CHAPTER 29

48 1 1
                                    

Friendship Over


Nakadating na ako bahay nila Amber at hinanap agad ng mata ko si Amanda dahil sa madaming tao. Lahat sila nagtanong kung bakit hindi ako maka contact at bakit wala ako sa bahay pero hindi ko sila pinakinggan nung dumating si Amanda na halos kasunod ko lang.


"Let's talk, Amanda." Sabi ko at naglakad ako palabas ng bahay nila Amber. Nung medyo nakalayo na kami ay tumigil na kami.

"Anong paguusapan natin? If it's about Z--" Natigil sya nung sumigaw ako.

"Bullshit! Niloloko kalang nya Amanda."


Pasigaw kong sinabi wala akong pake sa ibang tao ngayon what matter now is my bestfriend.


"Ano ba?!! Hindi mo ba matanggap na kami na ulit? At kailangan mo pang siraan si Z?" Pasigaw nya ring sagot.


I can't believe her!! Ako na best friend nya for 4 years magsisinungaling sa kanya?


"Look Amanda, I'm not here para sirain kayong dalawa. Nandito ako as a friend. Nakita ng dalawang mata ko na niloloko ka lang nya. May iba syang babae, Amanda!!"


Kasalanan ko ba na tuwing may gagawing kahayupan yung boyfriend nya ako ang nakakakita? 


Umabot sila ng 1 taon. Pero hindi ko masabi kung seryosong relasyon ba 'yon dahil sa on/off na parang ilaw ang relasyon nila. Nakailang break at nakailang balikan ang nangyare sa kanila. Hindi namin sya pinipigilan pero nung last break up nila nainis na kami at sinabi nya naman saamin na last na 'yon at hindi na sya magpapakatanga pa. Kaya hindi ko maintindihan kung anong nalaklak nya para maipaluwa ko sa kanya. This is wrong!! Nahihibang na talaga sya sa lalaki na 'yon. 


"Stop. This is nonsense. Hindi magagawa 'to ni Z saakin. Z loves me." Pagtatanggol nya sa hayop. Hindi ako makapaniwala sa kanya.


Nilamon na sya ng lecheng pag-ibig na yan. Kung noon naniwala sya saakin dahilan para maghiwalay sila iba na ngayon. Dahil hindi sya naniniwala saakin. 


"I'm not making story!!! I can prove to you na niloloko ka nya. Eto oh--" Kukuhanin ko palang ang phone ko para ipakita ang ebidensya ko sa kanya pero nagsalita ulit sya and that make me stop. 

"Stop, Alexandra. Kaya ka nagkakaganyan kasi may gusto ka kay Z diba? How pathetic." Napatingin ako sa kanya.


Ano bang sinasabi nya?


"You're the one who's making story!! Kung ayaw mong maniwala saakin. Bahala ka. Pero huwag mong kalimutan na sinabihan na kita. Sige, hulihin mo sya. See it yourself. Pero pag iniwan ka nya at nag break kayo. Huwag na huwag kang lalapit saakin." Sabi ko sa kanya sabay ngisi.

"Kalimutan mo ng may kilala kang Alexandra Mcteer. And I'll do the same." Sabi ko nung paalis na ako. At tumakbo ako papuntang club house. Hindi ko mapigilan ang maiyak.


Of all people sya pa ang magsasabi saakin ng ganon? Sa tingin nya may gusto ako kay Z kaya palagi ko syang pinapalayo dito? Hindi nya ba naiisip na concern lang ako sa kanya. I just want what's the best for her. And Z, is not the ebst for her. She deserves better than him!!

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now