CHAPTER 14

61 1 2
                                    

Matthew's Pov

Varsity player meets Cheerleader


Tapos na ang first semester para sa taon na ito. Lagi akong nandito sa University para maghanda sa Nationals. Lagi kaming nag pa-practice dahil sa isa ako sa napili para lumaban. Masaya pero nakakapagod. Lahat sila ay nagbabakasyon, yung iba ang umuwi sa probinsya at yung iba naman nasa bahay lang. Nagkikita-kita naman kami pag may oras. Kadalasan sa Slash lang kami nagkikita gawa ni Amber at Alexandra na nagtatrabaho na ng full time.


Kakatapos ko lang mag shower sa locker room ng basketball team. Habang pinupunasan ko ang buhok ko ng towel ay tinignan ko ang phone ko at nakita kong may text saakin si Andy.


Andy:

Tapos na practice? Kain tayo! My treat.


Napangiti ako, pero nawala din ang ngiti sa aking labi. Hindi ko na alam, nitong nakalipas na buwan. Hindi kami nagkakausap. Nagpagisip-isipan ko na mag focus muna sa basketball at sa pag-aaral. Habang nasa locker room at inaayos ang buhok ko ay may pumasok na isang cheerleader ng department namin.


"Bawal babae dito, Miss." Sabi ko ng hindi nakatingin.

"Sorry, kanina pa kasi ako naccr hindi ko na kaya na umabot pa sa labas nitong locker room sarado naman yung cr sa gym at maraming tao saa locker room namin kaya nagbaka sakali ako na walang tao dito."


Naawa naman ako kaya pinayagan ko na, buti at ako nalang ang tao dito. 


"Sige nandyan yung cr, bilisan mo nalang."


Sabay mag practice ang cheerleader pati basketball team. May cheer dance competition din kasi.


"Salamat. I'm Ashley Mateo." Sabi nya sabay abot ng kamay nya. Nakipag shake hands naman ako

"I'm Matthew Adams." Nginitian ko sya at kinuha ko ang bag ko sabay kaming lumabas ng locker room.

Marami kaming napagkwentuhan. Mabait sya, maganda, maputi, matangkad. Actually she's almost perfect. We're taking the same course kaso first year palang sya.


Nandito kami ngayon sa cafeteria nag-aya sya na ililibre nya ako but I insisted, makulit kaya pumayag na ako. Marami pa ring studyante na nag su-summer class at yung iba naman hinahabol pa rin ang mg professor nila para sa huling requirements.


"Water or Softdrinks?" Sabi nyang nakalingon saakin. 

"Water nalang." Sabi ko ng nakangiti. Umupo muna ako at hinihintay sya ng makita ko sila Sam na magkakasama.


"Samuel!!" Sigaw ko dahil paalis na sila ng cafeteria. Ngayon ang huling araw nila dito sa University dahil tapos na silang magpasa ng last requirements.

"Ow, Matt?" Lumapit silang lahat.

"Nandito ka pala." Kasama ni Sam sila Andrei at Alex.

"Tapos na training?" Tanong ni Alex. Umupo muna din sila. 

"Oo eh." Kalmadong sagot ko.

"Matthew oh." Abot ni Ash ng Tubig at sandwich. Lahat sila nakatingin kay Ash.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now