Andy papunta na kami dyan.

End of group call.


"Buti at nag-aya kayong mag perya. Namiss ko to! Wooh!" Sabi ni Alexander sabay kuha ng cotton candy kay bebi. 

"Sup guys" Bati nila Andrei at magkakasama na sila. 


Naglilibot na kami nung napansin ko na wala pala si Matthew. Madalang na syang sumama saamin dahil sa busy sya, tanggap naman namin yon pero sana magsabi sya.


"Where the hell is Matt?" Lahat sila napaisip at napatingin kay Andy. 

"Huh? Di ko alam, baka nagpapractice." Aniya nito.


Nagtanguan nalang kami at naglibot. Lahat din ng babae ay bumili ng cotton candy kaya naman habang naglalakad ay nakain sila. Marami pagkain, games at may rides din. Ang mas nakakatuwa may horror booth. Dami talaga pakulo ng mga tao ngayon. Next week pa ang luwas namin sa probinsya ilang araw kami doon dahil hindi ko trip at mamimiss ko si Amber my loves.


"Tara sa horror booth!!" Sigaw ni love nung madaanan namin ito. 

"Game!!" Sagot ng mga babae pero kami ay napakamot at napasunod nalang.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now