CHAPTER 31

47 2 0
                                    

Kiss and Tell


"Ahh!" Sigaw ko nung ibinaba ako ni Matthew na halos i hagis nya ako sa lakas. Nasaan na ba ang gentleman na Matthew Adams? Tinignan ko ang paligid kahit na hihilo hilo na ako ngayon lang yata ume pekto yung alak sa katawan ko.

"Nasaan tayo?" Pagtatanong ko sa kanya. Pero nakatingin lang sya saakin. Pamilyar naman kung nasaan kami kaso hindi ako sigurado. Nakahiga lang ako at hawak hawak ang ulo ko. Feeling ko nag iinit na rin ang muka ko. 

"Nasa Slash pa rin. Dinala kita dito sa quarters ng banda dahil hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan. Magagalit saakin si tita." 


Napatingin ako sa kanya iniisip nya pa rin talaga kung anong iisipin sa kanya ni Mama samantang yung ginagawa nya saakin hindi nya na iniisip at umiwas din ako ng tingin. 


"May pake ka pala saakin?" Siguro nagulat sya kaya umupo sya sa tabi ko.

"Bestfriend mo ko diba? Syempre may pake ako sayo." 


Sabi nya daretso sa mata na nakatingin saakin. Umiwas lang ako ng tingin. Naiinis ako sa kanya ang bipolar nya. Mag-aalala magiging sweet tas magiging cold tas eto nanaman sya. Hindi ko na maintindihan parang tanga lang. 


Para syang bublegum. Sa una sweet pa pero habang tumatagal nawawala na yung sweetness at wala ka ng magagawa kung hindi ang itapon.


Pero sa part ko, hindi ko sya tinapon. Tinago ko lang, kasi umaasa pa rin ako na mabalik sya sa dati.



"Si Ashley?" Hindi ko mapigilan na magtanong sa kanya. Kahit masakit okay lang. Immune na siguro ako sa sakit na dala ng adams syndrome. 

"Kanina pa umuwi." Tahimik lang syang nakaupo. Option ako ganon? Ako yung pupuna pag wala si Ashley? Hindi ko alam kung anong trip nya. Kung dati nababasa ko pa sa mga mata nya kung anong naiisip nya, ibang usapan na ngayon. 


Parang nagkaroon ng gap sa pagitan naming dalawa. Ang sakit lang masanay sa mga bagay na nagpapasaya sayo, yung akala mo permanente na. Umupo ako at pinatong yung ulo ko sa tuhod ko dahil ayokong makita ni Matthew na umiiyak ako. At bigla ng tumulo ang mga luha ko. Ayokong maawa sya at ipakita ang pusong mamon nya. Ayoko ng umasa ang sakit.


Ina-ngat nya yung muka ko na kinagulat ko. Mas lumapit sya saakin at pinahiran ang mga luha ko na ayaw tumigil. 


"Bakit ka naiyak? May problema ka ba? Pwede mo kong sabihan." Ang tanga mo sagad sa buto. Ang manhid mo pa. Kung bakit kasi minahal pa kita eh bestfriend nga lang.


"Si Jacob ba? Sinaktan ka ba nya? Ano sabihin mo lang. Talagang namumuro na yung hayop na--." 


Gitil na gitil nyang sambit. Pero nakatitig lang ako sa kanya kaya napatigil sya. Pinahiran ko ang pisnge ko at tumayo. Pero natigilan ako sa paglalakad nung hinawakan ako ni Matthew sa braso. 


"Mag-usap naman tayo oh. Ano bang problema?"


"Ako! Ako yung problema kasi minahal ko yung bestfriend lang dapat. Kasi nagseselos ako kay Ashley kahit na wala naman akong karapatan. Kasi na mimiss ko kung anong meron saatin dati. Kasi ang tanga tanga ko---" Naputol ang sasabihin ko ng bigla akong hilahin ni Matthew at sabay hinalikan. Quick kiss lang. Pero nagulat ako at literal na napanganga nalang.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now