CHAPTER 30

43 1 0
                                    

Andy's Pov

After Party


Simula nung niligtas ako ni Jacob lagi na kaming magkausap nung una nag hesitate ako na i accept yung friend request nya sa fb but I ended up accepting him. Siguro kasi natakot ako sa magiging reaksyon ni Matt dahil sa mortal nya itong kaaway sa basketball.


Pero ano bang pake nya? Wala naman na syang pake saakin dahil busy sya kay labanos. Nagkikita din kami minsan ni Jacob at naguusap ng mga bagay-bagay. Minsan nakikita kami ni Matt na magkasama at halos umusok na yung ilong nya sa galit. At kapag susugod sya pinipigilan sya ni Abo. Hindi ko alam kung anong pinuputok ng butchi nya eh pa sya pwede makipag kaibigan sa iba ako hindi?


One time pinagbawalan nya pa ako na makipagkita kay Jacob. Bakit sino ba sya? Boyfriend ko ba sya? Kaya naman hindi ko sya sinunod.


"Anong iniisip mo?" Sambit ni Jacob na kasama ko ngayon dito sa district mall.

"Wala. Pupunta pala ako sa after party mamaya." Mahinahon kong sambit sabay kain ng spaghetti. Nasa mcdo kami at nakain ng meryenda.

"Sige, hahatid kita don." Napatingin ako sa kanya. Lately ang bait bait nya saakin. Ayokong sabihin nya tina-take for granted ko yung kabaitan nya. Taken na kasi ang puso ko sa nevermind.

"No need. Mag taxi nalang ako." Pagtanggi ko sa kanya.

"No. I will not going to allowed that. Mag gagabi na rin baka mapano ka pa." Pag-aalala nya at tumingin sya sa mga mata ko.

"I'm fine, Jacob. This is too much." Sana makumbinsi ko sya pero base sa muka nya mukang failed.

"No." Okay, ang kulit nya para syang bata.


Nagkwentuhan nalang kami tungkol sa kung anu-ano gaya ng mga hilig nya at hilig ko. Nasabi na rin na nagka gf na sya pero isa lang dahil seryoso syang humawak ng isang relasyon. At sinabi ko naman na ako ay nbsb na ginagulat nya. We stayed for 2 hours na nagkukwentuhan lang.


"Hmm. Jacob, I need to go. 7pm kasi start nung party." Sabi ko sa kanya at tumayo rin sya. At dumaretso kami kung saan nakapark ang bmw nya.

"Saan?" Tanong nya nung nakasakay a kami.

"Sa Slash." At nag drive nalang sya. Nagulat ako sa nagtext saakin. Ngayon nalang ulit 'to. 


Matthew Adams:

Nasaan kana? Ingat ka.


Bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba 'tong nababasa ko? Pinalitan ko ang pangalan nya sa phone ko dahil feeling ko hindi na kami close. Unti unti na syang nalalayo saakin pero bakit eto nanaman ang puso ko tumitibok nanaman para sa kanya. 


"Ayos kalang ba?" Pag-aalalang tanong ni Jacob itinigil nya pa yung kotse.

"Ha? Oo naman." At ngumiti ako sa kanya. At nagpatuloy na syang mag drive. Hindi ko na nireplyan si Matthew. Ewan ba pero hindi ko feel na replyan sya. After 20 minutes ay dumating na rin kami sa Slash. Maraming tao at sobrang ingay sa loob na mukang nagkakasiyahan sila.

"Salamat sa pag hatid kahit hindi mo naman kailangan." Sabi ko sa kanya pagkababa ng kotse at bumaba din sya nagulat ako nung bigla nya akong hinila at niyakap.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now