CHAPTER 13

36 1 0
                                    

Andrei's Pov

Cold as Ice


Hindi ko intensyon na guluhin si Amanda o sundan. Gusto ko lang syang makasama nitong nakalipas na buwan ay ang iwas nya saakin. Gusto ko lang naman syang maka close masama ba yon? Nagiging close na kami, pero napansin ko na parang umiiwas sya. Parang na distansya sya saakin? And that's for me to find out.


Nakita ko ang kotse nya na papunta mcdo galing sa University kaya naman sinundan ko sya. At makishare ako ng upuan sa kanya kahit hindi pa sya nagsasalita. Nagulat ako ng isawsaw ni Amanda ang burger sa ice cream nya. At na curious ako na kung anong lasa non. O-order sana ako ng ice cream at burger kasi ubos na yung spaghetti na in-order ko kaso biglang dumating ang tropa ni Amanda.


"Akala ko ba mag-isa kalang?" Tanong ni Amber at lahat sila nakatingin saakin.

"Oo mag-isa lang naman talaga ako, pero ito! Biglang sulpot." Turo pa saakin ni Amanda.

"Whatever." Pagtataray ni Amber. At tumabi ang tropa nya sa kanya at dahil tapos na rin ako iniwan ko na rin sila.


Ayokong makagawa ng gulo, gusto ko lang makasama si Amanda. Habang naglalakad ako palayo, tinitignan ko sila na nag-uusap. 


Inagaw pa ni Alex ang fries nya, si Andy naman ay nakiinom ng coke kay Amanda. Samantalang si Amber ay busy sa phone nya.

**


"Class dismissed."


Natapos na ang nakakaboring na buong maghapon sa school na to. Habang naglalakad sa hallway kasama ang tatlong kumag ay nakita ko si Amanda may kasamang lalaki.


Hindi ako nagsasalita pero mukang napansin din nila. 


"Pre, sino yung kasama ni Amanda?" Bakit ba ako ang tinatanong nila. Nagtatakhang tanong ni Alex. 

"Hindi ko alam." Yan lang ang lumabas sa bibig ko pero pinagusapan pa rin nila.


Nakapamulsa lang akong naglalakad at iniwan sila. Sumigaw sila kasi ibang daan yung pinuntahan ko pero hinayaan na nila ako. Natatandaan ko yung lalaki na yon, ex nya yon. 


Pero bakit kasama nya? Sila na kaya ulit? Nakipagbalikan na kaya sya ulit?


Paano naman ako at ang nararamdaman ko sa kanya?


Kaya nya ba ako iniiwasan dahil nagseselos ang bf nya?


WHY IT CAN'T TO BE ME?


THAT SHOULD BE ME!!!!


"ARGHH." Sigaw ko at sinipa ang bato dito sa field. 

"Galit much? hahaha" May mga babaeng nag react pero hindi ko nalang pinansin.


Hindi ako pumunta board, instead ay pumunta akong Slash kahit na three pm palang at may tugtog kami mamayang seven pm ay naginom ako. Siguro sa paraan na to ay malilimutan ko ang nakita ng mga mata ko kanina.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now