CHAPTER 25

61 1 0
                                    

Alexandra's Pov

Date


Eleven am nung nagising ako at chineck ang phone ko ng may nakita akong unknown number na nagtext. Umupo ako at binasa ito.


Unknown Number:

Goodmorning, Ms. Sleepyhead! How's your sleep? 


Huh? Ms. Sleepyhead? Sino naman 'to? Kung si Alex to paano nya nalaman ang number ko? Nilagay ko nalang yung phone ko sa side table at naligo na. Habang nag totoothbrush at nakaharap sa salamin ay naalala ko yung sinabi kagabi ni Alexander. I'll fetch you by twelve pm in the afternoon. Got it? Ingat ka. Napapailing ako habang naiimagine yung muka nya. Nang natapos na akong mag toothbrush ay naligo na ako. After thirty minutes ay tapos na akong maligo at nakaharap sa cabinet ko.


What to wear? Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga damit ko na puro plain gray, black and white. More on tee shirt and hoodie.


AISHHH!!!! Bakit ba ako nagkakaganito? As if date 'to!! Pasigaw kong sinabi at umupo sa kama.


What? Wait? Date nga ba 'to?  *iling iling* gusto nya lang makabawi. No big deal Alexandra. You hate boys right? So be it. Huminga ako ng malalim at bumalik sa cabinet ko.


Nag ripped jeans at plain black tshirt ako syempre hindi mawawala ang plain black cap ko na may check. Hindi ko trip mag bag at magdala ng payong. Kaya naman hindi na ako nag bag. Nag polbos, suklay at cologne lang ako at sabay bumaba na galing kwarto. Wala si lola at Angeline ngayon kaya naman ako lang mag-isa dito sa bahay kasama si burger.


Goodmorning, burger! Sigaw at tumakbo sya papunta saakin at niyakap at nilaro ko sya habang hinihintay si Alex. Nang biglang nag vibrate ang phone ko.


Unknown Number: 

Ms. Sleepyhead? Nandito na po ako sa labas ng bahay mo. Papasok pa ba ako?


Ahh. Si Alexander naman pala uminom muna ako ng tubig at lumabas na sabay nilock ang pinto. Nang nakalabas na ako ng gate ay nakita ko syang naka upo sa hood ng kotse nya at naka pamulsa pa. 


Guess what? Naka ripped jeans at plain black tshirt din sya. GRRRR!!


"So are you mocking me?" Lapit ko sa kanya sabay crossed arms. 

"Hahahaha. Of course not, kahit ako nagulat." 


Tumakbo sya pumunta sa front seat at binuksan ito at tumingin saakin. Pero sa back seat naman ako umupo. Nakita kong kinamot nya yung ulo nya pero hindi ko nalang pinansin.


"At talagang gagawin mo akong driver ha." Sabi nya sabay tingin sa rear mirror. 

"Muka naman eh." Kita kong ngumisi lang sya. 

"So where are we going?" Tanong ko sa kanya.

"Secret." Lumapit ako sa kanya at hawak yung dalawang upuan sa front seat. 

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now