CHAPTER 18

56 1 1
                                    

Amanda's Pov

Revelation 


Masayang natapos ang magdamag namin ng girls. Matagal nanaming hindi ito nagagawa dahil sa college na kami kailangan mag seryoso. Kaya ngayong sembreak hangga't walang ganap ay gagawa kami ng paraan para magkita-kita at mag bonding. Babangon na sana ako ng naramdaman kong nakadagan si Andy saakin. 


"Andy!!" Sigaw ko at inaalis ang paa nya na nakasampa sa hita ko. 


Imbis na alisin nya ay mas lalo nya akong dinagaanan. Gising na pala ang isang to. Samantalang yung dalawa tulog pa. Nagdaganan kami ni Andy at tawa ng tawa binalutan ko rin sya ng kumot habang pilit na hinahampas ng unan.


"Ang ingay!!!!" 


Natigil kami sa ginagawa namin ng sumigaw si Alex at sinubsob ang muka nya sa unan. Bumangon kami ni Andy at pinictureran yung dalawa at si Amber na nakanganga pa. Inayos na namin ang hinigaan namin at naligo na isa-isa. Sabay ginulo yung dalawa. Dinaganan namin sila nung minulat nila ang mga mata nila


"Inaantok pa ako wag kayong magulo!!" Sigaw ni Amber. 

"Andy, naamoy mo ba yon?" Pangaasar ko naman sa kanya. 

"Oo, amoy panis." Sabay nagtawanan kami dahil sa itsura ni Amber. 

"Bwisit!!!" 


Sigaw nito at tumayo na tinignan nya muna ang phone nya at dumaretsong cr. Uy, conscious. Tinignan ko ang phone ko at nine am na pala marami na ding text ang 8888 saakin na cut na pala ang unli ko.


Tulog pa din si Alex ano ba namang babae to. Napaka sleepy head. Si Andy nag fa-facebook sa gilid ng kama. Nag-ig lang din ako at na shocked sa nakita ko. Omghd!!!! Si Ashley Mateo may post na picture nila ni Matthew. They looked so happily in love with each other. Naka akbay pa si Matthew at makatinginan lang sila ni Ashley na para bang nagtatawanan. Finallow nya pala ako hindi ko napansin naka public kasi ang account ko. Teka sa perya to ah. Sila ba?


Madaming likes at marami ding mga comments kesyo sila ba or magkapatid. Marami ring nagsasabi na bagay sila. Marami ding nagsasabi na si Andy ang bagay kay Matthew. And suddenly I looked at Andy's face. Sasabihin ko ba? I can feel it, na hindi lang best friend ang tingin ni Andy kay Matthew eh.


"Goodmorning, Universe!!!" Nagulat kami sa sumigaw na si Alex. 


Kaya naman napatingin kami ni Andy at na si Amber na kakatapos lang maligo. Binato ko ng unan si Alex and she stared at me. 


"What's your problem?" Magkasalubong ang kilay nya. 

"Ruining your morning." Natatawa kong sambit. Dahil mabilis syang maasar kaya masarap asarin. 

"Whatever." Aniya at pumasok na sya sa cr sabay naligo. Bumaba muna si Andy kaya naman nilapitan ko si Amber.


"Uyy, tignan mo to." Sambit ko kay Amber na pinapatuyo ang buhok nito. 

"Ano ba yan?" Sabi nya ng hindi pa natingin sa cellphone.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now