CHAPTER 3

166 1 0
                                    

Amber's Pov

Ice cream


Nakakainis. Nakakabwisit. Nakakaloka. Nakakabaliw. 6 hrs na! 6 fucking hours simula nung hindi pa rin sya nagtetext, chat or even call.

Speaking of

Samuel's Calling...

Binato ko lang yung phone ko at tumayo iniisip ko kung sasagutin ko ba o hindi. Galit ako. Galit ako!!


"Kung sasagutin mo. Sagutin muna. Nakakahilo kaya yang ginagawa mo, friendly advice lang." Sabi ni Andy habang nagbabasa ng libro. Nagboboarding house ako dahil sa malayo ang bahay namin at nandito sila para mang gulo. 

"Kung nahihilo ka wag kang tumingin! Bwisit." Sigaw ko. Wala ako sa mood!!! 

"Kung sinasagot muna kasi edi nalaman mo kung bakit hindi nagtetext diba?" 


Mahinhin na sabi ni Andy and that hit me tanga tanga Amber oo nga naman kukunin ko yung phone at biglang namatay yung tawag. 


"Amber." Tawag ni Amanda out of nowhere. Biglang sulpot. 

"WHAT?!" Sigaw ko dito.

"Sinigawan ba kita? Bakit mo ko sinisigawan?!" Galit much. 

"Easy. Ano ba yon?" Kumalma ako para hindi kami mag-away. 

"May naghihintay sayo sa lobby." Sabi nya sabay higa. 

"Sino daw?" Nalilitong tanong ko, wala naman akong bisita.

"Kung tinitignan mo edi sana nakilala mo kung sino." Pagsabat ni Alex sa usapan namin ni Amanda habang nag lalaptop. 


Hindi ko na sila pinansin at bumaba na dahil nasa third floor ang room ko.


"Anong ginagawa mo dito?" Pagsusungit ko wala ako sa mood. Galit ako. Galit ako.

"Hindi mo kasi sinasagot yung mga tawag ko eh."

"Akala ko kasi nakahanap ka ng iba."


Masisisi nyo ba ako? anim na oras syang hindi nagparamdam. Kung sasabihin nyang may gagawin sya papayagan ko naman sya. Hindi nyo ko masisisi kung ang unang pumasok sa isip ko ay ang may iba na sya.


"Love naman eh." Sabi nya at lumapit saakin. Lumayo lang ako sa kanya. Hindi kami bati. 

"Love mo muka mo, umalis kana mukang busy ka naman eh."


At paalis na ako nung hinawakan nya ako sa braso kaya para akong nakuryente.

Geez, my weakness.

Sabi ko, galit ako eh. Ano bayan!


"May ice cream akong dala. Hindi ko kayang ubusin eh. Malulusaw lang. Sige ka." 


At napangiti naman ako don. Ice cream, my comfort food. Alam nya kung nasaan ang kiliti ko. Kaya naman napalingon ako at bitbit nya yung ice cream at nakangiti ng nakakaloko ang isang 'to. Nakakainis naman eh!


Sabi nya na nakatulog daw sya after mag basketball kaya hindi na nakapagreply saakin. Nasa may labas kami ng boarding house dahil bawal pumasok sa loob ng kwarto ang lalaki at nakain kami ng ice cream habang tinitignan ang mga stars. Nag bo-board lang din siya sa kabilang building kaya pumayag ako na mag stay siya dito.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now